Article 1 - Section 5

1505 Words
Tahimik lang ako habang bumabyahe, I lost count how many times he tsked and sighed already. Alam ko namang galit siya, I know how he and Kuya Forbes hates men around me. Pero gulantang parin ako sa mga sinabi niya kanina kaya naman hindi ko siya magawang pakalmahin. I'm already having trouble calming myself at the moment! "Since when?"napatingin ako sa kanya ng bigla niyang basagin ang katahimikan. "When what?" nag-tataka kong tanong. "Kelan pa umaaligid ang lalaking yun sayo?" iritang irita ang boses at mukha niya habang nagtatanong. I was busy being amused as to how he still look dashing even though he's mad na hindi ko nasagot ang tanong niya. Nabalik lang ako sa wisyo ng maramdamang iginilid niya ang sasakyan. Tinanggal niya ang seat belt niya bago niluwagan ang necktie niya na para bang kanina pa siya sinasakal noon. "Febe!" napapikit ako ng isigaw niya ang pangalan ko sa sobrang irita sa pananahimik. "You're scaring me!" nakapikit kong sigaw sa kanya dahil sa naramdamanang takot sa biglaang pagtaas ng boses niya. I can hear him panting, gaano ba siya kagalit na hinihingal na siya? What's wrong with guys asking me out? Isn't that normal? Si Kuya Forbes nagagalit pero hindi naman ganito yung nagiging reaction niya. "I'm sorry." pabulong niyang paghingi ng paumanhin matapos ng ilang segundong pananahimik. Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa mga kamay ko. "Hey, baby. I'm sorry for scaring you." Mahinahon niyang saad bago hinawakan ang dalawa kong pisngi at hinarap sa kanya. Pilit kong iniwas ang mga mata kong nanunubig na. "Hey, look at me. Please?" malambing niyang saad, dahan dahan kong binaling ang paningin sa kanya. He sighed before he moved to hugged me since my seatbelt was still on me. "I'm sorry. Stop crying. Hindi na 'ko ulit sisigaw. Sorry na." It took a few more minutes before I was able to stop crying, may iilang hikbi parin ang umaalpas pero kalmado na ang isip at damdamin ko. Kuya Achi was staring at me all this time and wiping my tears as soon as it fell from my eyes. Para bang ayaw na ayaw niyang makitang may luha na nagmumula doon. "Stop crying. You know I hate seeing your tears." nawala na ang galit at irita sa mukha niya at napalitan na iyon ng pag-aalala. "You're the one who made me cry!" Sisi ko sa kanya, sabay hampas sa kanyang braso. "It seems that you're fine now. My violent Febe is back." Pang-aasar niya sabay punas ng huling luha sa gilid ng aking mga mata. Hindi na namin ulit inungkat yung nangyari, diretso niya nalang akong hinatid sa bahay at agad na nag paalam. I am the boyfriend. Her boyfriend. Boyfriend. "Earth to Febe! Ano bang nangyari dito? Bakit sabog?" "Ewan kanina pa yan eh. Parang zombie." "Boyfriend?!" Pia snapped her fingers in front of my face na ikinagulat ko kaya naisigaw ko ang kagabi pang gumugulo sa isip ko. I wasn't able to get enough sleep last night kakaisip sa sinabi ni Kuya Achi. Hindi ko maiwasang isipin yun kahit na alam kong sinabi lang naman niya yun para tigilan ako ni Kieth. But I think I'm in deep s**t, a really deep one! "Ayieee!!! Kaya pala tulaley, may boylet na! Share naman dyan!" panunukso ni Tiffany habang sinusundot sundot ang tagiliran ko. "Sinong boyfriend mo Feb? Si Kieth?" Nakangising tanong ni Gail. "Anong boyfriend pinagsasabi niyo dyan? I don't have one." Parang wala lang na saad ko sabay inom ng tubig sa baunan ko. "Anong wala? Kanina ka pa lutang tapos bigla bigla kang sisigaw ng boyfriend! Kung wala kang boyfriend maybe you are already desperate to have one!" natutuwang pahayag ni Tiffany na inirapan ko lang. "Okay ka lang Feb?" mahinang tanong ni Pia habang patuloy sa pang-aasar ang dalawa pa naming kaibigan, nginitian ko lang siya at bahagyang tumango. Tiffany, Gail, Pia and I were classmates since highschool. Iba-ibang kurso nga lang kinuha naming pero sinisigurado naman naming nagkikita parin kami araw araw. Tiffany and Gail are the loud ones while Pia was more on an observer, and I was closer to her maybe because I enjoy the comfortable silence she offers. Madalas kasi ay libro ang kaharap nito, hindi tulad ni Tiffany at Gail na parang hindi nauubusan ng topic. "Kidding aside, ano bang nangyari sayo?" tanong ni Tiffany ng magsawa na sa pang-aasar. Umiling lang ako sa kanya at iniba na ang topic na pinag-uusapan. "Febe" napalingon ako sa likod ng marinig ko ang pangalan ko. I saw Kieth approaching me with a bunch of flowers in his hands, hindi naman nakaligtas yun kay Tiffany at Gail at agad akong tinukso. "Ito na ba Feb?" panunukso ni Gail sabay nguso sa bulaklak na iniaabot ni Kieth. Ayaw ko namang mapahiya ang lalaki kaya tinanggap ko iyon at mahinang nagpasalamat. Ngumiti Kieth ng tanggapin ko ang binigay at tumabi na upo sakin sa damuhan. Kasalukuyan kaming nasa big field ng school at nagpapalipas ng lunch break. "Naglunch kana?" nakangiti niyang tanong sakin. "I did." tipid kong sagot at sumulyap sa orasan ko. "Kayo na Kieth?" malisosyong tanong ni Tiffany kay Kieth. Sumulyap muna sakin ang lalaki bago parang nahihiyang sumagot. "Ayaw ngang magpaligaw eh." inirapan ko lang siya ng muli siyang sumulyap sakin. "Mahina ka pala eh!" pang-gagatong pa ni Gail na tinawanan lang ng loko. Isang sulyap pa sa orasan ko ay tumayo nako at sumulyap sa mga kaibigan ko. "I'll get going na girls. Malayo pa building ng next sub ko." paalam ko sa kanila, nagreklamo pa sina Tiffany at Gail but I saw Pia stood up as well. "Alis na rin ako. Sabay na lang ako kay Febe." paalam niya rin. Kieth stood up as well, tumingin siya kay Pia at nangunot ang noo niya. "Isla Araullo? Classmates tayo diba?" napatigil kaming tatlo ng marinig si Kieth na binanggit ang first name ni Pia. Agad namang nag bago ang ekspresyon sa mukha ng kaibigan ko, she stared at him for a moment before walking away. "What? Anong ginawa ko?"nagtatakang tanong ni Kieth sakin ng tingnan ko siya ng masama bago sinundan si Pia. Tahimik ako habang naghahapunan. Kuya Forbes and Kuya Achi's classmates are here too, rinig ko ay maghahanda raw para sa isang debate competition. They were 6 in total, four boys and two girls. Kailan man ay hindi naging problema sakin ang mga classmates nila, mapababae man o lalaki, kaya naman hindi ko maintindihan ang ngitngit ng loob ko kay Ate RC. She was close to Kuya Achi, they were acting all lovey-dovey mula pa kanina, pero kaibigan lang ang pakilala ni Kuya Achi sa kanya. May kaibigan bang grabe kung maserve ng food sayo? Bahay mo 'te? Host ka? Grabeng pagpipigil ang ginawa ko upang hindi mapa-irap ng lagyan ni Ate RC ng desserts ang pinggan ni Kuya Achi. "Ahem! Pasintabi naman sa mga single dito." patutsada ni Kuya JD ng makita ang ginawa ng dalaga. "Friends pa ba yan? Naku, future lawyers kayo hindi artista, wag kayong pashowbiz!" gatol pa ni Kuya EJ. "Tumigil na nga kayo!" suway naman ni Ate RC na tinawanan lang nila. Bigla akong nawalan ng gana kaya naman, pasimple akong tumayo habang nagkakatuwaan pa sila. Paakyat palang ako sa hagdanan ng may pumigil sa mga kamay ko. "You're not done eating yet. Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Achi, nakakunot ang kanyang noo. "I'm already full. Magpapahinga na po." sagot ko ng hindi siya tinitingnan. I tried to free my wrist from his hold but instead na bitawan ay mas humigpit lang ang hawak niya dito. "What's wrong?" puno ng pag-aalala niyang tanong. "Nothing." "Febe." he called my name with a warning voice. Tumingala ako sa pagkakayuko at hinarap siya. "Nothing's wrong Kuya. Pagod lang ako." "Something's wrong with you. I can tell." nakatiim bagang niyang saad, pagkatapos ng ilang segundong pakikipagtitigan sakin. Napipikon akong napangisi sa sinabi niya. "Really? You can tell?" pabalya kong binawi ang kamay sa kanya, instead of heading to my room ay dumiretso ako sa garden. I need air. I can't breathe. Nagsisikap pa kong kalmahin ang pag-hinga ng maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. "Bakit ka sumunod? Bumalik ka na dun, baka hinahanap ka na ni Ate RC." hinawakan niya ako sa braso bago pilit na pinaharap sa kanya. "Ano ba talagang problema mo?" naiirita niyang tanong sakin. "Kuya—" "Stop calling me Kuya! I'm not your brother!" nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagsabog niya. Out of instinct ay napatingin ako sa looban ng bahay at baka narinig ng iba ang komosyong nangyayari, nakahinga ako ng maluwag ng makalipas ang ilang sandali ay wala pa namang lumalabas. Tahimik kami ng ilang sandal, nag tatagisan ng matatalim ng tingin. "I'll never be your brother, Febe. Hindi. Ako. Papayag." saad niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, bago tumalikod at naglakad pabalik ng sa loob ng bahay. Agad akong hiningal ng hindi ko na siya matanaw, hindi ko namalayang hindi pala ako humihinga pagkatapos kong marinig ang huling sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko, my heart is beating wildly, pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog niyon. Bumalik sakin ang pagtatalo namin tungkol kay Kieth at ang mga pamamaraan niya upang pakalmahin at pagaanin ang loob ko. These things were supposed to be harmless before. Hinihingal kong binalik ang tingin sa direksyon kong saan siya pumasok kanina. This is bad. Really bad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD