"Ano bang gagawin natin sa kanila?" parang napapagod na tanong ni Hanna habang nakatingin sa mga asawa nilang puro naka boxer na lang habang parang mga tangang nag e-erobics sa labas ng bahay nila at pawang mga lasing na. Kapag nasa tinong mga pag-iisip ang mga ito akala mo kung sinong mga seryoso sa buhay akala mo mga matitinong sanggano. Nakakahiya lang pag may nakita na ganito ang 5 lalaki kapag nasa bahay at nag sama-sama, mahihiya ang mga sira-ulong sabog na naka drooga kapag nalasing na. Pag hindi nag e-englishan puro kahalayan ang mga pinag-uusapan mga nag papagalingan sa performance sa kama kaya naman lahat silang mga girls always na naka bantay dahil baka bigla may marinig silang pangalan ng babae na biglang lalabas sa bibig ng mga ito pero infairness sa mga asawa nila walang ib

