Hindi ko alam kung bakit pumayag akong ihatid ni Neo. Siguro dahil takot ako na baka nandoon pa sa labas ang mga estudyanteng nagkulong sa akin sa abandonadong building? O siguro dahil wala na ako sa sarili ko? Or I am just tired and badly want to rest kaya no’ng sinabi niyang ihahatid niya ako ay tumango na lang ako bigla.
Wala ako sa tamang pag iisip!
I only thought about myself at hindi na naisip sina mommy at daddy. Sino naman din kasi ang mag aakalang nasa bahay sila? Umalis ako kanina dahil busy sila sa hospital at nagpaalam sila sa akin na baka bukas pa sila makakauwi dahil nga code blue sila ngayon at may nangyaring aksidente. Ayon pa sa kanila ay lagpas bente katao ang isinugod sa emergency.
Kaya gano’n na lang ang gulat ko nang abutan ko sina mommy at daddy sa labas ng gate namin. Lumapit agad si mommy sa akin at agad akong sinampal pagkababang-pagkababa ko pa lang sa motorsiklo ni Neo. I didn’t even get the chance to remove the helmet I am wearing!
“Ada!” gulat na sambit ni Neo.
“Pasok sa loob, Adaline!” daddy said with his voice full of authority.
Kinaladkad ako ni mommy papasok ng bahay. Hindi ko nagawang magpaalam kay Neo. Nang lingunin ko siya ay puno ng pag aalala ang mga mata niya.
“What did you do to my daughter?!” rinig ko pang galit na tanong ni daddy kay Neo bago ako itinulak ni mommy papasok.
“Mommy, let me explain.”
“What we saw is already an explanation, Adaline Carolina Roa!”
Yumuko ako. I don’t know what to say. I want to explain pero alam ko naman na dati pa na kapag galit sina mommy at daddy ay hindi talaga nila ako pinapasagot. Hindi nila ako hinahayaang magsalita. Lumaki ako sa sistemang wala akong karapatang magsalita, unless sinabi nila o may permiso mula sa kanila.
“YOU’RE GROUNDED!” Napatalon ako sa gulat nang dumagundong sa buong bahay ang sigaw na ‘yon ni daddy.
Inaasahan ko na naman na ‘yon kaya yumuko na lang ako at piniling manahimik.
“I am so disappointed on you!”
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Pilit kong nilalabanan ang mga hikbing nagnanais na kumawala mula sa bibig ko. Kahit na gustong-gusto ko nang sumigaw sa sakit na nararamdaman ay pinili kong umiyak ng tahimik. Alam ko kasing mas lalo lang magagalit sila daddy at mommy kapag narinig nila ang iyak ko. Baka hindi lang simpleng grounded ang mangyari sa akin kapag nagkataon.
“We thought you’re already sleeping on your bed! Hindi namin alam na umalis ka at nakipaglandian pa sa labas! ADALINE, DISORAS NA NG GABI! GAWAIN BA NG MATINONG BABAE ANG GINAWA MO?!”
Umiling ako. Hindi dahil sinagot ko ang tanong ni daddy. Umiling ako dahil gusto kong sabihin sa kanilang hindi ako lumabas para lumandi. Gusto kong sabihin sa kanilang blinock-mail ako kaya ako lumabas. Pero alam ko namang hindi nila ako paniniwalaan kaya what’s the point? Like what mommy said, what they saw is already an explanation. Tanong nila ay kung bakit ako nawawala ng bahay at no’ng nakita nilang inihatid ako ni Neo ay naisip na agad nilang ‘yon ang sagot sa tanong nila.
“Abala kami sa hospital, Adaline! Ang dami naming pasyenteng inaasikaso! We were already stressed, nagawa mo pang dagdagan! My god!” bakas ang disappointment sa boses ni mommy. Pati na rin inis. Halatang galit siya but she was trying to control it. “Tinawagan ako ni Yaya Luz, nawawala ka raw. Ang galing din naman talaga ng timing mo! Ngayon mo pa talaga naisiping tumakas para lumandi kung kailan nagpapasundo si Felix sa ‘yo sa airport!”
Agad akong napaangat ng tingin kay mommy. I didn’t know about it! Hindi ko alam na uuwi ng Pilipinas si Felix!
“Hindi mo alam?! Wala kang alam. Because you were busy flirting with some poor guy! Nakalimutan mo na ba? You were bound to marry Felix Griffin! Paano kung may nakakita sa inyo, ha?! Paano na lang, Adaline?! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ng mapapangasawa mo?!”
“You were not just grounded for weeks, Adaline. You were grounded hanggang sa araw ng kasal niyo ni Felix!”
Natulala ako kay daddy. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. I never even given a chance to utter a simple but.
“Babalik ako ng hospital. Samahan mo ‘yang anak mong sumundo sa fiancé niya,” daddy said to mommy.
“Ayusin mo ‘yang sarili mo!” lingon niya sa akin bago tuluyang umalis. Pero bago siya tuluyang nakalabas ng pintuan ng bahay ay narinig ko pa siyang kinausap ang isa sa mga tauhan niya.
“Did you make sure na hindi na lalapit ang lalaking ‘yon sa anak ko?”
Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay agad ko nang narinig ang boses ni Cheche na ngumangawa.
“Miss Ada, sorry! Hindi ko po alam! Pasensya na po talaga. Hindi mo naman po kasi sinabi kung saan ka po nagpunta. Nag aalala kami sa ‘yo.”
Muling tumulo ang mga luha ko nang pumasok si Yaya. Mas lalo namang umiyak si Cheche nang nakitang umiyak ako.
“Ano nang gagawin natin? Ang pula-pula ng pisngi mo. Sigurado akong sobrang sakit ng pagkakasampal sa ‘yo ng mommy mo.”
Kinuha niya ang cold compress sa bowl at inilagay ‘yon sa pisngi kong sigurado akong namumula dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang pag iinit niyon.
“Ow!” agad kong reklamo nang naramdaman ang hapdi dahil sa pagkakalapat ng cold compress.
“Bakit kasi naisip mo pang lumabas? Saka sino ang lalaking ‘yon na naghatid sa ‘yo?” tanong ni Yaya Luz.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko upang magsalita pero naiyak lang ako. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang nakita kung gaanong nag aalala ang ekspresyon ng mukha ni Yaya Luz.
“Naku!” ani yaya at naupo sa tabi ko. Saka niya ako niyakap ng napakahigpit. “Sana ay nagsabi ka. Nagpaalam ka dapat sa akin o kahit dito kay Cheche para hindi na kami nag alala at hindi namin natawagan ang daddy at mommy mo. Pasensya na, anak.”
“Yaya, kinulong po nila ako,” pagsusumbong ko at mas lalo pa akong napahagulgol.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Iyong mga students sa school namin… Kinulong po nila ako sa lumang building. They’re trying to make me remember what happened last year.”
Bahagya akong itinulak ni Yaya Luz upang mapabitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at dinungaw niya ang mukha ko.
“Humarap ka sa akin, Adaline. Sinong mga estudyante ang tinutukoy mo?”
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung alam ba nila ang tungkol sa nangyari no’ng nakaraang taon. Wala kasi ako masyadong naaalala sa mga nangyari noon. How can I remember what happened? E, nag medication ako after no’n. I was traumatized. Hindi lang din ako ang gustong makalimot no’n. Even my parents and the Griffins want me to forget everything. Kaya rin siguro madali sa aking kalimutan ang lahat at bumalik sa normal kong buhay.
But now… They were haunting me. They want me get accountability of what happened. Hindi lang dahil sa pamomolestiya ni Tito William at ng mga kasama nito. Pati na rin sa ginawang pag suic*de ng isa sa mga estudyanteng ‘yon.
Nagdadalawang isip ako kung ike-kwento ko ba kina Yaya Luz at Cheche ang mga nangyari. Pero alam kong mas makakatulong sa akin kung ilalabas ko itong nararamdaman ko. I can’t just keep everything to myself and endure the misery alone. Kaya, I ended up telling them about it.
“Diyos ko! Hindi ako makapaniwalang dumaan ka sa ganoong klaseng pangyayari. Napakawalanghiya ng William na ‘yon! Wala siyang puso! Nandito pa lamang siya sa lupa pero sinusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno! Kawawa pati ang mga estudyanteng kasama mo, Adaline!” galit na utas ni Yaya Luz. Halos maiyak-iyak siya habang nagsasalita. Samantalang si Cheche ay talagang hindi na matigil-tigil sa pag iyak.
“Yaya, they want me to shut my mouth and forget about it. But their victims… Ako ang binabalikan nila. Gusto nilang may managot. Gusto nila ng hustisya.” Umiling ako. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko.”
“Hayaan mo, anak at tutulungan ka namin. Sa ngayon ay kailangan mo munang maghanda at susunduin mo pa si Felix sa airport.” Marahas na bumuntonghininga si Yaya Luz. “Ang hirap paniwalaang gusto ka pa ring ipakasal ng mommy at daddy mo sa pamilyang ‘yon sa kabila ng mga nangyari.”
Akala ko ako lang. Akala ko ako lang ang hindi makapaniwala sa naging desisyon nina mommy at daddy. Pero maging si Yaya Luz… Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag. Feeling ko nakahanap ako ng kakampi. Pakiramdam ko ay hindi na ako mag isa.
Kahit na nanginginig pa at nanghihina. Kahit pa gusto ko nang magpahinga ay pinili ko pa ring mag ayos at sumama kay mommy papuntang airpot para sunduin si Felix. Wala din naman kasi akong magagawa kung ‘di sundin kung anong gusto nilang ipagawa sa akin. Hindi rin naman ako nagrereklamo kasi naiintindihan ko naman at sanay na ako.
Hindi ko magawang ngumiti ng malaki kay Felix kahit pa sobrang laki ng ngiti niya sa akin bago niya ako yakapin ng sobrang higpit. Naalala ko kasi sa mga ngiti niyang ‘yon ang mga binitawan niyang salita no’ng araw na sinagip nila ako mula sa kamay ng tiyuhin niyang si William Griffin.
“You look pale. Are you okay?”
Tumango ako. Magkasalikop ang mga kamay ko habang naglalakad kami palabas ng campus. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nanginginig pa rin ako mula sa matinding takot.
“So, what did you learn?”
Napatingin ako kay Felix nang itanong niya sa akin ‘yon. He is smiling. He looks excited. What is he excited for? Hindi niya ba alam kung anong mga nangyari? I was almost rap*d by his uncle!
“What do you mean?” I calmly asked even though I badly want to burst out my anger.
He laughed. “Tito Will wanted you to see those things for you to learn. So, you can have more knowledge about s*x. Para by the time na kasal na tayo ay hindi na kita kailangan tulungan o turuan sa kung anong dapat mong gawin. You know, I want someone who’s good in bed. Who is w***e in bed. So, tell me… Did you learn something?”