Chapter 41

1142 Words

Selestine's POV. "Ito si Ms Mikhaela, siya naman si Sir Andrew, si Sir Clyde at si Tita Sandra,” pakilala ko sa aming mga guro. Ewan ko kung bakit, pero nakatulala lang si Kurt sa kanila. Mukhang inaalala niya kung kilala pa niya ang aming mga guro. "Hehe. Teka. . . totoo ba ang sinasabi mo, Seles? Nawala ang alaala ni Kurt?" Lumingon sa akin si Ms Mikhaela at mula pa kanina ay alanganin na ang pagngiti niya dahil sa nalaman. Malungkot naman akong tumango sa kanya. "Maaari ko bang malaman kung kaano-ano ko kayo?" tanong ni Kurt dahilan para mabaling ang atensyon naming lahat sa direksyon niya. Si Sir Clyde ang sumagot sa katanungan niya. "Mga teacher mo kami, Kurt. Pero, mas malalim pa sa gitna ng dagat ang pinagsamahan na ‘tin. Lahat kayo ay tinuring na naming mga anak," sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD