GUSTONG mbinsihin ni Gabbe ang sarili na kaya siya malungkot ay dahil sa pangalawang pagkakataon sa linggong ito ay bumagsak na naman siya sa isang pagsusulit. Hindi siya sanay na bumagsak sa pagsusulit. And so far, masasabi niyang ngayon lang siya bumagsak sa isa. Maari niyang palagpasin ang una dahil isa iyong surprise quiz at kahit naaral na rin niya ang mga iyon dahil madalas siyang mag-advanced reading sa mga lessons nila, masama ang pakiramdam niya dahil galing siya sa matinding pag-iyak ng gabing iyon. Pero hindi ang sa pagkakataong ito. Ilang beses na nilang napag-aralan ang lesson na iyon at halos lahat ng kaklase niya ay nakapasa pa. Isa siyang scholar kaya naman nagulat lahat ng mga kaklase niya nang malaman ang nangyari. Nasaktan si Gabbe na pinag-uusapan lalo siya ng mga kakl

