CHAPTER 10

1632 Words
Tahimik ang buong lounge sa private ward ng ospital. Ako lang at si Tita Loraine ang naroon ngayon, pero ang katahimikan ay parang sumisigaw sa bawat sulok ng kwarto. Nasa harap ko siya, may hawak na tasa ng kape na hindi niya iniinom. Ako naman, naka-upo pero parang hindi mapakali. Nakatitig lang ako sa sahig habang naglalaban ang takot at galit sa dibdib ko. "Anak," marahang sabi ni Tita Loraine, ngunit dama ko ang bigat sa likod ng kanyang tinig, "kailangan na nating magdesisyon. The press is asking, the church is calling. Sponsors are waiting. We need to finalize the announcement within tonight." Napasinghap ako, pilit hinahabol ang lakas ng loob. "Tita... hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong pipiliin. Paano kung... kung hindi na siya magising? Paano kung forever nang ganito? Paano kung hindi na matuloy?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Mainit, nanginginig. "Ayokong madelay ang kasal," tuloy ko, halos bulong na, "pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa harap ng altar. Hindi ko kayang magpanggap na okay ang lahat kung hindi ko alam kung okay pa ba talaga kami ni Von." "You don’t have to decide alone," sagot ni Tita Loraine. "We’re with you. But Carla
 this isn’t just about you anymore. This is about the Montrose name. Our reputation. Our legacy. Kung madedelay ang kasal, maraming masisira—hindi lang ang tiwala ng mga investors, kundi pati ang mga koneksyon naming matagal nang itinaguyod." Tumango ako nang bahagya, kahit hindi ko talaga alam kung naiintindihan ko ba o nilulunok ko na lang ang kabuuan ng bigat ng sitwasyon. At doon, bigla siyang dumating. “Proceed with the marriage.” Bumakas ang lamig sa buong silid nang marinig ko ang boses ni Digby. Nasa likod siya ni Tita, suot pa rin ang itim na coat, pero kita sa mga mata niya na hindi lang pagod ang meron siya—may determinasyon. Isang desisyong puno ng kapalaluan. Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. “What?” halos mapalundag ako sa pagkakasabi. “Anong ibig mong sabihin?” “Let’s do it,” tuloy niya, lumalapit. “Hindi puwedeng matuloy ang gulo na ‘to. I’ll take Von’s place. Ako ang magiging groom mo. A Montrose will still marry you, and that’s all the public needs to know.” Napatingin si Tita Loraine, gulat man pero hindi nag-aksaya ng segundo. “That
 actually makes sense.” “What?!” tumayo ako, nanlaki ang mga mata. “No. That is not okay!” Lumapit pa si Digby, ang kanyang anyo kalmado, pero ang mga mata niya—may kakaibang apoy, parang sanay na siyang magdesisyon para sa lahat. “Look, Carla. Wala na si Von—hindi pa man, pero hindi rin natin alam kung kailan siya babalik. This is the only logical option left.” “Logical?!” halos mapasigaw ako. “Ikakasal ako sa isang lalaking hindi ko mahal, hindi ko pinili—at higit sa lahat, ikaw pa?!” “Pareho pa rin naman ang apelyido,” ani Don Marcelo, na biglang lumabas mula sa hallway. Naroon pala siya. “And let’s be honest—wala namang ibang babaeng mas bagay sa Montrose kaysa sa’yo. You’re capable, well-bred, and
 already part of the family.” I couldn’t breathe. It was like the walls were closing in on me. “I’m not a pawn,” mahinang sabi ko. “Hindi ako manika na puwedeng ipalit-palit.” Pero ngumiti lang si Digby. Hindi ngiti ng saya, kundi ng paninindigan. “Wala tayong choice. If you back out now, all those names—those families, investors, media—will question everything. Von’s fall will look like karma, and MCC will crumble.” Tumalikod ako, pilit na pinipigilan ang pag-iyak. Tita Loraine stood beside me. “Anak, wala naman talagang magbabago. You’ll still marry a Montrose. Hindi ba’t iyon naman talaga ang pangarap ng mga magulang mo noon? Na mapabilang ka sa pamilyang ito?” Bumagsak ang luha ko. “Nangarap silang mahalin ako ng totoo, hindi itulak sa altar habang ang puso ko ay basag-basag,” mahina kong sagot. Ngunit kahit anong sabihin ko, wala na yatang makikinig. “We’ll give you time to think,” ani Don Marcelo, pero alam kong huli na. Para bang nakasulat na sa pader ang desisyon. Para bang, kahit tumanggi ako, may script na silang sinusunod. "But be quick in your decision dahil bukas na ang kasalan. We couldn't any more time and resources." Umalis ako sa lounge, pabigat ang hakbang. Tumigil ako sa isang sulok ng corridor, kinapa ang dibdib ko. Mabilis ang t***k. Hindi ko na alam kung dahil sa takot o galit o sama ng loob. All I knew was
 ...I was being forced into a marriage I never asked for. With a man I swore I’d never love. At kung papayag ako, hindi na ito basta kasal. Isa na itong pagkatalo. Pero kung hindi ko naman gagawin
 baka tuluyang bumagsak ang lahat ng itinayo ni Von. Anong klaseng kapalaran ito? At bakit siya pa? Bakit si Digby Montrose pa? Tahimik ang hallway ng ospital, pero sa utak ko ay parang may rumaragasang bagyo. Nakatayo ako sa isang gilid malapit sa vending machine, yakap-yakap ang sarili. Mula pa kanina, paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Digby. “Proceed with the marriage.” Parang dagundong ng kulog ang bawat salita. Walang paligoy-ligoy. Walang tanong. Walang konsulta. Pero mas lalong hindi ko makalimutan ang mga tingin nina Tita Loraine at Don Marcelo. Parang... para sa kanila, ito ang pinakamatinong desisyon. Para bang matagal na nila itong inaasahan. Isang backup plan. At ako? Isang kasangkot sa isang kasunduan na hindi ko kailanman lubos na naintindihan. Napapikit ako, mahigpit. Sa likod ng mga talukap kong iyon, bumalik ang alaala ng isang gabi—matagal na, ilang taon na ang nakalilipas. Maliwanag ang ballroom, maraming bisita, at suot ko ang una kong magandang long gown. Hindi ako sanay sa ganito—noon pa lang ako nakatungtong sa isang party ng mga high society families. Nasa gilid lang ako, habang masayang nakikipagkwentuhan si Mama at Papa sa isang matandang lalaki na may baston. Narinig ko ang pangalan: Montrose. “Isang Montrose ang dapat mapangasawa ng anak mo,” natatandaan kong sinabi ng lalaki. “Pag pinagsama ang galing at yaman ng Montrose at Elmundo, walang makakatalo.” “Isa na ngang pangarap kung mangyari iyon,” sabi ni Mama, may kinang sa mga mata. “Hindi lang negosyo ang matutulungan
 pangarap din ng anak ko ang matupad.” Napakunot ang noo ko noon. Pangarap ko? Hindi ko pa nga alam kung anong kurso ang kukunin ko sa college. Pero ngumiti lang ako sa kanila. Kasi ganoon tayo pinalaki—sumunod, ngumiti, umayon. Ngayon, ilang taon na ang lumipas, wala na sila. Isang aksidente lang, isang iglap—naglaho ang mundo ko. Iniwan nila akong mag-isa. Wala akong kapatid, wala ring tiyuhin na nag-abot ng kamay. Ang naiwan lang sa akin ay mga utang ng kompanya nila, mga pangarap na hindi natapos, at pangalan kong wala nang suporta. At alam mo kung gaano kahirap magsimula sa industriyang kasing sikip ng construction and architecture? Lalo na kung babae ka? Kung wala kang dalang apelyido na katatakutan ng boardroom? Kaya napilitan akong pumasok sa MCC. Secretary. Para sa iba, mababa ang posisyon. Pero para sa akin, iyon ang simula. Ang pagpasok sa kumpanya ng Montrose ay parang pagbabalik sa pintuan ng mundong isinara sa akin. Alam kong ayaw ko kay Digby. Alam kong mayabang siya, at kadalasa’y walang pakialam sa damdamin ng iba. Pero ang totoo, kahit gaano ko siya kinasusuklaman, ang MCC ang lugar na nagbibigay sa akin ng pagkakataong makabangon. At si Von... Von was different. Mabait, marunong makinig. Hinayaan niya akong magpahayag ng sarili. Siya ang naging daan ko para makaramdam na muli akong may kakampi. Nang magpropose siya, hindi ko alam kung tama o mali ang naramdaman ko. Hindi ako sigurado kung pagmamahal ba ito o utang na loob. Pero tanggap ko. At naniwala ako—baka ito na nga ang sinasabi ni Mama noon. A Montrose will marry you. The dream lives on. Pero ngayon? Si Von ay nasa ICU. Hindi alam kung kailan gigising—o kung gigising pa nga ba. At ang kapatid niyang si Digby, ang taong halos hindi ko makausap nang walang tensyon, siya ngayon ang sinasabing papalit? Pumipiglas ang konsensya ko. Hindi ito ang gusto ko. Pero... ito ang gusto nila Mama’t Papa, hindi ba? Ito ang pangarap nila. Maikasal ako sa isang Montrose. Maging bahagi ng pamilyang kayang bumuhay sa mga pangarap kong hindi ko na kayang buuin mag-isa. At kung totoo mang mapunta ako sa kapangyarihan, maibabalik ko rin sa akin ang Elmundo legacy. Kaya ko muling magpatayo ng kumpanya. Muling gumawa ng pangalan. Hindi na lang secretary, kundi... CEO. Founder. Architect of my own future. Ngunit kapalit? Isang kasal na wala sa puso. Isang pangalan na hindi mo pinili. Isang Digby Montrose na may hawak sa leeg mo habang buong mundo ay nakatingin. Worth it ba? Napaupo ako sa bench malapit sa pinto ng hallway. Kinuha ko ang phone ko. Walang bagong messages. Walang tawag. Walang update kay Von. Gusto kong tawagan ang sarili ko. Yung batang Carla. Yung batang tahimik na nakikinig sa ballroom habang pinapangarap siya ng mga magulang niya na maging Montrose someday. Gusto kong sabihin sa kanya na ito na iyon. Ito na ang araw ng katuparan. Pero bakit ganito kasakit? Napaluha ako sa pagkaka-upo. Walang tunog. Tahimik lang na patak nang patak ang luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung lungkot ba ito, guilt, o galit. Pero isa lang ang malinaw... Sa paningin ng lahat, ako ang babaeng natupad ang pangarap. Sa puso ko naman, ako ang babaeng nawala ang sarili para sa pangarap ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD