Selestine's POV. "Ah. . . guys, late na ba ko sa party?" Natigilan sa pag-uusap sina Brynna ng marinig ang tinig ko. Nahuli kasi akong mag-ayos kaya nahuli na rin akong pumunta sa party. Kasi naman, wala naman talaga akong balak umattend. Kaya lang. . . Kaya lang- waah! May nakita akong alam mo 'yon? Ayoko ng sabihin kasi kinikilabutan talaga ko eh. Huhu. Pati ba naman dito sa Magic World, may multo? Waah! Nasabi ko na tuloy. Huhu. "Seles, akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong sa akin ni Brynna. Teka. . . parang may kakaiba sa mga ngiti nila. "Ah. . . Hehe. Hindi na, I mean. . . bumuti na ang pakiramdam ko kaya naman ito. Naisipan kong umattend nalang sa party. Hehe," pagsisinungaling ko sa kanila. Ayoko ngang sabihin na may nakita akong ano sa dorm. Baka

