CHAPTER 10

1276 Words
CHAPTER TEN Nico's POV: "NAGMIMILAGRO? TEKA, ANONG IBIG MONG SABIHIN HA? ANONG GINAGAWA NG KAIBIGAN KO SA BAHAY MO?!", pagsisigaw ng dalaga. Ang matalik na kaibigan ni Bea. Oo, nasabi na nito ang pangalan ni minion, dahil pagdating ko sa police station, siya agad ang bumungad sa aking mata. Sakto naman na ako ang naka-assign sa mga missing person, kaya ako ang napagtanungan niya. And she said, bente-kwatro oras ng nawawala ang dalaga. Walang iba kundi si minon. Kaya sinabi ko sa kanya na nagtatrabaho ito sa akin, at para maniwala siya, hiningi ko ang number ng babae para tawagan. And s**t! Ungol agad ang narinig ko mula sa kanya. Ibang klase talaga ang taong 'yon! "Ano na?! Baka may gumagahasa na kay Bea! Naku! Kailangan ko siyang makita! Dalhin mo ako do'n sa bahay niyo! Please lang Sir!", muling saad nito na tila nakikiusap pa. Kaya para mahinto ang pangamba niya, sinama ko ito sa bahay. Nakita ko naman si lola na nasa sala habang umiinom ng juice. So when I asked her, nabanggit nito na nagkasugat daw si Minion. Ewan ko ba, pero bigla akong kinabahan at agad kong pinuntahan ang kwarto nito. Pagkabukas ko ng pinto, nasilayan ko ang daliri nito na may telang nakapulupot para hindi umagos ang dugo. "Hays! Bakit ba ang tanga mo?!", tanging sambit ko. "At ano bang pake mo---Claire?!", bigkas niya nang makita ang katabi kong babae. Halos hindi ko maipinta ang mukha niya, dahil sa naging reaksyon nito. "Bea naman, pinag-alala mo ako ng sobra eh! Ni hindi mo sinasagot ang tawag ko, buti na lang at mabait 'tong pulis at dinala niya ako dito sayo.", wika ng dalaga at mabilis na niyakap si Minion. But still, hindi pa rin makapaniwala ang ang itsura nito. "I-ikaw talaga. Ang daldal mo.", utal nitong sabi. I feel something wrong, between the two of them. Magbestfriend ba talaga sila o magkarelasyon? Marami pa naman ngayon ang mga bisexual. Kung tama ang hinala ko, nakakapanghinayang ang ganda ni Bea. "Siguro, mas mabuti pa kung umuwi ka na, do'n na lang tayo mag-usap. Bibisita naman ako sa linggo sa bahay.", pagpapatuloy nito nang humiwalay siya sa yakap. "Pero akala ko ba, si Mark ang priority mo? Diba sabi mo, siya ang rason kung bakit ang dami mong lakad. Dahil gusto mo s'yang gantihan.", wika ng babae na agad akong natigilan. "Mark?", I asked them, bilang pag-uulit. "Ahh, 'wag mo na lang pansinin ang kaibigan ko, Sir. Sa sobrang daldal nito, hindi niya nakokontrol ang bibig.", pagpapalusot ni Minion. "But she mentioned the name, Mark? Sino bang Mark ang tinutukoy niya?", tanong ko ulit. Hindi kasi ako satisfied sa sinagot niya. Pakiramdam ko, may tinatago ang dalaga sa akin na hindi ko mahulaan. "Ah si Mark Arevalo, Sir. Siya ang tinutukoy namin.", saad muli ni Bea. Nakita ko na pinisil pa nito ang braso ni Claire para hindi na ito magsalita pa. "Okay. Kung 'yan ang sabi mo.", tanging turan ko sa kanila. "Pasensya ka na, baka kasi iniisip mo, si Mark na asawa ni Fiona ang tinutukoy namin. Of course not. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon.", natatawang litanya ni Bea na animo'y nahulaan ang tumatakbo sa utak ko. "Buti naman. Akala ko kasi, ikaw ang ex-girlfriend ni Mark. Dahil kung magkataon, magiging magulo ang lahat.", tugon ko rito. "Magugulo? Paano naman magugulo? May asawa at anak na 'yon, tapos kinasal pa. Kaya hindi na sila magugulo pa.", nakangiting saad ni Minion. I don't know why, pero naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa pinapakita ni Bea. "Kung sabagay, tama ka. Sige, maiwan ko muna kayong dalawa.", pagpapaalam ko at umalis na ako sa kwarto. Ang totoo n'yan, nangangamba ako kapag bumalik ang dating minahal ni Mark. Baka kasi, pati sakit ni Fiona, bumalik din. Pinili kong magpahangin muna, kaya sumanday ako sa may pinto