Nabuburyo ako sa klase. Inaantok na ako habang nakapangalumbaba sa desk habang nagle-lecture ang professor namin sa harapan.
Pinagkaabalahan ko na lang ang notebook ko at nagsulat ako roon ng kung ano-ano. Nagpa-assignment ang prof namin kaya isinulat ko iyon sa notebook at idinikit sa ilalim ng upuan. Bukas may sagot na ito sigurado.
Minsan talagang gusto ko nang ma-meet itong savior ko. Lagi na lang niya akong sini-save sa mga assignments namin.
“Ada, gusto mong mag shopping? Pupunta kasi ako ng mall ngayon at gusto ni mommy na kunin ko ang damit na susuotin ko para sa party ko ngayong Sabado,” sabi ni Brooklyn.
Abala ako sa paglalagay ng mga pens ko sa lagayan. I want it to be properly arranged. Nao-overwhelmed kasi ako kapag sobrang kalat ng loob ng tote bag ko. Kaya as much as possible ay ina-arrange ko kapag ibinabalik ko na ang mga gamit na kinuha ko.
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Brooklyn.
“Ayusin ko lang ito.”
“Brooklyn, samahan mo na muna ako sa comfort room please,” rinig kong sabi ni Clara.
“Uh, Ada. Gusto mong sumama sa comfort room or kita na lang tayo sa baba?”
“Sa baba na lang,” sabi ko. Tapos ko na rin namang ayusin ang mga gamit ko.
Tumango si Brooklyn at pinaghihila na siya ni Clara. Nauna akong bumaba. Nasa ikatlong palapag kasi ang classroom namin. Nang nakarating ako sa ikalawang palapag at pababa na sana ay naabutan ko si Zoren na nakangiting nakikipag usap sa isa sa mga freshmen.
Wow! Just wow! Nang napansin niya ako ay agad siyang yumuko. Pilit na nagtatago kahit na kitang kita ko naman na.
Dahan dahan ang mga hakbang ko pababa.
“Nakapagpa-reserve ka na ba ng hotel room?” rinig kong sabi ng balingkinitang babae.
“Uhh . . . Y-yes,” tugon ni Zoren.
“Okay. See you later then,” sabi nito bago naunang bumaba, nilagpasan ako.
Tumigil ako sa paghakbang at marahas na napabuga ng hangin. Nilingon ko si Zoren na manghang nakatingin ngayon sa akin.
“A-Adaline!” biglang ngising sabi niya.
“Seriously, Zoren? Hotel?” sarkastiko kong sabi.
Napabuga siya ng hangin bago bumaba at tumabi sa akin.
“Wala lang naman 'yon, Ada. Huwag mong sabihin kay Clara ah?”
“Anong wala lang? Magho-hotel kayo! Hindi 'yon wala lang! Hindi pa nga kayo ng kaibigan ko ay nag c-cheat ka na!”
“Oh! No! It's not cheating. My heart belongs to Clara but my body belongs to just anyone who's free. Hindi ako cheater, Adaline. Fuckboy lang. Magkaiba 'yon.”
I sarcastically laughed. “Fuckboy, cheater, it's all the same, Zoren!”
“Look, I am just enjoying my life because we only live once. Alam mo naman si Clara, conservative. Hindi niya mapupunan ang mga pangangailangan ko. But I love her. I really do. So please, huwag mong sasabihin sa kanya ang kung anumang nakita o narinig mo.”
Umiling ako. “I don't know, Zoren. But I don't tolerate this kind of bullshit,” sabi ko at nagmadali na sa pagbaba.
“f**k!” I heard him cursed.
Sa simula pa lang ay hindi talaga ako boto kay Zoren para kay Clara. Alam ko kasing hindi siya 'yong tipo ng lalaking magse-seryoso. Ni hindi nga siya nag e-effort sa panliligaw niya sa kaibigan ko. Dwight's a lot better than him. I can see his effort even on the smallest things. I see how he cared for Clara.
“Oh my god! Mag de-date daw kami ni Zoren ngayong Sunday! First ever date namin ito! What should I wear?”
Halos manakit na lamang ang mga mata ko kakairap sa kawalan habang pinakikinggan ang mga tili ni Clara. Kilig na kilig siya sa manliligaw niya kunong si Zoren.
“Mag shopping na lang din tayo ng mga damit,” suhestiyon ni Brooklyn.
“Mabuti pa nga. Oh my god! Kinikilig talaga ako!”
“Seryoso ka na ba d'yan kay Zoren, Clara? Baka saktan ka lang niyan, e.”
“Alam mo, Ada! Para ka lang ding si Dwight, e! Ang ne-nega niyo. Zoren is serious with me. Hindi niya ako sasaktan. Sabi niya mahal niya ako.”
“Paano kung ano . . . Paano kung gusto niya lang pala ay ang makuha ka pagkatapos ay iiwan ka lang din. You know about his history right? Isa siya sa mga sikat na fuckboy sa school natin.”
“People change, Ada! Mahal ko na din siya. So if you don't mind, huwag ka na lang makialam if ganyan ang mindset mo. Let's go, Brooklyn,” sabi niya at hinila na si Brooklyn papasok sa isang sikat na botique.
Napabuga na lamang ako ng hangin at napapailing bago nagpasyang sumunod sa kanila doon.
Clara enjoyed shopping despite of me tailing them. Ang akala ko hindi siya galit sa akin so I still stay pero buong oras ng pamimili ay hindi niya ako pinapansin at si Brooklyn lang ang kinakausap niya. Mabuti na nga lang at magaling si Brooklyn pumagitna sa aming dalawa kaya hindi ako naa-out of place.
