Kabanata 2 | Crush

1328 Words
“Sina mommy at daddy?” tanong ko sa aming mayordoma pagkapasok ko ng mansion. “Nasa library, Miss Ada.” Tumango ako. “Aakyat na po ako sa taas.” “Ah! Miss Ada, bilin po ng mommy mo na sabihan kang tatawag ulit si Mr. Felix sa iyo mamaya.” Tumango ulit ako bago tuluyang umakyat sa kwarto ko. Si Felix ay ang fiance ko. Nakatakda na kaming ikasal pagkatapos kong grumaduate. Rule iyon sa pamilya namin. Limang taong gulang pa lang ako ay alam ko nang ikakasal ako sa kanya paglaki. Hindi ako nagreklamo o pumalag no'ng sabihin nina mommy at daddy iyon sa akin. Ipinaintindi din naman kasi sa akin na kailangan iyon para sa ikalalago ng kompanya namin na ako rin ang magmamana pagdating ng panahon. Bago pumasok ng banyo upang maligo ay in-on ko na ang laptop ko para kapag tumawag si Felix ay agad kong masasagot. Hindi nga ako nagkamali dahil eksaktong pagkalabas ko mula banyo ay tumawag siya. “Hi!” agad niyang bati sa akin. “Hi! Uhh . . . Wait lang ah? Magbibihis lang ako,” nakangiti kong sabi bago umalis sa harapan ng laptop. “So . . . How's your day?” tanong niya. “Mm . . . Ayos naman. Ikaw? Kumusta exams mo?” “Fine. We're celebrating now. Nandito kami sa bahay ng kaibigan ko. Finally, the hell week's done.” Bahagya akong natawa at naupo sa harapan ng laptop. Sinimulan kong i-blow-dry ang buhok ko. “Congratulations,” ngiti ko. “Thank you, Ada.” Hindi ako nagsalita at naging abala sa buhok ko. Nanahimik din si Felix kaya napatingin ako sa kanya. “What's wrong?” I caught him looking at me while smiling. “Dalawang taon na lang, Ada. Ikakasal na tayo.” Natigilan ako sandali bago pinilit ang sariling ngumiti sa kanya. Felix is definitely not my type. Napatunayan ko 'yon matapos kong makita 'yong lalaki sa cafeteria kanina— si Neo. While Neo's the hearthrob type, Felix's the nerdy one. With his big eyeglasses on, iisipin mo talagang matalino siya. Pero ang totoo, malabo lang talaga ang mata niya at hindi siya matalino. Ewan ko ba kay daddy kung bakit siya ang napili para ipakasal sa akin. E, wala nga siyang matinong pananaw sa buhay. Siguro ay dahil tagapagmana siya ng kompanya nila? Sabi ni daddy pagkatapos ng kasal ay mag m-merge ang mga kompanya namin. Mag e-expand at mas yayaman kami. I was told to learn to love him. Pero ewan ko ba, hindi ko siya magawa-gawang mahalin. Well, hindi naman siya masama at mabuting tao naman siya. Hindi ko lang talaga maintindihan itong puso ko at hirap akong mahalin siya. “Ada? Are you still listening to me?” Napakurap ako at agad na ngumiti. Kung saan saan na naman ako dinala ng mga thoughts ko. “Yes!” masigla kong tugon. “Akala ko nag hang na ang laptop ko, e.” Felix is in USA. Doon siya nag aaral kasama ang ate niya. Minsan lang kaming nagkikita. Sa isang taon ay isang beses lang silang umuuwi dito. Pero madalas kaming nag vi-video call. We have gotten close, to the extent that we're already comfortable with each other. “Are you excited?” tanong niya. “Saan?” “Sa kasal natin.” Natigilan ako at natulala saglit bago nagawang ngumiti kay Felix. “O-of course. I-I'm looking forward to it.” “Same, Ada!” he exclaimed. Kita ko nga ang excitement niya. I lied. I am not excited. Pero tanggap ko but I am definitely not looking forward to it. Lalo pa ngayon at feeling ko ay na love at first sight yata ako do'n sa waiter ng cafeteria na tinatambayan nina Brooklyn. Kinabukasan ay maaga akong nagpahatid sa school. Palagi akong late noon kaya ipinagtaka iyon ng mga kaibigan ko. “Gusto kong magkape,” sabi ko. Mangha akong tiningnan ni Clara. Samantalang si Brooklyn ay pinanlilisikan ako ng mga mata. “What?” tanong ko kay Brooklyn. “Gusto mong magkape o gusto mong makita si Neo?” diretsahang tanong niya. Walang pake kahit na marinig ni Clara o ng mga estudyanteng papasok ng school. Nasa gate kami at hindi naman nakaharang pero nasa daraanan. “Gusto kong magkape!” sagot ko. “Wait! Who's Neo? Iyon bang waiter na crush ni Brooklyn? And you're not the coffee lover type Adaline,” singit ni Clara. “Yes. I may not be a lover of coffee but I can still drink right? Like once in a while?” sabi ko at tinalikuran na sila. Humarap ako sa cafeteria at naglakad na patungo roon. “Nakakainis naman itong si Ada, e! Male-late tayo nito,” rinig kong reklamo ni Clara sa likuran ko. “Naku! Sinasabi ko sa 'yo, Ada. Hindi ka papansinin ni Neo,” si Brooklyn. Nagkibit balikat lamang ako at nagdiretso na papasok ng cafeteria. Kakabukas lang nito at wala pang customers. Mukhang kami pa nga ang una. Naroroon na sa counter ang kahera pero si Neo ay wala pa. I wonder where he is. Naupo ako sa bakanteng lamesa. Ganoon din naman si Clara. Samantalang si Brooklyn ang um-order para sa aming tatlo. “Now what, Adaline Roa? Crush mo ba si Neo Samaniego?” tanong ni Clara. Nailibot ko na ang paningin ko sa buong cafeteria pero wala talaga siya. Maybe he's late for work? “Yes. Crush lang naman,” sagot ko. “Oh my god! This is war!” she sarcastically gasped. “Anong war pinagsasasabi mo d'yan?” “War! Naghahamon ka ng away sa pagitan niyong dalawa ni Brooklyn. We all know that she likes Neo. Kaya nga namin pilit na iniimbita si Neo sa birthday party ni Brooklyn because that day, Brooklyn plans to confess her feelings towards Neo. At saka hindi mo na kailangan pang magkagusto pa sa iba, Ada. You already have Felix. It'll be hard for you kung magmamahal ka ng iba.” “I am not inlove, Clara. Nagagwapuhan lang ako sa kanya kaya ko siya crush.” “Oh yeah? Remember, Ada. Unang nagkakagusto ang mga mata bago ang puso. Hmm?” Hindi ako nakasagot sa kanya at napatitig na lamang ako kay Brooklyn na ngayon ay nakikipagtawanan sa cashier. Crush ko nga si Neo. But not to the point na hahayaan kong mawala ang pagkakaibigan namin ni Brooklyn. “Pero hindi naman siguro ganun kalalim ang feelings ni Brooklyn kay Neo 'di ba? My god! Teenager pa lang tayo! We can't be serious in love right?” Clara shrugged her shoulders. “I don't know. But she's happy talking about Neo. And I can't let you ruined that happiness Ms. Pink haired spoiled rich kid.” “As if you're not a spoiled rich kid,” I qouted. “I'm not spoiled no! It's Melani who's spoiled.” “Seriously, Brooklyn will going to confess?” I don't know but I felt sad about it. I just met this Neo yesterday pero bakit kung malungkot ako ngayon ay para bang may matagal na akong emotional attachment sa kanya? “Oo nga! Paulit-ulit ka naman, e!” “You think Neo have feelings for her too?” “Anong pinag uusapan niyo?” Umayos kami ng upo ni Clara. Inilapag ni Brooklyn ang mga kape namin sa lamesa kaya napatitig ako roon. She ordered hot choco for me. Malungkot akong napangiti. I don't like coffee because I hate it's bitterness at isa pa ay may gastritis ako. “Hindi 'yan masyadong matamis, huwag kang mag alala,” sabi ni Brooklyn at naupo na. “Thank you, Brooklyn,” sabi ko at uminom na sa baso ko. Kakahigop ko pa lang nang biglang tumunog ang chimes ng glass door. Nilingon ko 'yon nakitang papasok si Neo, suot ang kanyang uniform. Nalingunan niya kami kaya agad akong ngumiti. Hindi siya ngumiti pabalik at mas lalo lang kumunot ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD