CHAPTER 3

763 Words
CHAPTER THREE Bea's POV: "P-pwede naman siguro nating pag-usapan 'to, Sir.", pagkukulit ko sa pulis na kasama ko ngayon. Nasa kotse pa rin kami habang minamaneho niya ang sasakyan patungo sa police station. Kaya konting kembot na lang, malapit na kaming makarating do'n. "No. Kailangan 'to malaman ni Fiona. Nakita sa CCTV ng bahay nila ang binabalak mong pagnakaw. At nangako ako na hahanapin kita.", bigkas niya na pasulyap-sulyap sa akin. Lalo akong natakot nang sabihin niya ito dahil tiyak pati si Mark, makikita ako. "P-pero g-ginawa ko lang naman 'yon d-dahil kailangan ko ng pera ehh. Waaaah!", pag-iiyak ko para umpisahan ang aking drama. Eto ang naisip kong paraan para makumbinsi siya. "Aaminin ko, pagnanakaw talaga ang pakay ko. At alam kong mali 'yon.", humihikbi kong turan. So this time, napahinto siya sa pagdrive at tiningnan ako. "Edi inamin mo rin. Ang dami mo pang pasikot-sikot, sasabihin mo rin pala ang totoo.", pagbibigkas niya. Napayuko ako at pinipilit kong pumatak ang aking luha para mas kapani-paniwala ang drama ko. "H-hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng pagiging mahirap.", "--Oo, mali ang pagnanakaw, p-pero y-yung lola ko nasa hospital, at ako rin ang nagpapa-aral sa kapatid ko.", "--Natanggal din ako sa trabaho kaya gulong-gulo ako kung saan kukuha ng pera.", wika ko na may kalungkutan sa boses. Narinig ko ang malalim na paghinga ng katabi ko na tila gumagana ang aking plano. "Hindi solusyon ang pagnanakaw sa kahirapan. Kaya kahit bali-baliktarin ang mundo, kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo.", kalmadong saad niya. Tangina! Bakit ba ang tigas ng puso ng taong 'to? Akala ko pa naman, madadala siya sa pag-iyak ko. "K-kung ipapakulong mo ako, p-pa'no ang kapatid ko? Pa'no ang gamot ng lola ko?", pagpapakonsensya ko sa binata. Natigilan siya at napaiwas ng tingin. So I tried my best to cry again. Yung tipong, pati damdamin niya, mapasok ko. "S-sabi ng doctor, konti na lang ang oras ni lola. K-kaya habang nandito pa siya at nakikita ko, sinusulit ko ang bawat segundo at minuto na kasama ang babaeng nagpalaki sa akin.", saad ko rito at tuluyan ng bumagsak ang luha sa aking pisngi. "s**t! Fine!", rinig kong mura nito na tila napilitan. Kaya nagkaroon ng lakas ang loob ko nang masilayan ko ang paghilot ng sintido niya. "--Hindi na kita dadalhin sa police station.", "--Hindi ko na rin ipapaalam kila Fiona ang tungkol sayo. Basta 'wag mo ng uulitin 'to, Miss.", muli n'yang sabi bilang pag-atras sa naging desisyon niya kanina. "T-talaga? Oh my gosh! Thankyouuuu!", masaya kong sambit at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko akalain na ganito pala ako kagaling pagdating sa pag-aarte. Mukhang mapapasa-akin na yata ang award ng pagiging best actress. "Sinabi ko bang pwede kang yumakap sa akin?", saad ng pulis na may irita sa pananalita. Kaya mabilis akong kumawala sa yakap at napakagat ng labi. "Sorry.", hingi kong pasensya sa lalaki. "Tsk. Pumayag ako dahil tulad mo, malapit din ako sa lola ko.", he said. "--But it doesn't mean na papakawalan kita ng ganong kadali.", he continue. "Huh? Teka--", "May kapalit ang pagpapalaya ko sa'yo, Miss magnanakaw.", pagpapaliwanag niya para hindi na ako magtanong pa. Napangiwi tuloy ako ng labi, dahil yung kasiyahan ko, biglang naudlot. "Anong k-kapalit ba ang gusto mo?", kinakabahan kong tanong. Pero yung titig ng binata, agad na dumako sa dibdib ko. Teka, w-wala akong suot na bra? Bumakat kasi ang u***g ko kaya awtomatikong tinakpan ko ito. Hays! Bakit ngayon ko lang 'to naramdaman? "I like it.", mahinang bigkas niya na may halong kamanyakan. "Tangina! H'wag mong ituloy ang binabalak mo ha?!", "--Mas pipiliin ko pang makulong kaysa galawin mo ako.", nguso kong turan. "Sino bang may sabi na gagalawin kita?", labas sa ilong na tugon niya. Oo nga naman, wala itong sinabi pero pinangunahan ko agad siya. "K-kasi naman eh, kakaiba ang tingin mo sa dede ko!", nahihiya kong wika. "May dede ka? Hindi halata.", ngising pahayag ng pulis. What the f**k! Iniinsulto niya ba ang papaya ko? "Excuse me, lahat ng babae may dede. Nagkataon lang na---matagal umusbong yung akin.", pagtataray ko rito. "Okay, sabi mo eh. But anyway, I like it.", "--Mabuti ngang flat ka, para hindi ako tigasan sayo.", muli n'yang pahabol na sabi. "Ano bang--", "Since mapagmahal ka rin sa lola, I decided na ikaw ang mag-aalaga sa lola ko habang nasa duty ako.", "--And don't worry, seswelduhan kita.", mahabang wika nito. Medyo napanganga ako sa binitiwan n'yang salita at tila sumisink-in pa lang sa utak ko ang lahat. Ako? Mag-aalaga sa lola niya? So ano? Magkikita kami araw-araw? Abah, iba rin ang galawan ni mokong!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD