CHAPTER 2

905 Words
CHAPTER TWO Bea's POV: "Oh, ano bang napala mo ha?", "--Muntik ka ng makulong dahil sa padalos-dalos mong desisyon.", panenermon ng bestfriend ko sa akin. Na-ikwento ko na kasi sa kanya ang kamalasang nangyari kagabi. Hindi ako nagtagumpay sa plano dahil sa pesteng pulis na 'yon. Hinadlangan niya ang paghihiganti ko! Nakakabwisit! At oo, panibagong araw ngayon. Panibagong araw na simbolo ng kapalpakan ko! "Hoy, kinakausap kita, Bea.", asar na bigkas ni Claire. "Sa tingin mo ba, gaganahan ako makipag-usap sayo? Pinapamukha mo lalo sa akin, kung gaano ako ka-tangang tao.", malumanay kong turan at kinuha ang wallet sa drawer. I'm planning to buy some foods in grocery store. Ganito ang pampalipas oras ko sa tuwing nai-stress ako sa buhay. Food is life, kung tawagin. Pero hindi ako tumataba noh? Slim lang talaga ang katawan ko, kahit anong kain ang gawin ko. "Bibili lang ako.", pagpapaalam ko sa aking kaibigan. Hindi na siya nagsalita pa, bagkus, narinig ko ang malalim nitong paghinga. Sana sa sunod na pagbalik ko sa bahay ni Mark, hindi ko na matyempuhan ang pulis. Masyado s'yang sagabal! Panira ng plano! Nang matunton ko ang grocery, maraming tao na agad ang nasilayan ko. Masyadong siksikan at halos mga dalaga ang nandoon. Feeling ko, may artistang pumunta sa lugar dahil sa tilian ng mga babae. Kung makatili akala mo, kung sinong pogi ang bumibili. "Ang hihilig sa gwapo, iiwan din naman.", bitter kong sambit at hindi ko na lamang ito pinansin. Hindi ko na rin nagawang tingnan ang lalaki, dahil wala akong panahon at oras sa mga ganyang bagay. Nagugutom ako! At kailangan kong unahin ang tiyan ko! So pumunta ako pwesto ng pancit canton para kumuha ng lima. Kaso sa pang-apat kong kuha, may biglang umagaw sa canton ko, dahilan para uminit bigla ang aking dugo. Like s**t?! Wala ba s'yang ugali?! Ang daming pancit canton, pero yung nasa kamay ko pa talaga ang kinuha niya?! "At sino ba ang--", Nahinto ako bigla. As in, sobrang nahinto ang bibig ko, to the point na nakanganga ito dahil sa taong nasilayan ko. Ang lalaking umagaw ng pancit canton ko, ay walang iba kundi ang pesteng pulis! Ang naging sagabal kagabi. Hindi siya ngayon nakasuot ng uniporme, pero yung itsura niya, malinaw pa rin sa mata ko. "I'm Nico, Miss.", ngiting pahayag niya na ikinangiwi ng aking labi. "Hindi ko tinanong.", mataray kong tugon. "Alam kong tatanungin mo rin. So I said it first.", saad niya na tila may kayabangan sa boses. "Hindi ko trip ang makipag-usap sa taong mang-aagaw.", "--Sa akin 'to. Akin ang pancit canton.", madiin kong wika kasabay ng pagkuha ko muli ng canton sa kamay niya. "No Miss. Akin 'yan. Nahawakan ko na, kaya ako ang bibili nito.", muli n'yang sabi. Sa pangalawang pagkakataon, kinuha niya ulit ito sa akin. "Walang sayo, Sir!", "--Akin lang ang pancit canton!", giit kong bigkas at mapwersa kong inagaw ito. Dahil sa sobrang kalakasan, aksidente kong nabutas ang balot ng canton. "S-sabi ko nga, sayo na 'yan. M-meron pa pala dito.", pagbabawi kong saad. Binigay ko na sa kanya ang canton kaya awtomatikong nagtaka ang binata. Kaso bigla n'yang kinabig ang bewang ko dahilan para mapalapit ang mukha namin sa isat-isa. "You look so familiar.", "--Your eyes, your body, and the way you talk, feeling ko, nagkita na tayo.", he said in a serious voice. I don't know why, but my heart pumps so fast. Naamoy ko na rin ang hininga nito na talagang nakakaadik sa ilong. Pero teka, ano ba ang ibig n'yang sabihin? Nakilala n'ya ba ako? Sa pagkakaalam ko naman, nakatakip ang mukha no'n para hindi ako makilala. "W-what are you talking about? Kung dahil ito sa pancit canton, oh ayan. Sayong-sayo na 'yan. Letse ka!", inis kong sambit at kahit papano, pinilit kong maging matapang. Kaso sa pagtalikod ko, hinigit niya ang braso ko. And this time, napatitig ako sa posas na hawak ng lalaki. Masyadong mabilis ang galaw ng binata, kaya hindi ko namalayan, naposasan nito ang isa kong kamay kasama ang kamay niya mismo. "Wala ka ng kawala, Miss Magnanakaw.", "--Kung inaakala mong mauuto mo ako, nagkakamali ka.", smirk nitong sabi. "How dare you to judge me?! Pwede kitang kasuhan sa ginawa mo!", pagalit kong bigkas na halos umusok na ang aking ilong. "Then go on, handa akong harapin ang kasong isasampa mo.", "--But for now, you need to face this.", wika ng pulis na tila buo na ang desisyon. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito sa grocery dahil sa kagagawan ng lalaki. Tangina! Sunod ako ng sunod sa kanya, habang papalabas siya. "Pasok.", utos nito nang binuksan ang kotse. "Ayoko. Labag ito sa batas.", pagmamatigas ko. "Gusto mo bang sumigaw ako na magnanakaw ka?", pananakot niya sa akin. "Eto na nga oh. Papasok na po, Sir.", napipilitan kong saad. Pumasok na ako ng kotse at umusog sa gilid para makaupo rin siya. Grrr! Nahihirapan tuloy akong gumalaw dahil sa punyetang posas na 'to! "Bakit ba kasi ang big deal para sayo ang nangyari kagabi? Ni hindi naman ako nagnakaw ha?!", usisa kong turan. Tama, wala akong ninakaw! At lalong hindi pagnanakaw ang balak ko. Kaya hindi ko maintindihan, kung bakit ganito kung umasta ang lalaki. "Fiona is my cousin. At karapatan kong iligtas sila laban sa masasamang tao na katulad mo.", walang emosyon na tugon niya. C-cousin? Pinsan niya ang babae? Pinsan niya ang babaeng pinakasalan ng ex ko?! PUTA! Bakit ba ang liit ng mundo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD