Selestine’s POV.
KASALUKUYAN kaming naglalakad ni Tita Sandra ngayon sa hallway ng kaharian at masasabi ko na napakaaga pa talaga. Kaya tuloy parang zombie akong maglakad. Hindi ko pa makita ng malinaw ang mga bagay na nasa paligid namin dahil med'yo madilim pa talaga, pero may ilan-ilan akong nakikitang magic lights na nakalagay sa bawat dingding para mailawan ng kaunti ang hallway. Ang galing nga eh. Iba't-iba ang kulay niya although mas lamang ang kulay yellow.
"Ituturo ko sa 'yo kung saan ang room mo. May kasama ka sa iyong magiging dorm, pero huwag kang mag-alala dahil mababait naman sila. Sila rin ang madalas mong makakasama.”
Napahikab ako habang nagpapaliwanag sa akin si Tita Sandra. Ang aga naman kasi niyang manggising. Alas singko palang ng umaga eh! Kaya panay tango na lang ang naitutugon ko sa kanya.
"Nandito na tayo." Namalayan ko na lang nasa tapat na kami ng isang pinto ng lumingon sa akin si Tita.
Tumango lang ako ulit sa kanya dahil wala pa talaga sa earth ang utak ko. Kakatok na sana ako sa pintuan na nasa harapan namin para manggising din ng natutulog pa ngunit bigla itong bumukas.
"Kyaah! Tita Sandra, siya ba 'yong bago naming ka-dorm mate?" tanong ng babaeng kulay green ang buhok at mata. Siya yung nagbukas ng pinto hindi pa man kami kumakatok.
Hindi pa niya ko kilala, pero napakalawak na ng ngiti niya sa akin. Nakangiti siya habang tinititigan ako. Weird, right? Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.
"Oo, Brynna. Kayo na ang bahala sa kanya. Aalis na ako,” pahiwatig ni Tita Sandra dito sa at saka mabilis ng umalis.
"Hmm... Hindi mo pa alam ang mahika mo, tama ba?”
Kinabahan ako bigla sa naging tanong niya sa akin. Lalo na ng tuluyan ng mabaling ang atensyon niya sa gawi ko.
"By the way, ako nga pala si Brynna White." Nakangiti niyang inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko na agad ko namang tinanggap.
"Ikaw ba ay past, present, future reading magic user? Sana naman ay huwag mong basahin ang tungkol sa pagkatao ko." Pinangunahan ko na siya dahil naalala ko bigla ang kakaibang tingin niya sa akin kanina. Waah! Nakakatakot pa naman ang mga kagaya niya.
Bumuntong hininga siya ng malalim, pero pagkalaan ay bigla siyang nagpeace-sign sa akin. Parang hindi ko gusto ang maririnig ko ngayon mula sa kanya.
“Pasensiya ka na. Nagawa ko na kasi. Kaya lang, bakit 'di ko mabasa ang mga bagay na patungkol sa 'yo?" Pansamantala siyang napaisip pagkatapos magsalita.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, pero… bakit kaya hindi niya mabasa 'yong akin? I mean ang tungkol sa pagkatao ko?
“Brynna!”
Sabay kaming napalingon ni Brynna sa pinanggalingan ng boses. Sa loob iyon ng kuwarto at hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako sa labas ng dorm. Nagpaalam saglit si Brynna sa akin. Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na siyang may kasamang babae na kulay puti ang mata at buhok.
Isa siyang hair magic user?
"Hi. I'm Alliexynne Bright. Anak ako ni Sandra Bright. Nice to meet you." Mahinhin siyang nagpakilala sa akin.
Hindi katulad ng aura ni Brynna, si Alliexynne ay tila isang dalagang Filipina. May pagkakahawig din sila ni Tita Sandra.
"Ah, hello? I'm Selestine Dennise Amores. You can call me Seles. Nice to meet you too." Ngumiti ako pabalik sa kanilang dalawa at dahil dito ay pansamantala kong nakalimutan ang ilang na nararamdaman ko kani-kanina lang.
Muling bumuntong hininga si Brynna. "Alam mo bang madali mo lang malalaman ang mahika mo kung nakikita ko lang ang future mo?"
"Hehe. Okay lang naman sa 'kin kahit hindi ko malaman agad." Gusto ko sanang sabihin sa kanila na imposible akong magkaroon ng kapangyarihan dahil galing ako sa ordinaryong mundo, pero baka magulat sila at mapagkamalan akong baliw katulad ng nangyari kahapon.
Napansin ko ang pagsimangot ng dalawa sa sinabi ko. Mukhang hindi sila sang-ayon sa sinabi ko. Bakit kaya?
"Pero, Seles. Kapag hindi mo agad nalaman ang mahika mo sa loob ng isang linggo ay maaari ka nilang ibalik sa ordinaryong mundo." Tinitigan ako ni Alliexynne at wala akong nakita ni katiting na pagbibiro sa kanyang mga mata kaya bigla akong kinabahan.
Natahimik ako bigla. Paano nga kung mangyari 'yon? Tsaka... posible bang may taglay na kapangyarihan ako gaya nila? Paano kung wala? Ano nga bang inaalala ko. Ano naman kung bumalik ako sa ordinaryong mundo, hindi ba?
Nagbalik sa isipin ko ang itsura ng buong magic world noong una kong punta dito.
Hindi naman siguro masama kung babalik ako sa ordinaryong mundo. . .
"Haha. Seles, Alam mo ba na hindi ka mapupunta dito kung wala kang tinataglay na mahika? Dahil kahit kailan ay hindi pa napasok ng ordinaryong tao ang lugar na ito. Ang lugar na ito kasi ay may protection barrier na kahit makapunta man dito ang ordinaryong tao ay hindi nila makikita ang Magic World kung nasaan tayo. Parang tanging illusion lang ang makikita nila." Tumatawang kuwento ni Brynna sa akin.
Kung gano’n ay possible pa rin na may kapangyarihan nga ko. Yehey! Teka, bakit ba ko tuwang-tuwa? Tss.
Nagkuwentuhan pa kami ng nagkuwentuhan sa mga bagay tungkol sa mundong ito. Napag-alaman ko na hindi pala ito isang kaharain kundi isang eskwelahan lang. Tinawanan tuloy ng dalawa ng banggitin ko sa kanila ang tungkol doon. Tss. Pagkatapos may iba pa raw mga lugar sa magic world bukod sa lugar na ito. Ang kaharian naman daw ay malayo dito. Mayroon pa nga raw na isa pang kaharian, pero huwag daw akong magkakamali na magtungo doon dahil baka hindi na raw ako makauwi ng buhay.
Pagkalipas ng ilang minuto pagkatapos rin nila kong papasukin sa dorm at ituro ang magiging kuwarto ko ay naisipan nina Brynna at Alliexynne na magtungo sa tinatawag nilang hapag-kainan dahil nagugutom na daw sila.
"Let's go, guys. Punta na tayo sa habag-kainan dahil gutom na ako." Hindi na kami nakaangal ni Brynna kay Alliexynne dahil pareho niya na kaming hinila.
Nakahinga ako ng maluwag habang hila-hila ako ni Alliexynne. Buti naman at hindi sila masamang tao. Mukhang wala pa ngang isang linggo ay makakasundo ko na agad sila eh.
*
Umupo kami sa kakaibang upuan sa lahat. Maliit lang ito na kasing liit ng pambura ng lapis, pero kapag uupo kana ay lalaki ang size nito at magiging kasing laki ng ordinaryong upuan. Nandito na nga pala kami ngayon sa hapag-kainan o isang malaking canteen kung tawagin sa ordinaryong tao. Ibang klase rin ang mga pagkain dito. Yellow and fuchsia pink ang kulay ng pagkain na parang candy, pero kapag kinain mo na ay sobrang nakakabusog. Walang pinggan o ano mang utensils dito dahil kusang lalapit ang mga pagkain sa 'yo. Mamimili kana lang kung ano ang gusto mo.
"Yow! Brynna at Alliexynne,” wika ng isang lalake na kulay purple ang mata at buhok na bigla na lamang sumulpot sa aming harapan.
Parang boy version siya ni Brynna dahil sobrang lawak rin ng ngiti niya. Buti na lang at napigilan ko ang sarili kong mapanganga dahil may kamukha siyang sikat na tao sa mundong pinanggalingan ko. Kpop na Kpop ang dating niya. Waah! Kasama niya ang dalawa pang lalake na mukha ring mga kpop. Ang isang ay may kulay na gray at ang isa naman ay kulay blue any mata at buhok.
Iyong mga kulay bughaw na mata at buhok, napakamot siya sa kanyang batok dahil sa sinabi ni purple guy at pasimple siyang ngumiti kay Alliexynne at Brynna na parang humihingi ng tawad dahil sa makulit niyang kasama. Ang isa namang lalake na may kulay blue ang buhok at mata ay parang may galit sa mundo dahil hindi man lang siya ngumiti. Umupo siya sa harapan namin na parang walang pakialam. Kaasar! Siya pa naman 'yong pinakaguwapo sa kanila. Kaya lang may sapak yata ang utak. Tss.
"Yow-yow ka d'yan. By the way, siya si Selestine Dennise Amores. Ang ating bagong barkada. Hindi niya pa alam ang kapangyarihan niya."
Nagbalik sa kasalukuyan ang isip ko ng marinig ang pagpapakilala ni Brynna sa akin.
"Hi. I'm Kendrix Knight. The poison magic user." Nabaling sa akin ang tingin ni purple guy at nginitian ako ng malawak.
"I'm Horin Black. The illusion magic user." Ngumiti rin sa akin si gray guy kaya nginitian ko rin sila pabalik.
Hinintay kong magpakilala ang isa pang lalake, pero nanatili lang itong tahimik sa isang tabi.
"Tss. He is Kurt Tyler Lee. The blocking magic user,” nakasimangot na pahayag ni Brynna ng mapansin niyang nakatingin ako doon sa isang lalake.
"Pipe ba siya?" seryosong tanong ko sa kanila kasi malay mo Kaya siya ganyan kasi may kapansanan pala siya, hindi ba?
Nagsitawanan silang lahat sa tanong ko maliban kay blue boy. Duh? I'm serious. Napansin nilang hindi ako tumatawa kaya pagkalipas ng ilang segundo ay tumigil na rin sila sa pagtawa.
"No, he's not. Sadyang gan’yan lang siya." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alliexynne pagkatapos magsalita.
"Eh? Okay." Ngumiti na lang din ako sa lalakeng may kulay blue na buhok.
"Tss. Don't call me, blueboy. Call me by my name."
Bahagya akong nabigla ng magsalita 'yong lalake. Hindi nga siya pipe, ang sungit naman. Hmmp!
“Tss. Don't read my mind."
"I am not pipe, black and white girl."
"Black and white girl is not my name, blue boy."
Tss. Malapit na kong maubusan ng bait sa lalake 'to. May sinabi ba ko kanina na siya ang pinakaguwapo sa kanilang tatlo? Nagbibiro lang ako non!
"Okay. Stop na. Kumain na lang tayo,” kalmadong awat sa amin ni Alliexynne habang pinipigilan ang kanyang tawa.
Bakit naman siya natatawa?
“Cute niyo magsagutan." Kung si Alliexynne ay pinipigilan tumawa, si Brynna naman ay grabe makatawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya.
"Tss." Me and Blue Boy said in chorus.
Pagkatapos kumain ay nagsitayuan na agad mga kasama ko kaya gumaya na rin ako sa kanila.
"Pasok na tayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Horin.
Papasok na kami sa school? Hmm. . . Ano-ano nga bang pag-aaralan sa mundo ng mahika? Well, let's see.