“Support him, Carla. You are his wife.” Paulit-ulit ang boses ni Tita Loraine sa isip ko habang nakaupo ako sa mismong conference room kung saan halos magkasabog ng galit sina Digby at Mr. Darious. Hindi ko alam kung anong mas mabigat—yung responsibilidad ng pagiging asawa ni Digby, o yung bigat ng pangalan ng Montrose na halos ikabigti ko na. Hindi ako sanay. I never dreamed of being this woman—this wife na parang ipinakasal sa isang business merger at hindi sa isang tunay na relasyon. Pero andito ako ngayon, naka-blazer, hawak ang kape, nakaharap sa mga legal documents ng MCC. At sa kabilang table, si Digby. Tahimik. Nakaikot ang braso sa likod ng upuan, matigas ang panga, pero halata sa mga mata niya na pagod na siya. Hindi lang sa trabaho—kundi sa lahat. Maya-maya pa, pumasok si M

