I was very pre-occupied reviewing for my exams tomorrow na hindi ko na namalayan na hating gabi na pala. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa baba ng kama at bahagyang nag-unat at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Pababa na ko ng hagdan ng makita kong nakasindi pa ang ilaw sa kwarto ni Kuya. I checked the time at napakunot ang noo ng makitang 12:30 pm na.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at handa na sanang singhalan silang dalawa, ngunit napangiti ako at napa-iling na lamang imbes na mainis.
My brother was asleep in his swivel chair, nababalot ng kumot at may unan na sa likod bahagya pa ngang nahilik. When I searched the room for Kuya Achi, I saw him lying face down on the floor. Nakasubsob pa ang mukha sa nakabukas na codal at may hawak pang highlighter. Nakatulog siguro habang nag-aaral.
Lumapit ako sa kapatid at inayos ang pagkakalagay niya ng kumot, natawa pa ko ng nag-recite siya ng isang article habang inaayos ko ang pagkakalagay ng unan sa kanyang likuran.
Kumuha ako ng extrang kumot at unan sa kama, dahan dahan kong binuhat ang ulo ni Kuya Achi upang kunin ang libro at palitan ito ng unan. Kinuha ko rin muna ang highlighter na hawak niya at tinabi ang mga ito.
Inaayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa kanya ng marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko.
"Hmm?" mahina kong sagot sa kanya at tinabing ang buhok na humaharang sa mukha niya.
"Febe...jsjdisdjdi" napahagikhik ako ng wala nakong maintindihan sa pinagsasabi niya.
"Sweet dreams, Kuya Achi." Bulong ko sa kanya bago pinatay ang ilaw at lumabas na ng kwarto.
"Are you always like that?" Napa-angat ako ng tingin kay Kieth dahil sa tanong niya. We are in a coffee shop near the campus waiting for other group mates para sa isang PT namin.
"Like what?" nag-tataka kong tanong.
"Aloof?" parang wala lang na tanong niya bago sumimsim sa Caramel Macchiato niya.
"Just to people I don't know." Or not interested to know.
"People in general or just men?" Patuloy niyang tanong.
"Know what? Hindi bagay sayo yung kurso mo. You should be a reporter, ang chismoso mo." pangbabara ko sa kanya na tinawanan niya lang. Pinatong niya ang inumin sa lamesa bago bahagyang tinukod ang mga siko sa lamesa at yumuko upang tingnan ako diretso sa mata dahil abala ako sa pagbabasa ng report namin.
"You're really interesting." namamangha niyang saad. Napabuga ako ng hangin bago tuluyang ibaba ang module na hawak.
"And you're not. So can you stop hitting on me and just hit on your freaking module already para pagdating ng iba mabrief na agad sila? Leader ka remember?" Mataray kong saad sa kanya bago binalik ang atensyon sa binabasa. I felt him stare at me for awhile before he started reading the modules.
Maya-maya lang ay isa-isa naring nagdatingan ang iba pa naming group mates hanggang sa makumpleto kami at nag-umpisa na si Kieth sa division of works.
Kieth Mendez is good leader, a great one actually. Pero nasasagad niya talaga ang pasensya ko everytime na sumesegway siya ng banat sakin kahit sa harap ng groupmates namin. Tuloy ay hindi maiwasan ang kantyawan at asaran na isinasawalang bahala ko na lang.
After three tormenting hours of brainstorming and researching, our meeting finally ended. Nagpaalamanan na at sabay sabay na rin kaming lumabas. I was replying to Kuya Achi's texts ng mabunggo ako sa pader--- na dibdib pala. Nag-angat ako ng tingin sa nakangiting mukha ni Kieth na siyang nakabunggo ko--- na siguradong sinadya niya.
"Need a ride home?" tanong niya sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa cellphone ng maramdaman ang pagvibrate nito, I pressed the answer button at ilalagay ko na sana sa may tenga upang makausap si Kuya Achi na siyang tumatawag ng bigla itong hablutin ni Kieth.
"What the hell! Kieth ibalik mo yan!" Naiirita kong singhal sa kanya.
"Nope, not until you agree na ligawan kita." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi niya.
"What are you talking about?" gulantang kong tanong sa kanya habang pilit paring inaabot ang cellphone ko na patuloy niyang nilalayo sakin.
"Liligawan nga kita." Nakangiti siya habang inuulit ang sinasabi.
"I don't want to."
"Then hindi mo makukuha 'to." Mas inilayo niya pa ang cellphone ko. Tumingin ako sa paligid at wala na ang iba pa naming mga kasamahan.
Sa sobrang frustration ko sa kanya, I did what he expects the least. I grabbed his hair.
Yes! I grabbed the hair of Timothy Kieth Mendez!
"Ahhhh! Let go! Hey! It hurts! Febe!" sigaw niya habang pilit na lumalayo sakin.
"Give me my phone!" sigaw ko rin pabalik.
"No!" matigas niyang saad.
"Then, prepare to be bald you asshole!" mas diniinan ko pa ang pagkakahugot ko sa buhok niya na mas ikinalakas ng sigaw niya.
"Stop! Febe! You're so violent! Hey! Let go!"
"My phone!"
"Pumayag ka kasi muna!"
"Shut the hell up and give me back my phone!"
"No, makalbo na kung makalbo. Hindi ko 'to ibabalik hangga't hindi ka pumapayag."
"You're crazy!" naiiritang kong saad sa kanya.
"Yeah, crazy for you! Ayieee! Aw! Aw! Ouch! Febe!" Banat niya na nauwi sa mga ngiwi at reklamo ng mas hilahin ko pa ang buhok niya habang inaabot ang cellphone ko na hawak niya.
"Isa! Mendez! Naiirita na 'ko sayo!"
"Awww! Mas nafafall na ko sayo Gonzale--- aray! Napakabrutal mo naman mag-mahal Febe!"
"My phone. Kieth. Wag mo kong antaying magalit."
"Oo kasi muna." nakanguso niyang saad.
"Ayaw ko nga kasi."
"Bakit? May boyfriend ka na ba?"
"Wa—"
"She have." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Kuya Achi.
"My boyfriend kana?" namimilog ang mga matang nakatingin si Kieth sakin habang nagtatanong, humihingi ng kumpirmasyon sa narinig.
"Sino?" napipi ako sa susunod na tanong niya at nakatingin lang ako ng diretso kay Kuya Achi na nababalot ng maitim na aura. Sinundan ko ang tinititigan niya at agad na binitawan ang buhok ni Kieth. Narinig ko ang pag-daing niya pero wala na doon ang atensyon ko.
"Hey! Febe!" nabalik lang ang tingin ko kay Kieth ng sapilitan niya akong hinarap sa kanya.
"Who's your boyfriend? Bakit wala naman akong nakikitang umaaligid sayo?"nakakunot ang noong tanong ni Kieth sakin. Sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya.
"I do---"
"I am the boyfriend. Her boyfriend." natulos ako sa pwesto at naramdaman ko ring natigilan si Kieth ng marinig si Kuya Achi. Lumapit siya samin at tinapi ang mga kamay ni Kieth na parehong nakahawak sa mga balikat ko, bahagya pa itong pinagpagan na para bang nadumihan ito sa mga hawak ni Kieth.
"So leave her alone." Kuya Achi's voice is full of warning, nagsukatan sila ng tingin ni Kieth. Kinalma ko ang sarili at agad na hinablot ang cellphone ko sa kamay ni Kieth bago hinila si Kuya Achi pabalik sa sasakyan. Baka mag-kagulo pa kung mananatili kami doon.