CHAPTER THIRTY-THREE ASH POV: HINDI ko mahanap ang butas ng dalaga. Masyado kasing palpak ang tauhan na inutusan ko para imbestigahan ang babaeng 'yon. Kahit tuloy isa wala siyang nakuha. Pero dahil matalino ako mag-isip, si Nico na lang ang pinuntirya ko. Alam ko kasi na merong mali sa binata. Kaya ako mismo ang gumawa ng paraan para malaman kung may tinatago ba siya. And because of the investigation that I did, marami akong natuklasan. Isa na dito ang baliw niyang pinsan na si Fiona. Wala ito sa tamang pag-iisip na naging hudyat para makaisip siya ng kasalanan. At sa kasalanan na 'yon, si Nico ang pinagawa niya. Habang patuloy kong inaalam ang tungkol sa ginawa nila, tsaka ko nalaman ang nangyari sa babae. Her name is Bea. It was four years ago and she was pregnant that day.

