Ang bigat ng gabi. Nasa living room kami ni Digby, parehong tahimik, habang naka-on ang TV. Isang press conference ang naka-live broadcast ngayon. Wala na akong gana sana panoorin, pero kailangan. MCC is at war—and war means knowing every attack, every lie. At ayun nga. Si Mr. Darious. Naka-gray suit, palaging parang wala siyang mali. Ngayon, mas kalmado pa siya kaysa noong binanta niya kami sa opisina. Pero mas mapanganib. “Kami sa Darious Group,” panimula niya, “ay matagal nang kaagapay ng mga business partners sa buong bansa. Pero ngayon, kami ay nabiktima ng isang mapanlinlang na narrative na sinubukang sirain ang aming reputasyon.” Pinikit ko ang mga mata ko. Alam ko na ang direksyon ng press con na ‘to. At hindi ako handa. “Nakakalungkot isipin,” patuloy ni Darious, “na ang mga

