Tumunog ang pinto at biglang bumukas. Nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang May mahihingan na ko ng tulong pero ganun nalang ang panlumo ko ng makitang si Andrew iyon. Hindi na ito nagulat at nakangiwi na tumingin sa akin. Para bang alam na nito ang sitwasyon ko. Tang na! Magkaibigan nga talaga ang mga gago. Sa hirap at kagaguhan magkasama ang mga ito. Pero sinubukan ko padin baka sakaling maawa ito. Paawa epek akong tumingin dito asking for help pero ang tarantado agad nag-iwas ng tingin palayo sa akin. Nagtagis ang mga bagang ko. May araw din kayo sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko dito, magkaibigan ang mga ito parehong may mga saltik sa ulo. Nakoh! Humanda talaga kayo sa akin makawala lang ako dito mata lang ang walang latay. Ngitngit na ngitngit ako Habang pinagmamas

