CHAPTER 11

1734 Words
CHAPTER ELEVEN BEA’s POV: It's another day! Medyo okay na rin ang sugat ko dahil hindi naman masyadong malaki. At yung kahapon, nasabi ko na rin sa bestfriend ang tungkol kay Nico, kung bakit ako napunta at naging katulong sa bahay ng binata. Buti na lang at naintindihan agad ito ni Claire. Kaya kahit papano, napigilan niya ang pagiging madaldal. ___ Bumangon na ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Hindi pa alas-singko ng umaga pero may umuudyok sa dibdib ko na tumungo sa kusina. Siguro dahil kumakalam ang aking sikmura at kailangan kong uminom ng kape. And guess what? Pagkarating ko do'n, nakita ko agad na maraming gulay ang nakapatong sa mesa. Nagtataka nga ako dahil ang ibang gulay na nasilayan ko ay mismong paborito ni Mark. "Oh, gising ka na pala. Tamang-tama, tulungan mo ako sa pagluluto.", bigkas ni Nico na sumulpot bigla sa unahan ko. Lalo tuloy akong nacurious, sa pagiging maaga niya. "Himala! 4:00 a.m palang, pero gising ka na. Anong nangyari sa'yo?", balik na sambit ko. "Napaaga ang gising ko dahil mamaya, bibisita si Fiona kasama ang asawa't anak niya.", ngiting sabi nito na animo'y may kasiglahan sa boses. "H-huh? P-pupunta sila dito?", pagsasaad ko. Hindi ko kasi inaasahan ang sinabi niya, kaya medyo nagulat ako. "Yap. Pupunta sila.", mabilis na tugon ng binata. Wala tuloy na lumabas sa bibig ko, sa halip, napatalikod ako para kumuha ng tasa. Kung pupunta sila dito mamaya, malamang makikita nila ako. "Nga pala, day-off ngayon ng ibang kasamahan mo. At ikaw ang tutulong sa akin sa pag-asikaso.", he said again. Muntik ko namang malaglag ang tasa dahil sa kaba na umapaw sa damdamin ko. Hindi pwede 'to. Hindi pa ako handa na makaharap sila. Wala pa akong alas na hawak, kaya masisira lamang ang plano ko. "Hey Minion, natahimik ka yata? May masakit ba sayo?", pagtatanong ng lalaki. "Ahh w-wala.", iling na tugon ko. "Kung gano'n, pakatapos mong mag-almusal, tulungan mo akong magluto. Wala kasi akong alam pagdating sa mga ulam.", wika niya ulit sa akin. Kaya pilit akong ngumiti at tumango. "Sure. Akong bahala. Magkakape muna ako.", tanging sambit ko kasabay ng pagbalik ko ulit sa kwarto habang bitbit ang tasa na may laman na kape. Napasanday naman ako sa may pinto at marahan kong hinigop ang mainit na kapeng tinimpla ko. Kailangan kong makaisip ng paraan para maiwasan ko 'to. ____ Matapos kong magkape, agad kong sinimulan ang pagluluto. Buong akala ko, magtutulungan kami ni Nico, pero sa huli, ako rin ang gumawa. Nakakainis lang dahil limang putahe ng ulam ang niluto ko. And after I cooked, narinig ko ang pagpalakpak ng binata sa akin. "Good job, Minion. Pwede ka ng mag-asawa.", pagkokomento nito nang tikman ang pinakbet na ginawa ko. "Salamat po Sir ha? Ang galing mong kumain.", sakrastikong saad ko. Halos maubos niya kasi ang isang mangkok dahil sa pagiging matakaw niya. Halatang sarap na sarap ito sa niluto ko. "Then, thank you. Matagal ko ng alam 'yan.", ngiting turan niya. At saktong alas-otso ng umaga, narinig ko ang door bell, hudyat na may tao sa labas. Kumabog na ang puso ko, dahil natitiyak ko na sila Fiona at Mark na 'yon. "Minion, buksan mo na ang pinto.", pag-uutos ni Nico. "Bakit ako? Ikaw ang malapit dyan, kaya 'wag mo akong utusan.", matigas na sambit ko. "Seryoso ka ba? Boss mo ako dito kaya malamang uutusan kita.", inis na pahayag niya. "Bakit? Bisita ko ba ang pupunta? Diba, hindi naman? So ikaw ang bumukas, natatae ako!", pagsisigaw ko at biglang tumunog ang aking pwet. "Pambihira! Kaya pala kanina pa ako nakakaamoy ng baho. Umutot ka pala!", "Ang arte nito! Nakiki-amoy ka na nga lang, ang dami mo pang satsat.", huling bigkas ko at kumaripas ng takbo sa C.R. Mukhang tinutulungan yata ako ni Tadhana na malampasan ang problema ko. Akalain mo, biglang sumakit ang tiyan ko sa hindi malamang dahilan. ____ Nang ibuhos ko ang sama ng loob sa mismong toilet, inayos ko muna ang sarili. Akma na sana akong lalabas, pero narinig ko ang boses ni Mark. Ang boses ng ex-boyfriend ko. "Uy dude, long time no see.", saad nito kay Nico. Bahagya akong sumilip para tingnan sila, at hindi nga ako nagkamali sa aking hula. Nando'n ang ex ko, habang dala nito ang anak nila ni Fiona. Mapakla akong napangiti dahil kung hindi sana namatay ang baby ko, siguro ganito na rin siya kalaki. "Pasok kayo, at tatawagin ko lang si lola.", tugon ng binata sa kanila bago umalis para puntahan ang matanda. Nakita ko naman ang paglibot ni Mark ng kanyang mata na animo'y sinusuri ang bawat sulok. "Wala pa ring pinagbago. Akala ko pa naman, pagpunta natin dito, magka-girlfriend na ang pinsan mo.", natatawang sabi nito kay Fiona. "Oo nga eh. Akala ko din.", turan ng babae sa kanyang asawa. The way they look each other, nasasaktan ako. Pero kaakibat no'n ang galit ko sa kanila. "APO, namiss kita. Salamat naman at nakabisita ka dito sa bahay.", saad ni lola nang yakapin niya si Fiona. Tanaw na tanaw ko mula sa C.R ang ginagawa nila. Nanatili akong nakatago dito at tinitingnan ko ang bawat kilos nila Mark at ni Fiona. Alam kong masakit makita kung gaano sila kasaya, pero kailangan ko 'tong tiisin hangga't hindi ko pa nakukuha ang gusto ko. "Namiss din kita, lola. Tsaka, etong si baby Anna, kinukulit kami ni Mark. Halatang namiss niya rin siguro kayo.", ngiting saad nito na may kalambingan sa boses. "Wow! Ang sarap naman pakinggan ang sinabi mo Fiona.", muling wika ng matanda. Umupo na sila sa kanya-kanyang upuan, habang si Nico mismo ang nag-aasikaso ng ulam para ilagay sa mesa. "Pinsan, bakit ikaw ang kumikilos? Nasa'n ba ang mga maids niyo dito?", takang tanong ng babae sa binata. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko, dahil sa tanong na binitawan niya. Tiyak, mapupunta sa akin ang usapan. "Day-off ngayon ng dalawa kong maids, pero yung bago naming katulong nasa--nevermind, kakain na pala tayo. So I don't need to mention it.", turan nito bilang pag-iiwas. Kung sabagay, nakakadiri nga naman kung sabihin niya na tumatae ako. "Okay. Sabi mo eh. But I want to meet your new maid. Para naman, makasiguro ako na mabuti s'yang tao. Alam mo na, para iwas nakaw.", saad ni Fiona dahilan para mapa-ubo si Nico. Shit! Hindi nga pala nasabi ng lalaki na ako yung babae na nagtatangka na pumasok sa bahay nila. "Sure. Later, you will meet her. But for now, let's eat.", pahayag ng binata kasabay ng pag-upo. Nangangalay na ako dito sa kakatayo, pero hindi ako pwedeng lumabas basta-basta, dahil tiyak mapupunta sa akin ang atensyon nila. "Sino ba ang nagluto ng pinakbet?", tanong ni Mark sa gitna ng pagkakain nila. "Yung bagong maid ko. Siya ang nagluto lahat ng n'yan. Ang galing niya diba?", balik na tugon ni Nico na animo'y proud na proud ito. "Ahh, o-oo, m-masarap nga.", sang-ayon na saad ng lalaki. Bahagya akong napangiti, dahil alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Naalala niya ako. Mahilig kasi akong magluto, at iniiba ko ang timpla ng bawat ulam na niluluto ko, para matandaan nila kung sino ang gumawa no'n. At base sa reaksyon ni Mark, I know and I feel that he think about me. "Alam mo, yung bagong yaya namin dito, sobrang ganda. Hindi siya mahirap pakisamahan dahil ang bait-bait niya. Parang katulad mo lang siya, hija. Nakikita ko nga ang sarili mo sa kanya. At alam mo ba, kapag magkausap si Nico at yung babae, daig pa nila ang asot-pusa. Kaya para sa akin, bagay na bagay silang dalawa.", mahabang kwento ni lola na tila ayaw magpapigil. Mahinang napatawa si Nico dahil sa pagiging madaldal ng matanda. "Kung gano'n, magiging close ko pala siya. I can't wait to meet her.", sambit ni Fiona na may excite sa boses. Tiningnan ko naman ang kilos ni Mark na ngayon ay nakatulala sa bawat ulam na nakahanda sa mesa. At nung dumaan ang tingin niya sa may gawi ko, agad kong sinara ang pinto ng C.R. Sa sobrang kaba, napahawak ako ng dibdib. "Ahm, sino ba ang tao sa C.R?", tanong ni Mark kay Nico. "Yung bagong maid namin.", agad na sagot nito na tila walang alinlangan na sabihin 'yon. "Ano bang pangalan ng katulong niyo?", he asked again. "I'm calling her Minion, since pandak siya. Pero hindi ko matandaan ang pangalan niya.", pagsasambit nito. Buti na lang at may lahing ulyanin ang binata, dahil kung nabanggit niya ang pangalan ko, tiyak, magkakaroon pa ng katanungan sa isip ng dalawa. "Bakit parang ang tagal niya? Matatapos na akong kumain, pero hindi pa rin siya lumalabas. Is she okay?", saad muli ni Fiona. "May masakit kasi 'yon, kaya siguro natagalan. But don't mind her. Mamaya, lalabas din siya. Pero kung gusto n'yo siyang ma-meet. Tatawagin ko para hindi na kayo magtanong-tanong pa.", pagdedecide ni Nico. Potah! Alam ko na yata ang binabalak ng binata. Rinig na rinig ko na kasi ang yapak ng tsinelas niya na tila palapit sa pinto ng C.R. "Minion, hindi ka pa ba tapos? Lumabas ka na d'yan.", pagkakatok nito habang tinatawag ako. "W-wait lang, Sir. N-nareregla ako ngayon. Tama, dinatnan ako, kaya hindi ako makalabas. Ang daming dugo ng panty ko eh. Pwede po bang makisuyo ako sayo?", bigkas ko naman. Pero sa puntong ito, iniba ko ang pananalita para hindi makilala ni Mark kung sino ako. "Tsk. Ano bang nangyare sayo at nagiging duwende ang boses mo?", "Ang baho ko na kasi, kaya g-ganito ako magsalita. Kunin mo na lang ang tuwalya, please?", pakiusap ko sa lalaki. "f**k! Ako ang amo, pero ikaw pa ang may ganang umutos sa akin.", turan nito na may kasamang mura pa. Pero sa kabila no'n, sinunod niya ang utos ko. Ini-abot niya sa akin ang tuwalya, dahilan para makaisip ako ng palusot. "Sir, punta muna ako ng kwarto ha? Magdadamit ako. Baka hindi na rin ako makalabas dahil ang sakit ng puson ko.", pagbubulong ko. Nakatalikod ako sa gawi nila Fiona para hindi nila masilayan ang mukha ko. Sa puntong ito, nakatapis na lang ako kaya kitang-kita ko ang paglunok ni Nico ng laway dahil sa postura ko. "s**t! Oo na! Basta, bilisan mo ang paglakad. At pwede ba, 'wag kang haharap kila lola na ganyan ang suot mo, nando'n pa naman ang asawa ni Fiona. Mahirap na, lalaki pa rin 'yon.", bilin na sabi nito. I got it! Nagtagumpay ako! Ang galing ko talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD