CHAPTER 9

1269 Words
CHAPTER NINE Bea's POV: "Hey Minion, aalis na ako. Alagaan mo ng mabuti si lola ha?", bigkas ni Nico nang huminto ang motor niya sa tapat namin mismo ng matanda. Kasalukuyan pa rin akong nakatulala dahil sa lalim ng pag-iisip ko, kaya hindi ko agad siya nasagot. "Nga pala, akin na ang cellphone mo.", muling saad nito habang nakalahad na ang kamay sa harapan ko. "What?", tugon ko sa binata. Nagiging slow ako ngayon dahil gulong-gulo talaga ako sa mga nangyari. Sa tingin ko, nandito lang ang kasagutan sa aking katanungan. "I said, give me your phone. Ayan, inenglish ko na, baka sakaling maintindihan mo kapag ganyan ang pagsasalita ko.", wika niya na tila nang-iinis lang. "Pwede ba, hindi ko basta-basta binibigay ang phone ko sa kahit sino, lalo na sayo.", pagtataray kong turan sa lalaki. Napailing na lamang ito dahil sa inasta ko sa kanya. "I'm now your boss, kaya may karapatan akong hingin ang phone mo.", sambit niya na tila nagsasalubong ang kilay. "Bakit ba kasi? Ano bang kailangan mo sa cellphone ko? Tsaka, pulis ka diba? At alam mo na bawal mangialam ang isang tao sa personal na bagay ng iba.", pagmamatigas ko. Ang totoo n'yan, nandito pa rin ang mga picture ni Mark sa gallery ko. Ayokong burahin dahil kapag nakikita ko ang mukha niya, nagaganahan ako na ituloy ang aking plano. "May tinatago ka ba?", he asked me. Nakatitig na ito sa mata at animo'y sinusuri kung may lihim ba ako. "Kung may tinatago man ako, wala ka na do'n.", I just replied. "Kalokohan! Nanonood ka yata ng porn eh.", nakangising sabi nito. "Abah? B--bakit mo alam?", tanging tugon ko, para sa gano'n ito ang maisip n'yang dahilan ko. "Sa lahat ng babae na nakilala ko, ikaw lang ang umamin na nanonood ng porn. You're really different, minion.", bigkas ni Nico na may kamanghaan sa boses. Nagawa niya na rin na guluhin ang buhok ko dahilan para magmukha akong bruha. "Good pet.", he continue. P-pet? I am pet to him? "Gago, umalis ka na nga! May trabaho ka pa!", pagbubulyaw ko sa binata at akma sana itong babatukan, kaya lang bigla akong pinigilan ni Lola. "Hija, 'wag mong gagawin 'yan sa aking apo. Kung ayaw mong mahulog siya sayo.", mahinahon na wika ng matanda. Dahil tuloy sa takot, natigilan ako at minabuting ibaba ang kamay. "Lola, hindi ako mahuhulog sa kanya. Look at her, she's not my taste.", saad ni Nico na animo'y minamaliit ang pagkatao ko. "Apo, 'wag kang magsalita ng patapos. Baka umurong bigla ang dila mo, at hindi mo namamalayan minamahal mo na pala siya.", muling sabi nito. Kaya umakto naman ako na parang nasusuka. Like ewww, kahit ako ang tanungin, hindi ko rin magugustuhan siya noh! Over my dead body! "Tsk. Aalis na nga ako, kung ano-ano ang sinasabi mo, lola.", iling na sambit ng binata. "Basta lola, isumbong mo na lang sa akin kung gumagamit siya ng cellphone para maparusahan ko.", pagbibilin niya bago pinaandar ang motor. Tangina! Masagasaan sana siya ng truck! Peste! "Lola, nasobrahan ba sa injection ang apo niyo?", tanong ko sa matanda nang pabalik na kami sa loob ng bahay nila. Kung hindi lang ito pulis at walang pinag-aralan na tao, mapagkakamalan ko talaga siya na sobra sa bakuna. "Hija, gano'n talaga si Nico. Pero malambot ang puso no'n.", sagot ni lola na medyo natatawa pa. Halos matapilok naman ako sa sinabi niya, dahil kung tutuusin, kasing tigas ng bato ang damdamin nito. "Hindi yata ako maniniwala sa'yo, lola. Kitang-kita mo naman kanina ang ginawa niya sa akin. Nakakainis!", saad ko at malakas kong tinulak ang wheelchair, kaya muntikan ng mahulog ang matanda. "Ay sorry ho. Hindi ko sinasadya.", mabilis kong sambit at chineck ko kung nasaktan ito. "Mga kabataan talaga ngayon, nagsisimula sa pagiging aso't pusa ang pagmamahal. Pati tuloy ako nadadamay.", wika niya dahilan para mapailing ako. Pinili kong manahimik na lang, dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin. Allergy pa naman ako pagdating sa love, lalo na kung si Nico pa ang nagiging topic. "Manang Ester, timplahan mo nga ako ng juice.", utos ni lola sa isang katulong. Nakarating na kami ngayon sa bahay habang inaalalayan ko siya na maka-upo sa sofa. Nauhaw yata ang matanda sa paglalakad namin. Kaya gusto nito ng maiinom. "Lola, ako na po ang magtitimpla. Ano ba ang iniinom n'yong juice?", tanong ko sa kanya, bilang pag-iinsist. "Naku hija, pagod ka na rin. Hayaan mo na sila na ang gumawa ng utos ko.", wika nito para pigilan ako. "Tama si Madam, ako na lang.", sulpot ni Manang Ester kaya tumango na lamang ako. "Sige po, salamat.", nakangiti kong tugon, pero hindi niya 'yon pinansin. Ang sungit ng kasamahan ko. Nagmemenoupos na yata si Manang. "Nga pala hija, kwentuhan mo naman ako tungkol sa buhay mo. Para meron din akong alam at makilala pa kita ng husto.", pagsa-suggest ni lola na ikinabigla ko. "P-po? Ako? Magkekwento?", pag-uulit ko muli. "Oo. Kung okay lang sayo. Mahilig kasi akong makinig sa kwento ng iba.", turan nito kaya napalunok-laway na lamang ako. "Okay po lola. Pero yung b-buhay ko kasi, puro kalungkutan eh. Baka maiyak lang kayo kapag nalaman mo.", saad ko sa matanda. "Ayos lang 'yon. Handa akong makinig.", wika niya, kasabay ng paghawak nito sa aking palad. Magsisimula na sana akong magkwento, kaso malakas na tunog ang nagpatigil sa akin. Yung tunog na ito ay galing mismo sa baso na animo'y nabasag mula sa kusina. "Manang, ano bang problema?", tanong ni lola na maging siya ay nagulat din. "Ahm, wait lang po lola. Titingnan ko lang.", baling na sambit ko sa matanda para ako na mismo ang tumingin do'n. Kaya tumayo na ako at agad na tumungo sa kusina kung saan, hindi lang pala baso ang nabasag. "Manang Ester, 'wag. Ako na ang maglilinis. Baka mabubog pa kayo.", sambit ko sa kapwa ko katulong. Akma na kasi nitong pupulutin ang mga basag na baso at plato na magdudulot sa kanya ng sugat. "Hala sige. Dahil makulit ka, edi ikaw na.", wika nito at iniwan ako. Kaya heto, ako na mismo ang pupulot ng mga bubog. Yung malalaking piraso ang pinulot ko muna para sa gano'n, wawalisin ko na lamang ang maliliit. Pero dahil sa pagmamadali ko, natusok ang isa kong daliri dahilan para umagos ang aking dugo sa kamay. "Ouch! Aray!", daing na bigkas ko. "OMG, Bea! Halika at gagamutin na kita.", sulpot na sabi ni Sophie. Kakatapos lang yata nito na maglaba dahil halata ko agad sa itsura niya. "Ahm, ako na lang. K-kaya ko 'to. Punta muna ako sa kwarto.", turan ko sa dalaga. Hindi ako sanay na pinapagamot sa iba ang sugat ko. Gusto ko, ako mismo ang gumamot sa aking sarili. Kaya nang makapasok ako sa room, saktong nagring naman ang cellphone ko. Nacurious naman ako dahil unknown number ang tumawag sa akin. At sa halip na gamutin ko ang sugat, pinili ko munang sagutin ang tawag. "Sino 'to?", agad na tanong ko sa kabilang linya. Hindi ko na pinakinggan ang sagot ng tao, dahil medyo humapdi na ang daliri ko. Kaya inilapag ko muna saglit ang phone sa kama at kumuha na ako ng cotton at alcohol. Sinimulan ko ng gamutin ang daliri, dahilan para mapahiyaw ako sa sakit. "Ahh s**t! Fuckkk! Ugghhh.", pag-uungol ko sa sobrang hapdi. Sa puntong ito, napapapikit na rin ako. "Ohhh! Ahh!", muli kong ungol. Kaso sa kalagitnaan ng pag-aray ko, biglang sumigaw ang tao na tumatawag sa phone. And guess what? Si Nico pala 'yon! "MINION, KUNG MAY GINAGAWA KANG MILAGRO DYAN PWEDE BA H'WAG MONG LAKASAN ANG UNGOL MO?! BAKA MARINIG KA PA NI LOLA!" T----tangina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD