CHAPTER THIRTY-FOUR BEA's POV: GABI na pero wala pa rin si Nico. Alam ko na imposible na umuwi agad siya pero umaasa ako na mabibilisan ang trabaho niya. Namimiss ko na agad ang binata. Hindi ako sanay na walang kaasaran sa bahay. Ganitong oras, halos salitang 'minion' ang lumalabas sa bibig niya. Hayyyy. Iba talaga kapag inlove ka sa isang tao. Minu-minuto, gusto mo agad masilayan ang mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin ang halikan naming dalawa. Para akong baliw na nakangiti habang nakahiga sa kama ni Nico. Oo, dito muna ako matutulog dahil amoy na amoy ko ang kanyang pabango sa unan. "Miss Bea, may naghahanap po sayo.", saad ng dalaga na kasamahan ko dati bilang katulong. Sinundot niya ako sa balikat kaya napatigil ako sa pag-iimagine. "Pasensya na po kung pu

