"Oopsss sorry!" usal ni Tracey ng may makabanggaan na babae sa labas ng airport na mukhang nag mamadali. "Miss teka lang." dinampot n'ya ang susing nalaglag ng babae na binalikan naman nito agad at kinuha sa kanya bago ito nag mamadaling umalis na ulit pero napasunod si Tracey dito ng tingin dahil sa isang keychain na kasama sa susi nito. Sure s'ya na kanya ang keychain na yun at imposible na may katulad ang bagay na yun pero bakit nagkaroon ng ganun ang babaeng yun. Sila lang ni Jeremiah ang meron nun at binigay n'ya iyon kay Maya bago s'ya umalis noon. Habang sakay ng service ng Lagdameo Empire para sa mga emplayado na agad ng tinawagan ni Tracey si Winter para makibalita ng tungkol kay Maya. 1-week lang ang business trip n'ya sa Pilipinas at nabalitaan nga n'ya kay Winter na muntik n

