"KUMUSTA ka na?" Napaikot ni Gabbe ang kanyang mga mata nang sa pangatlong pagkakataon sa araw na iyon ay narinig niya ang tanong na iyon mula kay Prince. Isang lingo na simula nang pahiramin siya nito ng cellphone para magamit raw niya sa pagkakataong kailangan siya nito. Hindi niya sana gustong kuhanin iyon pero nang in-insist nito na kailangan niya iyon para sa trabaho niya rito, wala na siyang naggawa. Inamin sa kanya ni Prince na nag-alala ito sa kanya kaya ibinigay nito ang cellphone. Ayaw na raw kasi nitong mangyari ang nangyari kinailangan pa nitong puntahan siya sa bahay nila para lang alamin ang lagay niya noong araw na nakipag-inuman ito sa Papa at kapitbahay nila. Paano kasi ay nalasing ito nang husto. Hindi naman daw sa natakot ito sa kanyang ama. Hindi lang daw talaga magan

