ANG FIFTIETH wedding anniversary ng Lolo at Lola ni Prince ang unang beses na makadalo si Gabbe nang ganoong kaengrande na selebrasyon. Marami siyang mga kaklaseng mayaman pero dahil hindi siya sociable na tao, bihira niyang tanggapin ang mga paanyaya. Ngunit sa halip na ma-insecure si Gabbe sa matataas na tao na ilang oras na rin niyang nakakasalamuha dahil sa sorpresang ito ni Prince, malayong-malayo iyon sa nararamdaman niya. She felt like far away of Miss Nobody. Ngayong gabi ay naranasan niya na maging kapansin-pansin. Nakakailang noong una pero nasanay rin siya. Pakiramdam tuloy niya ay siya si Cinderella at si Prince ang naging fairy God Mother niya. Inayusan siya nito at pinadala pa sa isang party na tama nga ito, mag-e-enjoy nga siya. Dahil bukod sa pagiging fairy God mother nito

