Vanessa Wolfe "Alam mo ba kung ano ang parusa ng section A-V1?" "Vladyx Activities next month! Grabe, 'no. Kapag nasa high class ka talaga, napaka-thrilling ng parusa. Kainggit!" "Eh tayo, pinalinis ng buong campus. Kaasar!" Puro tungkol sa Vladyx Activities ang pinaguusapan ng mga estudyante sa corridor. Kahit saan, kahit sa banyo, library, sa parking area, and even the peace park ay wala ng peace dahil ang iingay ng mga nando'n. May mga positive comments, may negative comments at ang iba naman ay mga demands. Kesyo mas nakakapagod raw ang parusa nila. Kesyo mas thrilling raw ang punishment sa amin. Dapat raw patas ang lahat. Pero dahil raw sa high class kami, iba ang parusa sa amin. Heto ako, nakaupo sa bench habang hinihintay na matapos ang break time. Iniisip ko din kung ano an

