Kristen POV “Kristen wala na bang naiwang gamit ang Daddy mo ?” Mommy tanong nya sakin habang inaayos nya yung damit ni Daddy at kami naman ni kuya kakatapos lang namin ilagay yung ibang bagahe ni Daddy sa sasakyan. Ichineck ko naman sinugurado na wala ngang naiwan si Daddy. “Wala naman po Mommy kailangan na po nating umalis baka malate si Daddy sa flight !” Pumasok na agad ako ng kotse sumunod naman si Mommy. “Ah ! Dad ! Siguro ako nalang po yung mag dadrive para fresh na fresh ka pag dating airport !” Sabi naman ni kuya nako nako ! Kunwari lang yan para maibili agad ni Daddy. “Sus ! Kilala kita Kristofer ! Alam kong may ipapabili ka kaya ganyan ka ! Pero sige na para pogi ako pag dating don diba hon ?” Sabay lingon ni Daddy kay Mommy. “Ay oo naman hon, basta magiinga

