Pag pasok palang sa kwarto pinaulanan ko na agad ng masamang tingin ang dalawa si briz at si andrew pero mas lamang ang tingin na itinatapon ko kay Briz. Kung pwede nga lang na pabulagtain ito sa pamamagitan ng mga tingin nya ay ginawa na niya. Hindi nito pansin ang bawat talim ng tiningn ko dahil busy ito sa pakikipag-usap sa katabi nitong lalaki na hindi naman niya kilala. Si Andrew na lihim na nagmamasid sa paligid ang nakapansin sa kanya ay agad nanlaki ang mata at kinalabit si Briz pero hindi nito pinansin ang huli at patuloy lang sa pakikipag-usap. Ngumisi ako Kay Andrew at pinakitaan ng middle finger. Lalong nanlaki ang mga mata nito at Kinalabit uli si Briz this time tumingin na si Briz dito kaya agad ako nitong itinuro. Tulad ni Andrew nanlaki din ang mga mata nito tap