habang hinihintay ko na matapos ang pag-uusap ng dalawa. Nagawa ko na ring kumuha ng malamig na tubig para inumin ito. To be honest, palaisipan pa rin sa akin ngayon ang tungkol sa ex-girlfriend ni Mark. Kahit ilang taon na ang nakalipas, may umuudyok sa damdamin ko na hanapin at kilalanin ang dalaga. Actually, I never met her. Masyadong mysterious ang tungkol sa pagkatao ng babaeng 'yon. Kahit pangalan at picture nito, hindi ko alam at nakita. At tanging si Fiona at Mark lang ang nakakakilala sa kanya. Kaya hindi ko maiwasan na magtaka, lalo na sa kakaibang kondisyon ng pinsan ko. Fiona suffering from mental illness. May problema siya sa pag-iisip dahilan para makagawa siya ng mali. And I guess, nagsimula ito nung maghiwalay sila ni Mark at nakahanap ng bagong girlfriend ang lalaki. This is the reason, kung bakit natatakot ako. Natatakot ako dahil alam naming lahat na napilitan lang si Mark na pakasalan at panagutan ang anak nila ni Fiona. Kaya kahit bali-baliktarin ang mundo, hindi magbabago na mahal pa rin ni Mark ang dating nobya niya. Sa sobrang pag-iisip ko, napahinga ako ng malalim, dahilan para mapansin ito ni lola. "Apo, ayos ka lang ba?", pagtatanong nito sa akin. "Ahm opo.", tanging tugon ko. Pinilit kong isantabi ang lahat, para hindi na mag-alala si lola. "Kung gano'n, bakit nakatulala ka yata? May problema ba, hijo?", bigkas niya muli. "Wala naman po, La.", iling na saad ko. Saktong nagring naman ang aking cellphone mula sa bulsa. Kaya agad ko itong dinukot para tingnan kung sino ang tumawag. And it's Fiona. Tumatawag siya ngayon. "Sino ba 'yan? Ba't parang ayaw mong sagutin?", wika ni lola na animo'y nakatingin na rin pala sa phone na hawak ko. "Ah si Fiona, lola. Sandali lang at kakausapin ko.", paalam na bigkas ko, sabay labas ng bahay. Inaccept ko na nga ang call at bumungad sa tenga ko ang boses ng babae na may kainisan. "My ghad, Nico! Bakit ang tagal mong sagutin?", inis nitong sambit sa kabilang linya. "Marami lang ako na ginagawa, Fiona. Bakit ka pala napatawag?", pagbabalik na saad ko. "Well, namiss ko lang kayo ni lola. Besides, gusto kong itanong yung kaso tungkol sa babae na balak kaming nakawan. Hindi ba, nangako ka sa akin na hahanapin mo ang taong 'yon?", wika nito na tila pinapaalala ang ginawa ni Minion. Kitang-kita kasi sa CCTV nila ang tungkol dito, kaya hindi rin mapakali ang pinsan ko hanggat hindi ito nadadakip. "Sa tingin ko, mas mabuti kung hayaan na lang natin siya, Fiona. Kasi kung tutuusin, hindi naman natuloy ang pagnanakaw sa bahay niyo diba? Kaya 'wag mo na lang siguro problemahin 'yon.", pahayag ko naman sa kanya. Hindi ko pa nabanggit ang tungkol dito kay Minion dahil tiyak sasampa at sasampa ito ng kaso. "Pero Nico, gusto kong makita at malaman kung sino siya. Ang lakas kasi ng kutob ko na baka siya yung ex-girlfriend ni Mark.", mahinang sabi ng pinsan ko. Awtomatikong nailayo ko ang cellphone sa aking tenga, dahil sa binitawan nitong kataga. "It's impossible, Fiona. Napaparanoid ka lang.", pagtutugon ko muli. "Hays. Siguro nga. Nasobrahan lang yata ako sa gamot.", bigkas nito at maya-maya ay bigla s'yang nagsalita ulit. "Nga pala, bibisita kami bukas ng anak ko d'yan. Gusto ko lang isurprise si lola. Kaya, sabihan mo mga maids niyo na maghandang pagkain ha? Kasi baka sumama na rin si Mark sa pagpunta dyan.", she continue saying. Medyo na-excite at natuwa naman ako, dahil namiss ko na ring asarin ang pamangkin ko. Halos isang buwan na rin kasi na hindi sila nakakadalaw sa amin. "Sure. Lahat ng paborito niyo, ipapaluto ko sa bagong maid ko dito.", ngiting saad ko. Kalokohan na naman ang sumagi sa utak ko, na tiyak, ikakagalit ito ni Minion. Siya kasi ang gusto kong magluto ng ulam para bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD