CHAPTER 8

1717 Words
Tahimik ang paligid. Ang tanging naririnig ko ay ang mahinang tunog ng monitor sa loob ng ICU, kung saan patuloy na nakikipaglaban si Von para manatiling buhay. Ramdam ko ang kirot sa bawat tunog ng beeping, parang sinasampal ang puso ko ng paulit-ulit, paalala na bawat segundo ay mahalaga… at maaaring huli na. Pinipigilan ko ang luha ko habang nakaupo pa rin sa labas ng ICU. Mahigpit kong hawak ang maliit na panyo ni Von—’yung pareho niyang ginamit kanina bago kami umakyat sa second floor ng party. Ang party na dapat ay para sa kasal namin bukas. Bukas... Hindi ko alam kung may kasal pa kaming aabutan. At sa gitna ng katahimikang iyon, biglang bumukas ang sliding door ng emergency lobby. Napalingon ako, at agad akong napatayo nang makita ko si Tita Loraine Montrose—ang ina ni Von. “Tita…” mahina kong tawag. Nagmamadaling lumapit si Tita Loraine. Pulang-pula ang mga mata niya, naka-nightgown pa, halatang hindi na nakapag-ayos dahil sa biglaang pagdating ng balita. “Nasaan si Von?” sigaw niya, halos pasigaw na tanong habang nanginginig. Sa sobrang gulat at takot, hindi ako agad nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatayo, hindi alam kung ano ang unang sasabihin. “Carla… nasaan ang anak ko?” umiiyak na tanong niya. “Ano'ng nangyari sa anak ko?!” “I-ICU po siya, Tita… stable na raw pero kailangan pa rin ng monitoring…” Dumiretso si Tita Loraine sa harap ng salaming pinto ng ICU. Agad siyang napaluhod at napahawak sa dibdib niya habang umiiyak nang malakas. “Anak ko… Diyos ko… Von…” Parang tinusok ang puso ko sa iyak niya. ‘Yung klaseng iyak na hindi mo mapipigil kahit pilitin mo. ‘Yung iyak ng isang inang hindi handang makita ang anak niyang nasa bingit ng kamatayan. Gusto kong lumapit. Gusto kong yakapin si Tita Loraine. Pero... Paano kung ako ang sisihin niya? Paano kung malaman niyang kasalanan ko rin ito? Paano kung matuklasan niyang ako ang dahilan kung bakit nagtagpo sina Digby at Von sa second floor, at hindi ko sila agad pinigilan? Hindi ko na napigilan ang luha ko. Umiiyak na rin ako pero tahimik, mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ko habang pinagmamasdan si Tita Loraine na tila unti-unting ginigiba ng sakit. At doon ko siya nakita—si Digby. Tahimik siyang lumapit muli matapos ko siyang ipagtabuyan palapot sa akin. Mula sa kabilang hallway, nakatayo siya, waring hindi alam kung lalapit o hindi. Wala na siyang hawak na whiskey. Wala na ang mayabang na tindig. Parang kahit siya mismo, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Napansin siya ni Tita Loraine at agad siyang tinawag. “Digby!” Tinawag siya ng ina niya habang luha ang gumuguhit sa kanyang mukha. “Anong nangyari sa kapatid mo?!” Humakbang si Digby papalapit, mabigat ang bawat hakbang. “Ma…” garalgal niyang sagot. Lumapit si Tita Loraine at agad siyang hinampas sa dibdib. Hindi malakas, pero ramdam mo ang kirot ng bawat hagupit. “Ano'ng ginawa n’yo?!” sigaw niya. “Sabi ko sa'yo, bantayan mo ang kapatid mo! Hindi siya pwedeng mapahamak!” “Hindi ko sinasadya… ako—ako ang dahilan… ako ang may kasalanan…” bulong ni Digby habang hinahawakan ang braso ng ina niya. “Anak ko ‘yun!” hagulgol ni Loraine. “Si Von lang ang natitira sa’kin! Bakit siya pa?!” Hindi ko na kinaya. Umurong ako ng bahagya. Pilit kong pinipigil ang paghikbi pero nilulunod na rin ako ng guilt. Kasalanan ko rin ito, Tita… kung alam mo lang… Ngunit nanatili akong tahimik. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang aminin ang bahaging ginampanan ko sa lahat ng ito. Digby gently pulled his mother into an embrace. "I'm sorry... Ma, I'm sorry. Hindi ko siya sinasadya. Hindi ko siya binantayan nang maayos. Lasing ako. Naging pabaya ako…” Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang marinig si Digby na umaamin sa ina niya ng kasalanan, o ang katotohanang lahat ng sinabi niya ay totoo. Tahimik akong umupo muli, pinapanood ang eksenang tila isang pelikula ng trahedya. Si Digby, ang lalaking kinamumuhian ko, ngayon ay wasak. Si Tita Loraine, isang inang nawawasak ang mundo. At ako—ako na nakaupo lang, hindi makaimik, tahimik na kinukuyog ng guilt at takot. Biglang humarap sa’kin si Tita Loraine. “Carla…” tinawag niya ako, namumugto ang mga mata. “Anong nangyari? Bakit nangyari ‘to?” Nanlaki ang mata ko. Natuyo ang lalamunan ko. Parang may mabigat na nakapatong sa dibdib ko. “Ako—hindi ko po alam…” kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko. Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin. “Wala akong alam…” ulit ko. Tahimik lang si Tita Loraine. Nilingon niya muli ang anak niyang nasa loob ng ICU. Umiiyak pa rin siya pero may halong pangungulila na ang mga luha niya—parang sinasabi ng puso niyang malapit nang mawala si Von. At kung mangyari ‘yon? Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko. Nakahawak pa rin sa dibdib si Tita Loraine, nanginginig sa pag-iyak sa harap ng ICU, habang si Digby ay tahimik lang na nakatayo sa tabi niya—tila binubuno ang bigat ng pagkakasala. Ako naman, nananatiling nakaupo, parang bangkay na walang lakas, walang boses, walang alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari. At sa gitna ng katahimikan ng pasilyo, bumukas ang pinto ng ICU. Lahat kami ay napatayo ng tuwid. Lumabas si Doctor Cruz, ang senior neurosurgeon ng ospital, kilala sa buong Linus City dahil sa galing at tapang sa pagbibigay ng totoo—kahit gaano ito kasakit. “Dok…” bulong ni Tita Loraine, nilapitan agad ang doktor. “Ano na po ang lagay ng anak ko? Kamusta na si Von?” Napalunok ako. Parang lahat ng pintig ng puso ko, huminto. Ramdam ko ang malamig na pawis sa batok ko, habang si Digby ay nanigas sa kinatatayuan niya. Doctor Cruz sighed. “Ma’am, Sir, Miss Carla…” tumingin siya sa aming tatlo. “Von’s vitals are currently stable. But I’m afraid the damage to his brain is significant.” Napalapit ang mga palad ko sa bibig ko. No… “Anong ibig sabihin n’yan, Doc?” nanginginig na tanong ni Digby. “May malaking pressure sa kanyang utak. He hit his head hard during the fall. There’s a chance that he may fall into a coma,” diretsong pahayag ni Doctor Cruz. “And not just for days or weeks—possibly… a year or more.” “WHAT?” bulalas ni Tita Loraine, sabay yakap sa sarili. “A year?!” Tiningnan ako ni Digby. Tiningnan ko rin siya, at doon ko lang naramdaman ang tunay na bigat ng sinabi ng doktor. Isang taon? “Doc…” ako na ang sunod na nagsalita. “May chance po ba siyang gumaling?” Doctor Cruz looked down, then back at us. “May chance. But we have to prepare for the worst. If he doesn’t respond within the next 72 hours… coma may become permanent. And beyond that timeframe, may posibilidad din pong…” Hindi na niya tinapos. Hindi ko na kinaya. Pwede niya itong ikamatay? Hindi ko napigilan ang paghikbi. Para akong sinampal ng lahat ng desisyong pinagsisihan ko. Kung hindi ko sila pinayagang umakyat. Kung ako ang humawak sa kamay ni Von. Kung hindi ako nagtago sa isang sulok habang sila ni Digby ay nagtatawanan. Kung hindi ako naging duwag… Napaupo ako ulit. Hindi ko namalayang si Tita Loraine ay dahan-dahang bumagsak sa sahig, muling humagulgol habang hawak ang rosaryong nakasabit sa kanyang leeg. Si Digby naman, napasandal sa pader, napapikit nang mahigpit, at sa wakas… bumagsak din ang luha sa pisngi niya. Lahat kami—wasak. Pero ako ang mas kinurot ng realidad. Bukas ang kasal namin. Bukas. Ang damit ko, nakasabit na sa bahay. Lahat ng kaibigan ko, excited na. Ang mga suppliers, bayad na. Ang invitation cards, nai-deliver na. At higit sa lahat—ang buong Montrose family at mga investors ng MCC, invited lahat. Hindi lang basta kasal ang nagaganap bukas. Isa itong malaking alliance ng mga pamilya at negosyong may pangalan. At ngayon? Paano mo ipapaliwanag sa press na ang kasal ay hindi matutuloy dahil ang groom ay nasa ICU, at maaaring comatose sa loob ng isang taon? Paano mo sasabihing hindi na ito mangyayari? Hindi ko mapigilan ang panginginig ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot, sa guilt, o sa bigat ng expectations ng mundo sa paligid namin. Bigla kong narinig ang boses ni Doctor Cruz. “I’m sorry… we’ll do everything we can.” Pagkatapos no’n, bumalik na siya sa loob ng ICU. Pag-alis niya, wala pa ring nagsalita. Lahat kami, tulala. Hanggang sa napalakas ang boses ko, kahit hindi ko sinasadya. “Paano na ang kasal namin bukas?!” Napatingin sa’kin si Digby at si Tita Loraine. “Lahat invited na… buong Montrose clan, investors, mga VIPs… lahat naghihintay ng seremonya bukas! Hindi kami pwedeng mapahiya!” Pero habang sinasabi ko iyon, mas lalo akong nababalot ng guilt. Kasi sino ba talaga ang iniisip ko? Si Von, na halos wala nang malay? O ang reputasyon ng pamilya? Tita Loraine slowly stood up, punong-puno ng luha ang mukha. “Carla… hindi na mahalaga ang kasal. Ang mahalaga… buhay pa ang anak ko.” “Yes, Tita… I know,” bulong ko. “Pero paano kung… kung hindi na siya magising? Paano kung—” Hindi ko na itinuloy. Hindi ko kayang bitawan ang mga salitang paano kung hindi na siya gumising kailanman. At sa likod ng lahat ng takot ko, naroon ang isang lalaking tahimik lang, pinagmamasdan ako—si Digby. Ramdam ko ang tingin niya. Ramdam ko ang paninisi niya sa sarili. Pero kasabay no’n, nararamdaman ko ring parang gusto niyang saluhin ang lahat ng ito. Parang gusto niyang sabihin na, “Ako na lang ang masaktan, huwag ka na.” Pero hindi niya pwedeng buhatin ang kasalanan ko. Hindi lang siya ang may kasalanan dito. Ako rin. Ako rin ang nagpahintulot sa pagitan naming dalawa. Ako ang nagtago sa sulok ng second floor habang sila ni Von ay nagtatawanan, lasing. At sa isang iglap—isang maling hakbang, isang maling angulo—naibagsak ko ang lahat. Ang kasal. Ang pamilya. Ang tiwala. At marahil… ang pagmamahal ni Von.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD