Kabanata 10 | Yakap

1618 Words
“Gusto mo bang malaman kung anong kasalanan mo? If you’re that curious… Meet me later sa likod ng dating clinic, 7pm sharp,” she said and then tinalikuran na ako at pumasok sila sa classroom. Naiwan akong nakatulala sa labas. Sa lahat ng pwedeng tagpuan bakit sa old clinic pa? Sa dami ng lugar bakit kailangang doon pa sa lugar kung saan pinakainiiwasan ko. Pumasok ako ng classroom. Raya then immediately smirked when our eyes met. My school day went well. Friday ngayon at bukas na ang birthday ni Brooklyn. At dahil nga hindi ako makakapunta bukas ay gusto nilang gumala kami ngayong after class. Sa sobrang excited nila ay 20 minutes earlier pa lang ay nasa labas na sila ng classroom ko at naghihintay. Napapailing na lang ako habang paminsan-minsan silang minamasdan na nabuburyo na kakahintay sa akin. May pa-assignment na naman ulit ang prof namin today kaya tulad ng nakasanayan kong gawin ay isinulat ko ‘yon sa sticky note at idinikit sa ilalim ng arm rest ng upuan ko. Pero agad na kumunot ang noo ko nang napansing may nakadikit doon. Wala naman akong inilagay kahapon o no’ng nakaraang araw. I wanna meet you. Mabilis na kumunot ang noo ko nang nabasa ang nakasulat sa sticky note. She or he wants to meet me na? I wanna meet her or him too pero parang wala pa akong lakas ng loob na makipagkilala sa kanya sa personal. Hindi ko alam pero numipis bigla ang mukha ko. For months, ay siya itong sumasagot sa mga assignments ko at lessons na hindi ko maintindihan. Ni hindi pa nga ako nakakapag thank you sa kanya kahit through these sticky notes lang muna. I don’t think kaya ko na. Dahil hindi ko pa kayang makipagkilala sa kanya ay tinanggal ko na lang ang sticky note na kakadikit ko lang. I wanna meet her or him pero not now. NEO SAMANIEGO POINT OF VIEW Excited pa naman ako pero mabilis lang na kumunot ang noo ko nang nabasa ang nakasulat sa iniwan niyang sticky note. Thank you! Anong thank you? Sinabi kong gusto ko siyang makita ang itinugon sa akin simpleng thank you lang? Napakamot ako sa ulo. Ayaw niya ba akong makilala? Buong klase ay hindi mawala sa isip ko ang dalawang salita na ‘yon. Paulit-ulit kong binabalik-balikan at iniisip kung bakit ayaw niya akong makilala. Hindi tuloy ako maka-focus sa klase at ilang beses natutulala. “Pre, ayos ka lang? May problema ba? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan, e!” Nagbaling ako ng tingin kay Jemuel nang sikuhin niya ako. “Wala. May iniisip lang.” “Babae ‘yan no?” Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. “O bakit? Hindi ba? Ngayon lang kita nakitang ganyan, e. May nangyari ba noong dinala ka nina Dwayne sa mga bar?” “Wala. Hindi babae ang iniisip ko. Kaya manahimik ka dyan!” Humagikhik siya sa gilid ko na hindi ko na lang pinansin dahil baka mahuli pa kami ng propesor namin na hindi kami nakikinig sa klase niya. Pagkatapos ng klase ko ay muli akong bumalik sa café. Busy kasi ngayon doon dahil Friday. Nagdadagsaan ang customers namin kapag Friday na at weekend. Kaya nakasanayan naming mag overtime sa ganitong mga araw. Wala namang kaso sa akin ‘yon dahil malaki naman ang pasweldo ng OT. “Iinom kami. Sama ka?” aya sa akin ni Jemuel. “Pass na muna. Babalik pa akong café.” Hindi talaga ako mahilig uminom. Hindi ako lasinggero. Pero paminsan-minsan ay pinagbibigyan ko ang sarili ko. Lalo na kapag kasama ang barkada. Libre ang maging masaya kaya hindi ko ‘yon ipagkakait sa sarili ko sa kabila ng reyalidad kong kahit pagod na ay patuloy pa ring nagsusumikap para sa pamilya at sa pangarap. Ako ang bread winner ng pamilya namin. Nasawi sa isang disgrasya sina mama at papa no’ng 13 years old ako kaya mula no’n ay ako na ang tumatayong magulang ng nakakabata kong kapatid na si Hannah. Kay lola kami tumira simula no’n, siya ang nag alaga sa amin at ang nagpalakli sa amin. Kaya ngayong kahit papaano ay kaya ko nang mag trabaho at maghanap ng mapagkukunan ng pera ay ako na ang umako ng responsibilidad sa pamilya namin. Ako na ang tumutustos sa mga pang araw-araw nilang kailangan. Mahirap pero kailangan kong gawin. Kahit kulang kulang ako sa tulog at halos napapabayaan ko na ang sarili ko ay hindi pa rin ako sumusuko. Kasi hindi ako pwedeng sumuko. Wala akong karapatang sumuko. “Sa table 7 please.” Agad kong kinuha ang tray na may lamang order ng mga customer na nasa table 3. Pagkatapos no’n ay nilinisan ko naman an iba pang lamesa na iniwan na ng customers. Magda-dalawang oras na gano’n ang ginawa ko. Paikot-ikot sa buong café. Linis, serve, linis ulit at serve ulit. “Sigurado ka bang maaalala niya ang mga nangyari no’n kapag nakulong siya doon sa lumang clinic?” “Raya, hindi ka ba nag aalala na baka hanapin siya ng parents niya at malamang tayo ang gumawa?” “Wala akong pake! Gusto kong maalala niya ang ginawa niya last year. I don’t think she forgot about it already. Isang taon pa lang ang lumipas, guys! Napakaimposible no’n para makalimutan niya agad!” “But, Raya… Adaline was locked there for almost 8 hours already.” Kumunot ang noo ko narinig na usapan ng apat na magkakaibigan na nasas labas ng café. Malapit sila sa waiting shed at pare-parehong mga nakatayo at pinag uusapan ang babaeng kung hindi ako nagkakamali ay si Adaline. “Isa pa, anytime ay magsasarado na ang school. Are we sure of this? Natatakot na ako.” “Oo nga, Raya. Ayaw kong madamay dito. Uuwi na ako.” “Don’t be such a coward, guys. Remember what happened last year! Nakulong din tayo doon ng buong magdamag! Alalahanin niyong isa sa atin ang namatay dahil sa ginawa niya. Pinapaalala lang natin sa kanya ‘yon kasi kinalimutan niya. She seems so happy right now na parang wala lang sa kanya ang buhay ni Shaye! Nanggigigil ako sa tuwing nakikita siyang masaya kasama ang mga kaibigan niya.” Bumalik ako sa loob ng café at agad na hinubad ang apron na suot ko. “Neo, palinis no’ng sa table— Saan ka? Uuwi ka na? Paano ako dito? Huy!” “Saglit lang ako, Dianne.” “Neo, sandali!” Hindi na ako nagpapigil pa kay Dianne at agad na akong tumakbo papuntang school. Bukas pa ang gate pero agad akong hinarangan ng guard. “Sir, bawal na pong pumasok. Magsasara na kami.” “Sandali lang ako, sir. May titingnan lang ako.” “Bukas niyo na po tingnan.” “Sir, sandali lang po talaga. May naiwan pang estudyante sa loob.” “Umikot na po kami, sir. Nakauwi na po lahat ng estudyante.” Binasa ko ang labi ko. Nakalimutan ko ‘yong eksaktong lugar na binanggit no’ng magkakaibigan kanina. Nilingon ko sila sa café pero biglang wala na sila doon. “Pwede po bang ulitin natin?” Payak na natawa ang guard sa akin. “Nakakaisturbo na po kayo sa trabaho namin, sir. Bukas niyo na po hanapin kung ano man ‘yong hinahanap niyo.” “Pwede po bang ako na lang humanap po? May narinig kasi akong grupo kanina na nag uusap, may nakakulong daw dito. Nakalimutan ko lang kung saan ‘yong eksaktong lugar. Baka naman pwede niyo po akong tulungan.” Napakamot siya sa ulo. “Sige na nga.” Pagkapayag na pagkapayag niya ay agad na akong tumakbo papasok kahit hindi ko alam kung saang building ako mauuna. Napakalaki ng school. Hindi ko rin alam kung bakit sobra-sobra ang pag aalala ko. Pwede ko naman sanang balewalain ‘yong mga narinig ko pero parang hindi ko kaya. No’ng narinig ko pa lang ang pangalan ni Adaline. Parang nag iba na ang tunog ng puso ko. Bumilis na rin ang bawat pagtibok, taliwas sa nakasanayan kong mabagal at halos hindi ko marinig. Tatawagan ko sana ang mga kaibigan namin pero nakalimutan ko naman ang cellphone ko sa café. Nataranta kasi agad ako kanina no’ng narinig ko pa lang na 8 hours na siyang nakakulong sa kung saan. “Naikot na natin ‘yong mga classrooms. Baka naman nangti-trip ka lang?” Medyo galit nang singhal sa akin ng isa kong kasamang guard. “Sir, sa abandonadong building po may naririnig akong umiiyak!” Humahangos dahil galing pa sa pagtakbo ang isa pang guard na tumulong sa akin. Agad na rin kaming nagsipagtakbuhan papunta sa building na sinasabi niya. “Sigurado ka bang dito mo narinig? Wala nang pumupunta dito, e. Matagal nang ipinagbawal ng dean ang pagpunta dito,” anang isang guard. Hindi ko sila pinakinggan at dumiretso ako papasok. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay rinig ko na agad ang pag iyak ng isang babae. “Tulungan niyo ako! Just anybody please help me!” “Adaline!” Agad akong tumakbo papunta sa isang room at mula sa glass window ay nakita ko siyang nakayuko at umiiyak. “Ada!” sigaw ko. Agad siyang nag angat ng tingin. Nakita ko kung gaano kamugto ang kanyang mga mata. Kita ko ang pagod at takot. Mas lalo siyang umiyak. Sinubukan niyang tumayo pero agad ring nabalik sap ag upo dulot marahil ng panghihina. “Sir, ayaw mabuksan ang pinto.” “Tabi!” Sinipa ko ng malakas ang pinto at dahil marahil sa kalumaan nito ay agad rin itong nasira. Agad akong tumakbo papunta kay Adaline at isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa akin. “Takot na takot ako, Neo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD