Chapter 6

3346 Words
Dirk Luthor "Dirk, how's your cousin?" tanong ni ate Denny habang kumakain kami sa hapag. Hindi ko sana siya papansinin dahil nga galit ako sa kaniya. Galit ako sa kaniya dahil hindi ako nakapunta sa birthday ni Janet na kapatid ng kaibigan kong si Jael. Sigurado akong nagsasaya na 'yung mga estudyante doon. Paano ba kasi, ang kapatid ko ang naiwan. Hindi ako nakapagpaalam kay mommy dahil umalis silang dalawa ni daddy. Edi heto ako, nakakulong sa mga kamay ni ate Denny. "Ayos lang po," tanging sagot ko at patuloy lang sa paghihiwa ng mga karne na kumikislap dahil sa dugong lumalabas mula dito. Siya nga pala ang ate ko. Napakastrikto 'pag dating sa 'kin. Kapag gusto kong sumama sa mga lakad ng mga kaibigan ko, hindi niya ako papayagan. Sasabihin niya lang sa kanila na kailangan kong magaral para sa kinabukasan ko. Huwag raw puro lakad ang inaatupag. "Tell me what he's been doing in Vlad High." Galit pa rin siya sa sarili niyang ina, ate Denny. Nagrerebelde pa rin. May tinatarget na naman na ibully at 'yon ay si Vanessa Wolfe. Gusto niyang mapatalsik si Vanessa sa Vlad High dahil nga may naalala siya na ayaw niya sanang maalala pa. Pero sa kasamaang palad, bigla-bigla nalang sumulpot si Vanessa sa harap niya. Bumalik na naman siya sa pagiging bully. Sinabi pa niya sa 'kin na hindi magtatagal ng isang linggo si Vanessa. Pero kabaliktaran ang nangyari. Sabi pa niya sa 'kin, sa susunod na buwan raw ay papahirapan niya si Vanessa. Hindi ko alam kung anong plano niya kaya as much as possible, pipigilan ko siya. Vanessa is an innocent woman. Hindi niya alam kung bakit nagiinit ang dugo sa kaniya si Kraig. "He's--" biglang naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko ang bulsa ko at tiningnan ang screen nito. Kraig Luthor calling.. Oh. Speaking of my favorite cousin, Kraig. Tiningnan ko muna si ate bago sinagot ang tawag. Pero bago pa man ako magsalita, hindi ko inaasahan na boses babae ang sasagot. [Dirk! Pumunta ka rito sa ospital ngayon, pakiusap] Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya napatayo ako at napatingin sa 'kin si ate Denny. "Papunta na ako diyan," sagot ko sa tawag. Nag-sorry ako kay ate na hindi ko mauubos ang pagkain. Sinabi ko din sa kaniya na kailangan kong pumunta sa ospital ngayon kaya nataranta din siya at nagprisinta na sasama siya sa 'kin. Sinabi ko nalang na h'wag na at babalitaan ko nalang siya. Nagmamadali akong lumabas ng bahay habang may tinitipa sa screen ng cellphone ko. I tracked Kraig's phone kung saang ospital ang kailangan kong puntahan. Malapit lang 'to sa bahay ng mga Sangria kaya hindi nagtagal, mabilis akong nakapunta doon. Parang isang hakbang lang ay nasa tapat ko na ang malaking building ng ospital. Vlad Hospital. Pumasok ako at pumunta ng third floor na tinext ng number ni Kraig. Sinabi din niya na nasa room 302. Huminto naman ako sa numero ng kwarto at kumatok. Hindi ko na hinintay na sumagot ang nasa loob at tuluyang pumasok. Amoy ospital agad ang bumungad sa akin. May mga machines pa na tumutunog. Nakita ko doon ang isang babae na nakaupo at parang tulala. Hawak-hawak niya ang cellphone ni Kraig. "Essa?" napatingin siya sa 'kin at agad na napatayo. Lumapit siya at binigay sa 'kin ang cellphone ni Kraig. "Salamat at pumunta ka. Ikaw na bahala magbantay kay Kraig," sabi niya. Basag-basag ang boses niya na halatang kagagaling lang sa pagiyak. Tatanungin ko sana siya kung anong nangyari pero huli na dahil lumabas na pala siya nang hindi ko namalayan. Bahala na. Mukhang pagod na pagod siya, 'e. Tsaka hindi ko alam kung saan siya pupunta. Lumapit ako sa hospital bed ni Kraig. Ang pinsan kong napaka siraulo. Ano na namang ginawa niyang kalokohan at naospital siya? Ayaw pa naman niya ang ospital. Marumi raw at mga sinungaling ang doctor at nurse. Naalala din niya ang kaibigan namin na nadisgrasiya noon. Si Alec. Si Alec ang pinaka close noon ni Kraig. Palagi silang magkakasama samantalang kaming tatlo ni Jael at Idris, palaging nganga. Tapos isang gabi, inaya ni Alec si Kraig na pumunta sa racing event. Kasali kasi si Alec noon kaya inaya niya si Kraig. At dahil hindi kami inaya, pumunta pa din kami. Nanood kami no'n habang si Kraig ay todo cheer kay Alec. That time, 'yon yung pinakahuli niyang ngiti. Pinakahuli niyang tawa. Si Alec kasi ang tinuring niyang kapatid. Si Alec ang nagpangiti at nagpatawa kay Kraig noong iniwan siya. Iniwan niya. Sa gitna ng racing, biglang nagkaaksidente. Nagkabanggaan ang mga racer at pati na doon si Alec. Noong dinala namin siya sa ospital, todo iyak si Kraig. Sabi niya hindi siya makakapayag na mawala si Alec. Sinabi naman ng doctor na gagawin nila ang lahat para mailigtas si Alec. They promised us na mabubuhay si Alec. Lumabas ang doctor no'n at sinabing dead on arrival na si Alec. Tapos no'n, sinuntok ng pagkalakas ni Kraig ang doctor. Sinigawan pa niya na mga sinungaling sila. Sinungaling ang doctor at ang ospital. Pero heto siya ngayon, nakahiga sa hospital bed. Sa kama na pinaka-ayaw niya. Sa lugar kung saan iniiwasan niya. Sa hospital kung saan dinala rin si Alec noong naaksidente siya. "Dirk.." Natauhan ako nang magsalita si Kraig. Dahan-dahan niyang ginalaw ang kamay niyang may kung anong nakatusok doon. "Fvck. Nasa ospital ba ako?!" Dali-dali naman akong tumayo at inalalayan siya na humiga ulit. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Sana pala nakatulog pa 'to. Malala na 'to ngayon. "Dude, just this time. Magpahinga ka muna. Nakausap ko kanina ang doktor at sinabing kailangan mo munang magpahinga," pinahiga ko siya pero todo pagpumiglas pa din siya. "You know how I hate hospitals, Dirk!" umupo siya sa kama at inis na tinanggal ang mga nakatusok at naka-clip sa kamay niya. Tumayo siya at hinubad ang suot niyang kulay puti. Napatalikod nalang ako dahil hubo't hubad na siya. Walanjo, Kraig. "Dirk, i-text mo si Jael na kailangan ko ng damit." Sinunod ko naman ang utos niya at wala pang limang minuto, dumating si Jael na may dala-dalang damit. Kumunot pa ang noo ko dahil andami niyang pasa. Hindi lang siya kundi pati si Idris. May black-eye pa siya at iilang mga gasgas. "Mga pre, ano ba talagang nangyari?" naguguluhang tanong ko. Sabay-sabay silang napatingin sa akin. * * * Vanessa Wolfe Pinahid ko muna ang luha sa pisngi ko at huminga ng malalim. Nasa tapat ako ng kwarto ni kuya Vann kung saan siya naka-admit. Hindi ko pa alam kung ano ang balita sa kaniya dahil nasa kwarto lang ako ni Kraig. Hindi ko rin naman alam kung sino ang ko-kontakin ko dahil hindi gaano karami ang contacts niya. Mabibilang mo lang siguro 'yon ng daliri mo. May pamilya ba 'yang si Kraig? Tsk. Kaya ayun, si Dirk nalang ang tinawagan ko. Wala kasing pangalang mommy o nanay man lang sa contacts niya. "Essa." Napahinto ako sa pag-abot ng doorknob at lumingon sa likod. Nakita ko doon si Jael na mukhang kagagaling lang sa kwarto ni Kraig. Hindi na niya kasama ngayon ang palagi niyang kasama na si Idris. The only man na--never mind. "Ano 'yon, Jael?" Hindi siya tumingin sa akin at nanatiling nakayuko. Para siyang nahihiya o natatakot sa akin. Ano naman ang ikahiya o ikatakot niya sa 'kin? I'm no a monster. Ordinary vampire din ako gaya niya. Pero 'yon lang, mas lamang siya sa 'kin. He's damn rich than me. "Pasensya na pala sa nangyari. Nadamay ka pa tuloy." Ngumiti ako kahit na hindi siya nakatingin sa akin. "It's fine, Jael. At least, na-experience ko na may V-War pala between Vlad and Kozani. I'm already part of Vlad High." Inangat niya ang tingin niya at kitang-kita ko ang mga mata niya na para siyang nalulungkot sa akin. "No, Essa. Baguhan ka pa lang kaya hindi mo dapat nakita ang mga nangyari kanina." Ayoko ng pag-usapan ang tungkol sa V-War na 'to kaya mas mabuti, ibahin ko na ang topic. Ngumiti ako sa kaniya at inaya siya na maupo sa mga upuan na nakahilera sa gilid. "Nasaan nga pala ang iba? Marami ang nasaktan kaya bakit wala sila dito sa ospital?" Natahimik siya saglit kaya nilingon ko siya. Narinig ko siya na ilang ulit na bumuntong hininga bago sumagot sa 'kin. "Nasa police station silang lahat. Hindi sila makakalabas doon kapag hindi pumunta si Principal Henrietta. Tsaka hinihintay din nila tayo kaya mas mabuti pa na puntahan mo na ang kuya mo bago ka sumama sa 'min." Tumango ako at tumayo, "Right. Mabilis lang ako do'n." Pumasok ako sa kwarto ni kuya na ilang layo mula sa kwarto ni Kraig. Nadatnan ko doon si papa na nakaupo sa may gilid at may kausap sa telepono. Nang makita niya ako, nagpaalam siya sa kausap niya at binaba ang tawag. Tumayo siya at humarap sa 'kin. Alam kong galit si papa. Kahit na hindi pa niya ako kausapin, alam kong galit siya. Sa mga mata pa lang niya at sa kilay niyang halos dumikit na, galit na galit na galit siya sa akin. Sa aming dalawa ni kuya Vann. "Pa," I called him. Sa tuwing nagagalit si papa, para akong nanliit at gustong magtago sa ilalim ng lamesa o kama. Nalulungkot ako sa tuwing ganiyan tumingin si papa sa akin. Seryoso pero may emosyon ang bawat titig niya. His cold presence. Si papa na masayahin at palaging sabay sa 'min ni kuya at Vinn, kapag magalit ay daig pa ang yelo sa lamig niyang pakikitungo. "I am very disappointed, Vanessa. Bakit mo hinayaan ang kuya mo na makisali sa V-War na 'yan?!" Yumuko nalang ako dahil ayokong makita ang malamig na titig ni papa. Kalmado man ang boses niya pero alam kong nasasaktan na siya. "Sorry, pa. Hindi na po mauulit. Hindi ko na po hahayaan na mapunta sa peligro si kuya." "Not just him but also you, Vanessa. Paano kapag natuluyan ang kuya mo? Paano kapag nadamay ka?!" Ginawa ko ang lahat para hindi umiyak pero kainis na luha, bigla bigla nalang tumulo. Agad ko naman itong pinunasan at inangat ang tingin kay papa. "Alam ko po na galit ka po sa amin pero papa, magpapaalam po muna ako. Kailangan po kasi namin na pumunta sa police station." "Siguraduhim mo lang na aayusin mo ang lahat ng 'to, Vanessa. Maguusap tayo sa bahay." Matamlay akong tumango at tinalikuran si papa. Inabot ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Nang tuluyan na akong nakalabas, nakita kong nakaupo si Dirk sa gilid kung saan may upuan. Dali-dali pa siyang tumayo at nginitian ako. "Nauna na sina Jael. Binilin ka niya sa 'kin kaya, tara na?" Nginitian ko nalang siya at sabay na kaming naglakad sa hallway ng ospital. Isa sa pinakasikat na ospital 'tong Vlad Hospital. Malaki ito at mataas ang building. Magagaling din ang mga doctor dito kaya tyak na gagaling na si kuya Vann within a week. Tahimik lang kaming dalawa ni Dirk habang naglalakad. Sinabi ko din sa kaniya na huwag ng mag-elevator dahil hindi ako sanay. Nahihilo at nasusuka ako kapag nage-elevator. Sa staircase kami dumaan. Hindi naman siya nagreklamo dahil sabi niya, ayos lang daw kahit na matagalan kami papunta ng police station. Kaya, habang naglalakad kami sa staircase at dahil medyo mataas pa ito, tinanong ko siya kung ano ang issue ng Vlad High at Kozani High. Kung bakit galit na galit ang taga-Kozani sa amin. "Vlad and Kozani are great friends before. Nagkalaban lang sila dahil sa mga leader ng eskwelahan." "Leader ng eskwelahan?" nagtatakang tanong ko. Tumango lang siya habang patuloy kami sa paglalakad. "Yep. Si Kraig Luthor and Kris Vosmus. Hindi mo ba alam na kaya naging sikat ang Vlad High at Kozani High ay dahil para itong eskwelahan ng mga gangsters?" Napahinto ako at hinarap si Dirk. Nakangisi pa siya na para bang aliw na aliw nang makita niya ang reaksyon ko. Hindi ko alam na may ganito pala. Vlad High isn't just a normal school of vampires. Isa din pala 'tong eskwelahan ng mga gangster. Wow. Or just a similar to a gangster school, rather. "Kraig and Kris were best friends and turned into great enemies," patuloy ni Dirk at naunang maglakad sa akin. Sumunod lang ako sa kaniya habang patuloy sa pakikinig sa kwento niya. "They fought because of only one girl. A lucky girl na pinagaagawan ng mga popular leader pero sinira ang chance na makapiling ang isa sa kanila," ngumiti pa siya na para bang may naalala bigla. "Alam mo ba na sa tuwing may V-War invitation na galing sa ibang paaralan ay nakikisama din ang mga taga-Kozani High? At dahil nga sa babae, nawala ang koneksyon ng dalawang eskwelahan. Boom." "And that girl you're talking about ay kamukha ko?" tanong ko. Para naman siyang nagulat dahil naramdaman kong napahinto siya saglit at muli na namang naglakad. "Yes. Kamukha mo at kaugali mo, Vanessa." Ako naman ngayon ang nagulat dahil sa sagot niya. Hindi lang pala kamukha ko kundi kaugali ko pa. Ano pa ang kaparehas namin ng babae na 'yon? Geez. "Kaya galit na galit si Kraig sa akin sa first day ko sa Vlad High dahil pakiramdam niya, muli siyang pinagtaksilan?" "Absolutely right. Nagsisisi nga si Kraig noon dahil bakit siya pa ang minahal niya. Andami kayang nagkagusto sa pinsan ko." Bigla kong naalala ang first day ko noon. Yung naglalakad-lakad ako sa gilid ng kakahuyan near soccer field. Yung tumalon siya galing sa mataas na puno at saktong nasa sa harapan ko siya naglanding. Nakakatakot siya tingnan noon. Kahit na first day ko pa lang, alam ko na galit na galit na siya sa 'kin and that was my first mystery in Vlad High. My first mystery in Vlad High na sa wakas ay nalusotan ko na. He hated me because I reminded him as that woman na minahal niya noon. I wonder kung kailan ko siya makilala at makita? For sure, I, myself, can compare ourselves. Kung saan kami magkapareha o kung may magkapareho ba talaga kami. "What's the name of that girl, Dirk?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng police station kaya hindi na niya nasagot ang tanong ko. Good thing ay hindi siya nakasali sa V-War kaya siya ang tatawag kay Principal Henrietta. Nagpaalam siya na sa labas lang siya dahil kakausapin niya si Principal Henrietta na siyang kakausapin din ng mga police. I'm sure, lagot kami sa Monday. Maybe, we will be having a punishment. "Hey," sinalubong ako ni Alvira at pinaupo sa bakanteng upuan. Katabi ko si Riah at nasa tabi naman niya si Irina. Umupo na sa tabi ko si Alvira na sa tingin ko kagagaling lang sa pagiyak. Sino ba naman ang hindi iiyak na ang isang schoolmate namin ay na-ospital? Hindi lang pala isa dahil kasama pala si Kraig. Kahit na pinagbabawalan pa siya na lumabas ng ospital, nagpupumilit pa rin siya na hindi manatili doon. He said he can handle his own body. Nagamot naman din ang mga sugat na natamo niya at wala namang nangyari sa spinal cord niya--which is a relief. Kaya ayun, sumama siya sa amin dito. Maraming nandito ngayon sa police station. Yung mga kasama sa V-War kanina, nandito. Even the enemies of Vlad High, ang Kozani High. Konti lang sila hindi kagaya ng Vlad High na halos lahat ng estudyante nandito. I mean, hindi lahat na estudyante ay nandito dahil marami din ang nakatakas. Hindi naman pwede na hindi ako sumipot dito dahil unang-una, kasama ako sa party. Saksi ako sa V-War na naganap kanina. And second, nandito ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila pababayaan kaya kailangan nandito din ako. Medyo naiilang lang ako sa pwesto ko dahil nasa tapat ko ang lider ng Kozani High, si Kris Vosmus. Titig na titig siya sa 'kin. His jaw clenched na para bang galit 'to sa 'kin. Great. And now dalawang leader na ang galit sa 'kin. Si Kraig at si Kris. Baka mamaya patayin nila ako. Gusto kong sabihin kay Kris na hindi ako yung babaeng nakilala nila noon. I'm a newbie here in Vlad City. Pero wala, eh. Wala pa din akong magawa knowing that that girl is really a lookalike to me. "Vlad High and Kozani High, what's happening to you?" tumayo ang lalake na may suot na uniporme. I think he's the chief police. "I don't know your history pero bakit kayo nagaaway-away? High School pa lang kayo pero nagkakaroon na kayo ng V-War. Daig niyo pa ang mga terrorist sa mundo ng mga humans." Walang umimik. 'Tila nagpipigil ang lahat na h'wag huminga. Na huwag tingnan ang pulis na kumakausap sa 'min. "Sir, nandito na po ang principal ng Vlad High. On the way na rin ang principal ng Kozani," may pumasok na lalake na medyo bata kaysa sa kaniya. Hindi na nagpaalam ang police na kumausap sa amin at lumabas. Naiwan kami dito na nakahinga ng maluwag. Totoo pala na hindi komportable na kaharap mo ang nilalang na may mataas na ranggo. At kung ano man ang mangyayari bukas, sigurado akong pinaghandaan na nilang lahat. Naming lahat. * * * Monday morning, ako lang mag-isa ang nagre-ready para pumasok. Kaming tatlo lang din ni mama at Vinn sa bahay dahil si papa ay nasa trabaho at si kuya Vann ay nasa ospital pa at nagpapagamot. Minsan ay si tita Veronica na kapatid ni mama ang nagbabantay ni kuya. Minsan naman si mama at kapag maaga akong makauwi mamaya, ako ang magbabantay kay kuya. Sinukbit ko ang bag ko at nagpaalam na kay mama. I didn't bother eating breakfast na nakahanda na sa hapag dahil nagmamadali ako. Five minutes nalang at magsisimula na ang klase. Na-busy kasi ako kagabi sa pagrereview dahil ngayon pala ang quiz namin. Nang makarating ako sa Vlad High, dali-dali akong naglakad papunta sa building ng Grade 9. Nang makarating ako, pumasok na ako sa A-V1 kung saan ang homeroom ko. Tahimik akong naglakad habang busy sa pakikipag-chikahan ang mga kaklase ko. Saktong pagkaupo ko ay pumasok ang adviser namin, si Mrs. Amelia, at padabog pa na sinarado ang pinto. Napaayos kami ng upo at biglang tumahimik ang lahat. This is it. Ngayon na siguro kami bibigyan ng parusa. I wonder kung anong parusa 'to? Ipapalinis ba sa 'min ang buong building? Mag-general cleaning kami sa whole campus? O baka naman minus plus points ang grade namin? "I can't believe this, class. Highest class kayo pero anong ginawa niyo? Nakisali sa V-War!" panimula ni Mrs. Amelia a halatang na-disappoint sa ginawa ng kaniyang mga estudyante. Sino ba ang hindi madisappoint na ang section 1 ng Vlad High ay masasangkot sa gulo? "All of you will be having a punishment," dagdag pa ni Mrs. Amelia. "A punishment that will be part of your activities in the whole year. Since kayo ang section A-V1, isang napakasimpleng punishment lang ang pinagawa sa inyo ng principal." "Ano po 'yon, ma'am?" "Paniguradong sisiw lang 'yan." "H'uwag ka pong pasuspense, ma'am. Dali na." Nagingay saglit ang paligid at nang itaas ni ma'am ang kamay niya, tumahimik ulit. "Section A-V1 will be having a Vladyx Activities next month." Kanya-kaniya silang reaction at ako, hindi ko alam kung ano 'yung Vladyx. Kung ano ang gagawin next month. Baguhan pa lang ako kaya hindi ako nagreact sa sinabi ni Mrs. Amelia. Nang lumabas na si ma'am dahil nagkaroon daw ng urgent meeting, masayang lumabas ang mga kaklase namin at inaya pa ako ni Alvira na pupunta ng cafeteria dahil tiyak raw na nandoon na sina Riah at Irina. Tumayo ako at sinukbit ang bag ko nang biglang may bumangga sa akin kaya nagkalat ang laman ng bag ko sa sahig. Pinulot ko 'yon at inangat ang tingin para sana bulyawan ang bumangga sa 'kin. "Ano na, ugly? Vladyx Activities na next month kaya ihanda mo ang sarili mo sa deal natin." Tinalikuran niya ako at nagsimulang naglakad paalis. Kasunod pa niya si Dirk, Jael at Idris na kanina pa pala humihingi ng sorry para sa kaibigan nila. Vladyx.. anong gagawin namin next month?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD