Malapit na siya! Kaunti na lang.. Hanggang sa.. "Aahhyy!" Malakas na tili ni Sabel ng mabilis na dumaan sa mga paa niya ang ilang pirasong daga kasama ang mga bubwit nito. Halos mapasalampak din siya sa kawayang sahig kung hindi lang nakahawak nang maayos sa cabinet. Dahil sa inis ay padabog nitong nilisan ang kwartong iyon at walang sabi-sabing umalis na rin sa bahay na iyon. Pakiwari ni Zyair natanggal ang kung ano mang bara sa kanyang lalamunan. Marahas siyang bumuga ng hangin at lumabas na sa masikip na pinagkukublihan. Alanganin ang naging mga ngiti ng mag-lola sa kanya paglabas niya. Tila kababalik lang rin ng kulay sa mukha nila mula sa nerbiyos kanina. "Mabuti naman at hindi ka niya nakita, Iho." Napayuko na lang si Zyair. Muntik pang may mapahamak na ibang tao dahil sa kany

