Kristen POV Monday na ulit ang bilis naman ng araw, kasing bilis nung pinagpalit nya ako. Okay as usual papasok na naman ang pinakakatamad na scenario ng buhay ko. Syempre ligo, toothbrush, nagpatuyo ng buhok at nag lagay ng konting pulbos sa muka, ganun lang ka simple tapos bumaba nako medyo tahimik kase siguro tulog pa si Kuya at si Mommy lang ang nadatnan ko nasa kusina sya at hinahanda na yung pagkain. “Goodmorning po” Hinalikan ko sya sa pisngi tapos umupo para kumain. “Goodmorning din, ba’t ikaw lang ? nasaan yung kuya mo ?” Habang pinagtitimpla ako ng gatas. “Tulog pa po yun halika mommy at saluhan mo ko kumain” Hinila ko sya sa kamay para umupo. “O sige anak” Nang makaupo na si Mommy biglang bumaba si Kuya na bihis na bihis, akala mo pupunta kung san. Sumbong