Nasa counter na kami nagbabayad nang napansin kong wala ang flash drive ko na kasama sa keychains na nakasabit sa zipper ng bag ko.
“Oh no!” sabi ko habang pilit iyong hinahanap sa loob ng bag.
“What's wrong, Ada?” tanong ni Brooklyn.
“Nawawala ang flash drive ko.”
“Wait, nandun 'yong group presentation niyo sa Psychiatry 2 'di ba?” singit ni Clara.
Kabado akong tumango.
“Hala, Adaline!” si Brooklyn, halata ang kaba sa boses. Kahit sino naman ay talagang kakabahan. Ilang linggo naming pinaghirapan ang presentation na 'yon para bukas.
“Ang alam ko nandito lang 'yon, e.”
“Kailan mo ba huling ginamit?” si Clara.
“Kanina sa classroom no'ng nag transfer ako ng mga files— Baka nga nasa classroom!”
Napatingin ako sa wristwatch ko. Alas siyete na ng gabi. Siguradong may nagkaklase na doon. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na lang. Kailangan ko talagang bumalik.
“Hahanapin ko sa classroom natin.”
“Pero, Ada parating na si Dwight, e. May usapan kasi kami ngayon,” sabi ni Clara.
“Ako rin, Ada. May family dinner kami, late na nga ako.”
“Ayos lang. Ako na lang ang babalik. At saka kasalanan ko naman ito. Pasensya na,” sabi ko at nagpaalam na sa kanila.
Hindi ito ang unang pagkakataong papasok ako ng gabi sa school. Pero ang huli ay no'ng first year pa kami. No'ng nagkayayaan kaming mag ghost hunting. Wala ding pasok no'ng araw na 'yon kaya talagang nanibago ako sa mga nakikita ko ngayon.
Hindi masyadong madilim ang paligid dahil sa mga ilaw. Marami rin akong nakakasalubong na mga students. May ilaw ang mga lamp posts, pati na rin sa hallway.
Dumiretso ako sa classroom namin kung saan sigurado akong doon ko nahulog ang flash drive ko.
“Oy, may naligaw na mula sa day class! Hi, Ms. Roa!” agad na nag ingay ang ilang grupo ng mga estudyanteng lalaki na nakatambay sa hallway.
Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso lamang ako.
“Ay! Isnabera pala talaga!” rinig kong patutsada ng isa.
“Shh! Baka marinig ka. Baka isumbong ka pa niyan sa parents niya. Doon mo pa naman balak mag OJT sa hospital nila.”
Huminga ako ng malalim. Sarado ang pintuan ng classroom pagkarating ko. May nagkaklase sa loob. Sumilip ako mula sa glass window at nakitang may prof pa nga. Kaya wala akong choice kung 'di ang maghintay. Sinubukan kong sumilip sa bandang likuran kung nasaan ang upuan ko. Nakita kong walang nakaupo roon. Napasimangot ako. Akala ko pa naman ay makikilala ko na rin ang savior ko ngayong gabi.
“Haay, Ada! Focus ka sa paghahanap ng flash drive mo! Saka mo na isipin 'yong savior mo!” saway ko sa sarili ko.
Halos lagpas trienta minutos din akong naghintay sa labas ng classroom bago tuluyang bumukas ang pinto at lumabas ang professor. Quarter to nine na ng gabi at wala pa akong kain. Pinagsamang gutom at antok na ang nararamdaman ko.
“Miss Roa, bakit ka nandito?” salubong sa akin ng professor nila na si Doctor Soriano.
“Hi po, may hinahanap lang po,” tugon ko.
Tumango siya at agad ring nagpaalam. Hinintay ko pang makalabas ang mga estudyante bago ako tuluyang pumasok sa classroom. May iilang estudyanteng naiwan pero hindi ko pinansin at tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa upuan ko. At ganun na lang ang pagbagsak ng mga balikat ko nang nakitang wala roon ang hinahanap ko. Kahit sa ilalim ng mga upuan ay wala.
Unti-unti na akong nawawalan ng pag asa at naiiyak na. Siguradong magagalit sa akin si Brooklyn at ang mga kagrupo namin.
“Miss?” may malamig na boses na biglang nagsalita sa likuran ko. Ilang sandali bago ko iyon nilingon.
“Ito ba 'yong hinahanap mo?”
Agad na nanlaki ang mga mata ko pagkakitang hawak hawak iyon ni Neo. Tumayo ako at naroroon pa rin ang titig sa flash drive na hawak niya, hindi ko magawang iangat ang paningin ko sa kanya ngayong nakasuot siya ng puting uniporme. Daig niya pa ang mayayaman kong kaklase sa postura niya ngayon. Kapag talaga naka-uniform ay hindi mo na malalaman kung sinong mayayaman at kung sinong mahihirap. Maybe this was the reason why uniforms are made. So we can't see the difference. Para hindi natin makikita kung anong buhay nila sa labas ng paaralan.
“Miss?” aniya.
Napakurap-kurap ako at kinuha mula sa kamay niya ang USB.
“O-oo. I-Ito nga. S-salamat.”
Putcha! Bakit ako nauutal? Bakit kasi napakagwapo niya ngayon? Mas gwapo siya kumpara no'ng una ko siya nakita at kumpara kaninang umaga na suot niya'y uniform sa cafe. Mas gwapo siya kapag nakaputing uniform. Bagay na bagay talaga sa kanya maging doktor. Sigurado ako, kapag naging doktor siya. Kahit iba ang sakit ng pasyente ay aatakehin sa puso sa sobrang kagwapuhan niya.