CHAPTER 15

1344 Words
It was a very stressing day at gusto ko nang magpahinga. Actually hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Was I happy dahil hindi na nagpapakita si Digby, or was I sad dahil sa akin lahat humahampas ang lahat. Parang ang lahat ng kanyang pagkukulang ay dapat kung punan. Ganyan ba dapat kapag may asawa na? Dahil this is not what I was dreaming. Pagpasok ko sa bahay, malamig agad ang sumalubong sa akin. Hindi dahil sa aircon. Kundi dahil sa bigat ng alaala. Dito sa bahay na ito dapat mangyayari ang buhay na pinapangarap ko kay Von. Dito sana kami mag-uumpisa. Dito sana kami tatawa, mag-aaway, magluluto ng breakfast nang magkasama, manonood ng pelikula sa gabi—lahat ng pangarap, pinlano namin dito. Pero ngayon, ang lahat ng ‘yon ay nauwi sa katahimikan at multo ng alaala. Kaya’t laking gulat ko nang makita ko siyang naroon. Si Digby. Nakaupo sa couch, may hawak na baso ng alak, at ilang bote ng whiskey sa coffee table. Nakasuot lang siya ng simpleng shirt at sweatpants, magulo ang buhok, at walang emosyon ang mata habang nakatitig sa sahig. Nagpantig ang tenga ko. “Hanggang kailan ka ba ganyan, ha, Digby?” tanong ko agad, hindi na nagtago ng inis. “Hanggang kailan mo balak ubusin ang sarili mo sa alak habang bumabagsak ang kompanya ng pamilya mo?” Tumingala siya sa akin, mabagal. Parang lasing pero malinaw pa ang paningin. “Wow,” aniya, pilit na ngumiti, “wa-wala man lang ‘hi my lovely husband, welcome back home’?” “Because this is not our home, Digby,” mariin kong sagot. “And it never will be.” Tumayo siya, dahan-dahan. Hawak pa rin ang baso. Lumapit sa akin pero nanatili akong matatag. “Pwede ba,” dagdag ko, “ayusin mo yang sarili mo. Bumalik ka na sa MCC. Sinisira mo lang ang sarili mo. At ang pangalan ng Montrose.” Tumawa siya, mapait. “Akala mo ba, Carla
 gusto ko ‘tong ganito?” “Then why are you letting it happen?” tanong ko pabalik. “Bakit mo hinahayaan ang sarili mong mabulok sa guilt habang lahat ng tao umaasa sa’yo?” Tumigil siya. Hawak ang baso sa kamay, parang pinipigilan ang panginginig. “Hindi mo alam
” bulong niya. “Simula nang gabing ‘yon
 nang nangyari ‘yon sa atin
 I kept thinking about you.” Napaatras ako. “Digby
” “You make me this,” patuloy niya, tinuturo ang sarili. “This mess. This obsessed man. Hindi ko na maalis sa isip ko ang mga mata mo, ang boses mo, lahat ng tungkol sa’yo. You make me crazy for you.” “Ghad, ilang beses ko bang sasabihin, Digby?” singhal ko. “It was a mistake. Isang malaking pagkakamali na hindi na dapat nangyari—at lalong hindi na dapat maulit.” “Pero mali ba,” sabi niya, at ngumisi ng mapait, “kung mag-asawa ang gumawa no’n?” Napailing ako, puno ng hinanakit. “Mali kung isa sa kanila ay hindi pumayag. Mali kung pinilit. Mali kung ang isa ay tuluyang durog na, at ang isa’y pinipilit pa rin kumapit sa ilusyon.” Lumapit siya, mas mabilis ngayon. Hawak pa rin ang baso pero hindi ko inalintana. Tumigil siya sa harap ko, malapit. Mas malapit kaysa gusto ko. Pero sa halip na matakot, huminga ako nang malalim at tumingin diretso sa mata niya. “Digby,” mariin kong sabi, “kung iniisip mong dahil kasal tayo ay may karapatan ka sa akin, nagkakamali ka. Hindi ako pag-aari. Hindi ako premyo ng trauma mo. Hindi mo ako matatakasan, pero hindi mo rin ako mapipilit.” Napalunok siya. Nakita ko ang struggle sa mga mata niya—yung gulo, yung lungkot, yung galit. Pero hindi ako umatras. Hinubad ko ang singsing sa daliri ko at inilapag ito sa mesa. “Pumunta ka sa MCC bukas,” dagdag ko, malamig ang boses. “Kausapin mo ang board. Ayusin mo ang project ni Mr. Darious. At pagkatapos no’n
 mag-usap tayo ng legal.” “Legal?” bulong niya. “Annulment,” diretso kong sagot. Tahimik. Parang tumigil ang mundo niya. Pero ako—ako ang unang umalis. Dumiretso ako sa kwarto sa itaas, iniwan siya sa sala, tahimik at tulala, hawak pa rin ang baso ng alak. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, kahit sugatan
 huminga ako ng maluwag. Hindi pa man ako nakakahiga sa kama ay biglang bumukas ang pintuan. Biglaan. Malakas. Si Digby ulit. Hawak pa rin ang baso ng alak, pero hindi na lasing ang itsura niya. Hindi rin maamo. Matigas. Mapaningil. Parang isang halimaw na sa wakas ay nagdesisyong lumaban. “Annulment?” sambit niya, nilagpasan ang threshold ng kwarto na para bang wala akong sinabi kanina. “You think it’s that simple?” Tumayo ako mula sa kama. “Umalis ka sa kwarto ko, Digby.” “Sa kwarto natin,” kontra niya agad. Nagpantig ang tenga ko. “I don’t care about your annulment talk,” dagdag niya, patuloy sa paglapit. “You know why? Dahil hindi papayag ang Montrose. Not my mother. Not my father. And most of all—not me.” “Ghad, Digby,” sambit ko, tumalikod ako at tinungo ang gilid ng vanity. “Kahit kailan hindi mo ko pinili dahil gusto mo ko—ginamit mo lang ako para iligtas ang pangalan mo.” Mabilis ang mga hakbang niya, kaya bago pa ako makalayo, naramdaman ko ang biglaang paghila sa braso ko. “Don’t walk away from me, Carla!” “Ikaw ang dapat lumayo sa akin!” sigaw ko. Pero bago pa ako makagalaw, hinarap niya ako at sa isang iglap, hinalikan niya ako. Walang pagdadalawang-isip. Walang pahintulot. Mabilis. Mabigat. Galit. Nagpupumiglas ako—kumikilos, nanunulak, umiiyak sa galit hanggang sa pak! —isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Tumigil ang mundo. Nakataas pa rin ang kamay ko, nanginginig. “Ang baboy mo,” pabulong ko pero mas matalim pa sa kutsilyo. “Wala kang karapatang gawin ‘yon. Wala kang karapatang saktan ako.” Hinawakan niya ang pisngi niyang namula sa sampal. Halos hindi makapaniwala. Pero hindi siya umatras. “You better stay away from me,” dugtong ko, halos hindi makahinga sa damdamin. “At simula ngayon, may sarili akong batas.” Lumingon siya sa akin, tahimik pero nang-aalab ang mata. “Una,” litanya ko, “Wag na wag kang tatabi sa akin sa pagtulog. Ikalawa, wag na wag mo akong hahalikan. Kahit anong rason. At pangatlo
” Huminga ako nang malalim at tiningnan siya ng diretso. “Never—ever—act like you own me.” Tahimik. Walang tunog kundi ang kaba sa dibdib ko at ang galit na tinatago niya sa likod ng mapupungay niyang mata. Biglang ngumisi si Digby, isang ngiting walang takot. “Fine,” aniya. “May rules ka.” Humakbang siya palapit, pero hindi ako umatras. Hindi na ako ang Carla na pinipilit sumunod. “Pero may sarili rin akong rules,” dagdag niya, mababa ang boses, pero ramdam mo ang titig ng isang Montrose. “Rule number one: never follow any of your rules.” Napamura ako sa isip. Pero di ko pinakitang takot ako. “Sige,” sagot ko, tumalikod muli at binuksan ang closet. “Maglaro ka, Digby. Ubusan ng pasensya, sabayan mo ako.” “You’ll tire first,” bulong niya mula sa likuran ko. “Because I won’t stop until you look at me the way you used to look at him.” Napalingon ako, nanlilisik ang mata. “We are one, Carla,” dagdag pa niya, “and sooner
 you will learn to love me too.” Learn? Tawanan na lang ang sagot ng puso ko sa ilusyon niya. Kaya tumalikod ako muli, kinuha ang robe at isinara ang closet. “Try to win me over, Digby,” matigas kong sagot. “You can try all you want.” Humakbang ako palabas ng kwarto, hindi siya nilingon. “But you won’t succeed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD