bc

Doorway to magic world

book_age12+
845
FOLLOW
2.5K
READ
family
arrogant
manipulative
sensitive
inspirational
twisted
bxg
mystery
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Si Selestine Dennise Amores ay payapang namumuhay kasama ang kanyang ina at kuya sa ordinaryong mundo hanggang sa matagpuan niya ang isang pinto malapit sa kanyang kuwarto kung saan magdadala sa kanya sa mundo ng mahika.

Ngunit hindi niya inaasahan na maiipit siya sa giyera ng dalawang mundo ng mahika at nangangailangan niyang pumili kung saan aanib at kanino kakampi.

Sa mundo ng mahika kung saan siya unang nanirahan at bumuo ng kaibigan o sa mundo ng mahika kung saan namumuhay pala ang kanyang kuya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tiningnan ko si Mama ng may maisip akong itanong sa kanya habang siya ay naghahanda ng aming almusal. "Mama, bakit bawal buksan ang pintuan malapit sa kuwarto ko? Lalo na tuwing gabi?" Naghalumbaba pa ko sa lamesa habang nakatingin pa rin sa kanya. "Kasi may kakaiba sa kuwartong yun. Kaya hindi mo p'wedeng buksan. Maliwanag?" Tinaasan ako ng kilay ni Mama kaya batid ko na talagang kailangan sundin ang pinag-uutos niya. "Eh? Mama, hindi po. Ano po bang kakaiba sa kuwartong 'yon?" Ngumiti ako sa kanya. Gusto ko kasi talagang malaman kung anong mayro'n sa kuwartong 'yon. "Ah. . . Iahn, gising kana pala. Halika dito at mag-almusal kana." Tila hindi pinansin ni Mama ang tanong ko at bumiling siya kay Kuya na kadarating lang galing kuwarto niya. Pagkatapos ay nilagyan nito ng pagkain ang pinggan na nakahanda na para kay Kuya Iahn. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang galing talaga magchange topic ni Mama. Dati ko pa gustong malaman ang tungkol sa kung anong mahiwagang kuwartong 'yon, pero ayaw naman sabihin ni Mama. Tuwing gabi naman, gusto kong buksan ang pinto ng kuwartong 'yon. Kaya lang tuwing paiinumin ako ni Mama ng gatas, naaantok na ko 'di pa man nakakatulog sina Mama at kinaumagahan na ko nagigising. "Bakit ang aga-aga nakasimangot ka?" tanong ni Kuya sa 'kin ng mapansin ang nakabusangot kong mukha. "Wala Kuya." Ngumuso ako sa kanya at saka tumingin kay Mama. Anyway, I'm Selestine Dennise Amores. You can call me Seles. Si Kuya naman, siya si Iahn Amores. Si Mama naman ay si Shinee Kate. Wala na kaming Tatay. Patay na raw sabi ni Mama. Isa buntong hininga ang pinakawalan ni Mama dahil sa naging sagot ko kay Kuya Iahn. Kaya naman nakaramdam ako ng guilty dahil sa naging asal ko. "Pasensiya na po, Mama. Tara kain na po tayo." Ngumiti ako sa kanya upang hindi na siya mag-alala pa. I'm 16 years old. Forth year high school student. Hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap. Bale balance lang ang pamumuhay namin. "So, anong mayroon dito?" clueless na tanong ni Kuya Iahn sabay tingin sa 'kin. Umupo na siya sa kanyang puwesto. "Tinatanong ko kasi kay Mama kung ano bang mayro'n sa kuwarto malapit sa kuwarto ko, pero dumating ka. Kaya hindi na niya nasagot." Kumuha ako ng itlog malapit kay Mama at nagsimula ng kumain. "Haha. 'Yon ba, Seles? Ako nga din, 'di ko alam. Kaya patas lang tayo." Ngumiti sa akin si Kuya. Yeah. Goodboy 'yan si Kuya at alam kong mahal na mahal niya kami ni Mama. Pagkalipas ng ilang sandali, dumating si Yaya Rian. "Madam Kate, may naghahanap po sa inyo. Siya raw po si Sandra." aniya Sino si Sandra? Kahit magulang ko si Mama ay parang napakamisteryoso pa rin niya sa 'kin. Pakiramdam ko kasi ang dami niya laging sinisekreto sa amin ni Kuya Iahn. "Papasukin mo at papuntahin mo dito, Yaya." Utos ni Mama dito. "Opo, Madam." Umalis na si Yaya at nagtungo sa gate namin. Wala pang ilang minuto ay muling bumalik si Yaya na may kasamang babaeng kulay puti ang buhok. Natulala ako sa mukha niya at lalo na sa napakaganda niyang buhok. Napakaganda niya. Mukhang kasing edad lang siya ni Mama, pero sobrang ganda niya. Lalo siyang pumuti at kuminis dahil sa buhok niyang straight at kumukintab. Although, ang puting buhok ay para sa matanda. Pero, nagmukha pa siyang bata dahil dito. Nagbalik sa realidad ang utak ko ng bigla siyang ngumiti sa 'kin. "Maupo ka, Sandra." Nakangiting utos ni Mama dito na agad naman nitong sinunod. Umupo siya sa katabi kong upuan. "Kumusta kana, Shinee Kate?" tanong nito kay Mama. Ang ganda ng boses niya. "Ayos lang naman," maikling sagot ni Mama dito. "Ah, siya na ba si Selestine?" tanong nito. Eh? Kilala niya ko? Sino nga ulit siya? Hindisumagot si Mama sa tanong nito. Bagkus ay pinagpatuloy lang niya ang pagkain. "Ah, gano'n pala." Napatingin ako sa babae ng muli na naman itong magsalita. Eh? Hindi naman nagsalita si Mama ah. Para saan 'yung sinabi niya? "Haha. Nakakatawa ka naman, Selestine. Malalaman mo rin ang sagot sa mga katanungan mo mamayang gabi," saad niya ng hindi ako binabalingan ng tingin. Napatigil ako sa pagkain ng may maunawaan ako. Waah! Nababasa niya ba ang naiisip ko? "Oo, Selestine. Nababasa ko ang iniisip mo." Isang ngiti ang iginawad niya sa akin. Tuluyan ko ng nabitawan ang hawak kong kutsara at tinidor dahil sa sinabi niya. "Paano?" tanong ko nang hindi tumitingin sa direksyon niya. "Hoy! Nababaliw ka na ba, Seles? Kanina tulala ka, tapos ngayon bigla-bigla kang magsasalita d'yan." Nakangiting pang-aasar sa akin ni Kuya. "Eh? Hindi mo ba naririnig yung si-" Napahinto ako sa pagsasalita ng may maunawaan na naman ako. "Anong narinig? Kumakain lang naman tayo ah," kunot-noong pahayag ni Kuya. So, tulad niya nababasa ko rin ang nasa isip niya? Pero, imposible 'yon. Tsaka paano ko naman nagawa 'yon? Waah! Nababaliw na ko! Epekto yata 'to ng panonood ng kung anu-anong paranormal tuwing walang pasok. "Sandra, dito kana matulog." Pinunasan ni Mama ang kanyang labi at tumingin sa babae. "Hehe. Saan siya matutulog, Mama? Sa kuwarto ko po ba?" tanong ni kuya Iahn. Tss. May sinasabi ba kong goodboy siya? puwes joke lang 'yon. "Kuya Iahn! Irespeto mo nga ang bisita," saway ko sa kanya at binigyan siya ng isang matalim na tingin. "Hehe. Joke lang, Seles." Nagpiece sign siya sa 'kin at nginitian ako. Tss. Napansin kong napatingin kay Kuya ang babae at napakunot ang noo. Napatingin din siya kay Mama na may nagtatanong na mga mata. "So, Sandra doon ka muna matulog sa kuwarto ni Seles." Awtomatikong napalaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mama. Seryoso ba siya? "Okay lang ba sa 'yo, Selestine?" tanong ng babae sa 'kin. "Oo naman po. Hehe," nakangiting sagot ko sa kanya kahit nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang. Ngayon ko pa lang kasi siya nakilala eh. "Seles nalang po ang itawag niyo sa 'kin," dugtong ko pa. "Okay. Call me Tita Sandra nalang," wika naman niya at ngumiti rin sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya. Maya-maya pa ay natapos na rin kaming kumain. Tinawag ni Mama si Yaya Rian para ligpitin ang pinagkainan namin. Pagkatapos ay pumunta si Kuya Iahn sa sala para manood ng T.V. Si Mama at Tita naman ay pumunta sa office ni Mama at ako naman ay umakyat sa kuwarto ko para mahiga. Walang pasok ngayon. Bakasyon namin. Boring nga sa bahay dahil walang magawa. Maghapon lang tuloy akong nakahiga. Sa aking pagmumuni-muni ay biglang nagbalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Paano ko nga ba nagawa 'yon? Pero, imposible talaga eh. Hindi ako naniniwala sa mahika, pero 'yon lang ang nakikita kong rason para mangyari 'yon. Malay na 'tin, may pagkamagician pala si Tita Sandra. Manghuhula kaya? Hindi kaya nakatulog lang ako kanina tapos panaginip lang pala 'yon? "Pasensiya kana sa nangyari kanina, Seles." Nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko. Si Tita Sandra lang pala. "Haha. Nagulat ba kita?" natatawang tanong niya pa sa 'kin. Nahihiyang tumango naman ako sa kanya. "Hehe. Opo, pero okay lang po." Napakurap-kurap ako ng may makita akong kakaiba sa mga mata niya. B-bakit kulay puti yata ang mata niya? Kinusot ko ang aking mata kung tama ba ang nakikita ko ngayon, pero. . . ano? Namalikmata lang siguro ako. Ordinary lang pala ang kulay ng mata niya. "Alam ko marami kang tanong tungkol sa 'kin. Kaya huwag kang mag-alala dahil malalaman mo rin pagdating ng araw ang mga sagot sa tanong mo ngayon," nakangiting wika niya. "Ah, Tita. Kaano-ano po ba ikaw ni Mama?" nahihiyang tanong ko na naman sa kanya. Hindi kasi ako tinatakasan ng pagiging tsismosa ko eh. Charot. "Kaibigan niya ko. Med'yo matagal na rin nang huli kaming nagkita. Siguro ay bata ka pa noon," sagot niya sa tanong ko. Kaya pala kilala niya ako. Nagkuwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. "Halika. Pumunta na tayo sa kuwarto. Gabi na," pahayag niya. Gabi na?! Heto ang unang beses na hindi ako nakatulog agad. "Pero, Tita. Sabi po ni Mama-" Hindi na niya pinatapos pa ang pagsasalita ko. "Haha. Seles, heto na ang oras para malaman mo kung sino at saan ka talaga nagmula," saad niya na nagpagulo na naman ng isip ko. Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papunta sa kakaibang kuwarto. Dahan-dahan niya itong binuksan hanggang sa makita na namin ang loob ng kuwarto. Halos masilaw ako sa liwanag na tumatama sa mukha namin. Kaya napapikit nalang ako. Naramdaman kong unti-unting umiikot ang paligid. Parang may malakas na enerhiya ang humihila sa amin hanggang sa tuluyan ng huminto ang pag-ikot nito. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Unang tumambad sa akin ang makukulay na puno at halaman na maliliit? Mga paru-parong malalaki! At iba pang hayop. Sa gitna nito ay isang napakalaking palasyo na may nakalagay na Magic World. Wow. Magic is really exist, ha?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

The Sex Web

read
134.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook