Vanessa Wolfe
Kasalukuyan kong inaayos ang buhok ko habang nakatanaw sa labas ng bintana mula dito sa kwarto ko.
Sinuklayan ko lang 'to at tinali into ponytail. Ang suot ko naman ay simpleng black blouse na may print na panda at maong jeans. Hindi ko sinuot 'yong binili para sa akin ni Alvira dahil hindi nga ako sanay sa mga above the knees. O yung mga dress. Kadiri.
"Vanessa, may lakad kami ng papa mo--" napatingin ako sa pintuan at nakitang bihis na bihis si mama. Naka-dress pa ang matandang maganda. "Saan ka pupunta? Pati kuya Vann mo bihis na bihis."
"Sa birthday party ng taga-Vlad High ma," tanging sagot ko at inayos na ang bag na gagamitin ko.
Ang tanging laman lang naman sa bag ko ay cellphone, wallet at perfume. May isang notebook din na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko niyan.
"Talaga?" napahinto ako at nilingon si mama sa may pintuan. Parang nagti-twinkle ang mga mata niya dahil sa sagot ko. Akala ko ba magagalit siya dahil aalis ako sa gitna ng gabi?
"May mga kaibigan ka na ba do'n at pupunta ka sa birthday party? Yii! Isang himala ata 'to!"
Napailing nalang ako at medyo kumurba ang dulo ng labi ko. Noon pa man, wala akong nabanggit kay mama at papa na may kaibigan ako--eh wala naman talaga akong kaibigan noon. Kaya niya siguro sinabing isang himala na pupunta ako sa birthday party ay dahil akala niya may kaibigan na ako.
Well, meron. Pero hindi ko pa alam kung ano ang relationship namin ng tatlong weirdo colored girls na 'yon.
Tsaka, never in my whole life akong pumupunta sa mga party. Bahay, mall at school lang ako palagi. Kahit inimbita ako, hindi rin ako pumupunta. Kaya, isang himala ito para sa buhay ko at kay mama at papa.
Nakakatuwang tingnan na ang saya-saya ni mama ngayon. Kaya nga napangiti ako nang makitang masaya siya.
"Ay, teka. Kung si kuya mo aalis tapos ikaw din aalis, sino ang magbabantay kay Vinn?" napahinto ako at muling nilingon si mama. Umayos ako ng tayo tsaka siya nginitian.
"Ma, dalhin niyo nalang si Vinn. Hindi naman pwede na dalhin ko siya doon. Alam mo naman ang mga utak ng mga high schoolers, baka mamaya maimpluwensyahan pa si Vinn."
Tumango-tango naman si mama, "Tama. Sige, bibihisan ko muna si Vinn. Tsaka umalis ka na at baka hindi mo na maabutan si kuya mo."
Humalik muna siya sa pisngi ko at nagpaalam. Sinukbit ko ang bag at naglakad palabas ng kwarto. Hindi pa man ako nakababa ng hagdan, nakita ko si kuya na bihis na bihis na.
NakaT-shirt siya, maong jeans at ayos na ayos talaga.
Tinawag ko siya kaya napalingon siya sa akin at tinaasan ng kilay. Aba, feeling din nitong baklang 'to, ah.
"Sabay nalang tayo," tanging sabi ko at naunang naglakad sa kaniya palabas ng bahay.
* * *
Nang makarating kami sa subdivision na katabi lang sa amin, humiwalay na sa akin si kuya dahil nakita na niya ang mga kasama niya. Samantalang ako, patuloy nalang sa paglalakad.
Madilim na ang paligid at dinig na dinig ko ang mga kaluskos ng mga insekto mula sa gilid kung saan may bakanteng lote. Being a vampire, talagang nakakarinig kami ng mga ingay mula sa malayo kahit na napakahina sa pandinig ng mga tao.
Dinig na dinig ang malulutong na patay na dahon na naaapakan o nadadaanan ng mga insekto.
Mula sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ko ang malaking bahay na parang may disco sa loob. Andami ding mga bampira na nakikita ko at parang sumasayaw. Kahit saan. Kahit sa balkonahe o sa garahe. Pati sa tapat ng gate.
"Hi, Vanessa!" napalingon ako sa likod ko at nakita sina Riah, Irina at Alvira na naka-dress. "Bakit hindi mo suot ang damit na binili ko sa 'yo?"
I gulped.
Ang sama ng tingin sa 'kin ni Alvira. Parang kakainin niya ako ng buhay--leshe. Ba't ako matatakot sa kaniya? Damit lang naman 'yon at napagdesisyon na ako na hindi 'yon suotin. Urgh.
"I told you, I hate wearing dresses. Don't worry, ibabalik ko 'yon sa 'yo," ngumiti ako ng peke para ipakita talaga na hindi ako interesado sa damit na 'yon.
Maganda naman ang damit na 'yon pero hindi ko talaga bet na magsuot ng dress. Nasusuka ako sa tuwing iniimagine ang sarili ko na suot ang damit na 'yon.
"Birthday party 'to, Essa. No need to be manang," umikot pa ang mata niya. Tumawa naman ako ng mahina at pinag-krus ang braso sa dibdib ko.
"Sige. Let's just say, isa 'tong birthday party. Hindi club para magpa-sexy, kaya, ba't ko suotin ang off shoulder dress na 'yon?"
Bago pa man kami magkasagutan ni Alvira, inakbayan kaming dalawa ni Irina at Riah tsaka naglakad papasok sa bahay ng Sangria.
"Huwag nga kayong mag-away. Simpleng damit lang pinagaawayan niyo," sabi ni Riah kaya natawa naman ako ng mahina.
Hindi ko naman talaga intensyon na awayin siya, 'no. Dapat nga magpasalamat ako dahil binilhan niya ako ng damit kahit hindi ko susuotin.
Nang makapasok na kami, sumalubong sa amin ang napakaingay na tunog ng musika. Pati mga hiyawan at tawanan ng mga nandito. Tumatalon pa sila at kumakanta kasabay sa malakas na tugtog ng musika.
Seriously speaking; club ba 'to o birthday party?
"Birthday party ito ng isang high schooler at hindi elementary, Vanessa."
Napatingin ako sa gilid ko at naaninag ang pamilyar na mukha ng lalake--si Keir. Napalingon-lingon naman ako sa paligid ko at napansin na wala na pala ang tatlong weirdo na 'yon at iniwan ako dito sa may entrance gate.
Mga walangya. Nasaan na sila ngayon?
"Nakita mo ba sina Alvira?" tanong ko nalang kay Keir. Nagkibit balikat lang siya at may ininom sa isang kulay pulang cup.
"Gusto mo?" pagaalok niya. Mabilis naman akong umiling. Baka mamaya alak pala 'yan. "Hindi 'to alak, Vanessa. Fresh juice 'to."
Ngumiti nalang ako at niyakap ang sarili ko. Sa dami ng mga nagsasayawan sa paligid, para akong nahihilo. What more pa kaya sa loob?
"Kukuha lang ako ng drink para sa 'yo," muling nagsalita si Keir at bago pa man ako makaangal, nawala na siya sa tabi ko.
Bumuntong hininga nalang ako at sumandal sa gate na kanina 'e sinandalan din ni Keir.
Iniisa-isa ko ang nasa paligid. Karamihan ang nandito ay mga lalake. Iilan lang ang mga babae na sumasayaw na may hawak pa na red cup na sa kadalasan ko nakikita sa mga movies na nagpaparty.
"Hey Vanessa! 'Buti nakapunta ka," biglang sumulpot sa gilid ko si Jael kasama ang isang lalake na si--Idris? Tama. Si Idris.
Kilalang-kilala ko na 'yan dahil siya pa lang ang unang kumindat sa tanang buhay ko. Nakakadiri pala kapag kinindatan ka, brr..
"Yep. Pakisabi pala sa kapatid mo na happy birthday. Tsaka pasensya na din dahil wala akong dalang regalo," nakangiti kong sabi. Pansin ko naman na parang lasing na sumasayaw ang kasama niyang si Idris. Hindi pala parang, lasing talaga.
"Ayos lang naman. Your presence is enough. Tsaka, pagpasensyahan mo na din 'tong si Idris. Medyo nakainom, eh," nahihiya niyang tinuro ang kaibigan niya na sige sa pagsasayaw habang nakataas pa ang mga kamay sa ere. "Sige, iiwan muna kita. Ipapasok ko lang 'tong kumag na 'to."
Tumawa naman ako at tumango.
Ako na naman mag-isa ang naiwan dahil hindi pa dumating si Keir. Sana pala, hindi nalang ako pumunta. Overcrowded na pala dito. Hindi naman ako magtaka pa dahil imbitado naman lahat ng taga-Vlad High kaya malamang madaming tao ang pupunta.
Napagdesisyunan ko na maglibot-libot muna. Babalikan ko nalang siguro si Keir doon.
Habang naglibot-libot ako, palagi naman akong nababangga sa mga nagsasayawan. Palagi rin akong natadyakan at minsan naman, may biglang humawak sa pwetan ko. Nakakadiri sila. Ganito na ba ang isang birthday party? O party lang 'to?
"Hi! Sayaw tayo?" pagaalok ng isang lalake na sa tingin ko 'e lasing na. Mabilis akong umiling at nilagpasan siya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating ako sa isang garden. Wala ng nilalang dito kaya malaya akong makapag-isa dito. Umupo ako sa damuhan at lumanghap ng sariwang--hindi pala sariwa ang hangin. May naaamoy kasi akong mga sigarilyo na sa tingin ko galing doon sa nagsasayawan.
I can't believe na uso pala sa kanila ang sigarilyo. Kahit high school pa lang, naninigarilyo na sila.
"Who invited you, ugly?"
Namilog ang mga mata ko sa nadinig na boses mula sa likod. Hindi ko pa man siya nilingon, kilala ko na ang boses niya. Kahit ang pananalita niya na halatang naiirita. Halatang palaging badtrip. Halatang pinaglihi sa sama ng loob.
"Si Jael," tanging sagot ko at hindi na ako nagatubiling lumingon sa kaniya.
"Ganyan ka ba kapag may kumakausap sa 'yo? Hindi mo hinaharap?" halata sa boses niya na naiinis na siya kaya tumayo ako at bored na nilingon siya.
Kung hindi lang din ako naiinis sa kaniya, malamang nagugwapuhan na ako sa itsura niya. V-neck shirt at black jeans lang naman ang suot niya. Tapos bakat na bakat pa ang muscles at biceps sa suot niya.
"What do you want?" blankong mukhang tanong ko sa kaniya.
Nakita kong kumurba ang dulo ng labi niya kaya kumunot ang noo ko. Anong iniisip nito?
Sa mga nababasa kong libro, kapag ang tao na kaaway mo tapos biglang mapapangisi, halatang may masamang iniisip 'to tungkol sa 'yo.
And now, hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa kaniya.
"I want you to leave Vlad High," diretsong sagot niya kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Narinig ko lang ang leave, naisip ko na agad si kuya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na gustong-gusto niya ang Vlad High. Two years lang siyang doon magaaral tapos lilipat na naman kami?
Gusto kong suntukin 'tong lalakeng nasa harap ko na seryosong nakatingin sa akin. My hand began to form into a ball at ready ng manuntok.
Pero pinigilan ko ang sarili ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong manakit ng nilalang na ang tanging gawin lang ay paalisin ako sa Vlad High.
"Shut up, Kraig. This isn't your life. Kung saan ko gusto, doon ako," giit ko habang nangangati na ang kamao ko na suntukin siya.
Muli na naman siyang ngumisi at parang lalo akong naasar.
"Ako, sinasabihan mo ng shut up?" lumapit siya ng tatlong hakbang mula sa 'kin. "Bago ka lang kaya hindi mo ako kilala. Hindi mo alam kung anong pwede kong gawin kahit babae ka."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para maiwasan ang sigawan siya. Oo, alam kong siga siya sa Vlad High. Pero hindi din ako papayag na aapihin niya lang ako ng ganito. Na kontrolin niya ako. Hindi kami pinalaki ni mama na hindi marunong lumaban.
"Alam mo, Kraig? Hindi ko alam kung anong problema mo sa 'kin. Simula no'ng bago pa lang ako sa Vlad High, ang init-init na ng dugo mo sa 'kin," dire-diretso kong sinabi na parang isang lagok na alak lang. "Ano ba problema mo sa 'kin, ha? Para naman makapag-adjust ako kung may kinaiirita ka sa akin," dagdag ko pa.
"Ohoooy! Bro--" napahinto si Jael na kararating lang kasama si Idris na mukhang nahimasmasan na nang makita niya ako na kasama ang lalakeng nasa harap ko ngayon.
"Nandyan ka lang pala Vanessa--" napahinto naman din si Keir na may dalawang red cup sa kamay.
May umakbay sa akin pero 'tila nagulat sila nang makita nila na kaharap ko si Kraig.
Titig na titig lang ako kay Kraig. Ni-hindi ko nilingon ang mga bagong dating. Nakita ko lang sa gilid ng mata ko na si Riah pala ang nakaakbay sa akin at kasama niya si Irina at Alvira.
Nakapalibot sa akin ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ng walangya.
Wait, kaibigan ko nga ba ang tatlong makukulay na nilalang na 'to?
"Gusto mong malaman mo kung ano ang kinaiinisan ko sa 'yo?" tanong ni Kraig na titig na titig pa rin sa akin. Kita kong tumaas-baba ang adam's apple niya na halatang nagpipigil na talaga ng galit gaya ko. "Your face, ugly. Yung pagmumukha mo ang kinaiinisan ko!"
Bahagya akong nagulat at napaatras dahil sa sigaw niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya na parang apoy na umaalab.
Parang anytime ay kaya niya akong saktan kahit na babae ako at kahit na nanonood ang mga kaibigan namin.
"My face? Excuse me, kung ayaw mong makita ang mukha ko, pumikit ka nalang," giit ko.
Napaatras na sina Jael, Idris at Keir. Pati na din sina Alvira, Riah at Irina dahil sa sagutan naming dalawa.
Malamang hindi nila alam kung anong nangyayari sa amin between me and Kraig.
"Tsaka alam mo?" dagdag ko pa sabay taas ng hintuturo ko sa mukha niya. "Nananapak ako ng mga gwapo."
Ngumisi siya bigla kaya nangilabot ako. Kung may itim lang siguro siya sa gitna ng ngipin niya, iisipin ko na manyak siya o mamamatay tao.
"Edi sapakin mo ako."
Ako naman ngayon ang ngumisi. Mabuti nalang at nakapag-toothbrush ako kaya wala akong tinga sa ngipin.
"Bakit, gwapo ka ba? Huh. Asa. Maraming gwapo doon na nagsasayawan kaya bakit ikaw ang sasapakin ko? Feeling nito."
Nawala ang ngisi niya at napalitan ng galit.
Galit dahil akala niya siya ang sasapakin ko? Aba, kapal naman ng mukha niya. Sinabi ko lang naman na nananapak ako ng gwapo at hindi siga. Hindi sa taong pinaglihi sa sama ng loob.
"I promise you, bukas na bukas, mapapatalsik ka na sa Vlad High," banta niya. Sumeryoso din ang mukha ko.
"Sabihin mo na sa sarili mo na duwag ka. Don't use your power para lang mapatalsik ako. Use your brain, Mr. Kraig Luthor."
Ngumisi siya muli at biglang tumawa ng malakas. Yung tipong tawa na nangaasar. Yung tawa na parang demonyo. Yung tawa na nagmamayabang.
Sa bagay, demonyo naman talaga si Kraig. Demonyo ang ugali. Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi ng nanay niya nung pinagbubuntis pa lamang siya.
"Alright. Then, it's a deal," sinabi niya habang nakangisi pa din. "'Gaya ng sinabi mo, gagamitin natin ang ating mga utak. Hanggang second quarter lang ang deal natin. Kapag hindi mo ako na-abutan kahit naka-top ten ka lang, aalis ka pa rin. Ano, deal?"
Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko.
"Deal," pero ang walang'ya, tinitigan lang ang kamay ko. Kaya dahan-dahan ko 'tong binaba at kunwari may lamok na hinahabol. "Ang daming lamok dito. Nanganggat pa. Bampira kaya sila?"
"Andaming sinasabi. Deal natin 'yan, ugly. Kaya pagbutihan mo ng maigi," ngumisi ulit siya at nagwalk-out.
Sumimangot nalang ako nang maiwan kami dito. Si Jael at Idris, sumunod kay Kraig. Tsaka pansin ko din, hindi ko nakikita si Dirk. Hindi kaya siya pumunta dito? Baka may pinagkaabalahan.
"Heto, Vanessa. Mukhang badtrip ka," inabutan ako ni Keir ng red cup na may lamang pulang likido.
Humugot ako ng sariwang hangin at tinaggap 'yon. Umupo naman ako sa damuhan at nakigaya din silang apat.
"Good luck sa deal niyo, Vanessa," sabi ni Riah na para bang takot na takot.
"Oo nga, girl in black. Magaral ka na ng mabuti habang maaga pa," sinabi naman ni Irina.
Tinapik lang ako sa balikat ni Alvira na siyang katabi ko sa kanan.
"Bakit mo naman kasi tinanggap 'yung deal. Ako tuloy ang naaawa sa 'yo. Iniisip ko pa lang na lilipat ka sa Kozani High, feeling ko mamamatay ako sa pagaalala sa 'yo."
Kumunot ang noo ko at sumipsip muna sa pulang baso na binigay sa akin ni Keir bago nagsalita. "What's the big deal about it? Mabuti na kung gano'n para naman manahimik na ang kumag na 'yon. At nage-expect pa naman ako na ichi-cheer up niyo 'ko."
"Hindi ka namin ichi-cheer," mabilis na sagot ni Irina. .
Kung hindi lang siya malayo mula sa 'kin dahil nasa gitna namin si Alvira at Riah, kanina ko pa pinalagok ang pulang likido sa baso na hawak-hawak ko sa kaniya.
"Hindi mo ba alam na si Kraig ang palaging top 1 of all students sa Vlad High?" singit ni Keir kaya napalingon naman ako sa kaniya sa kaliwa ko. "Kahit siga 'yan at madaming ginagawang kalokohan sa school, siya pa din ang nangunguna. Wala pang nakakalamang sa kaniya."
Just by listening to him, bigla-bigla akong nanliit. Parang gusto ko tuloy magback-out sa deal namin. Parang sa isang snap lang, gusto kong lumipat na agad kami.
Pero, no. Hindi pwede dahil hindi naman ako pinalaking duwag ni mama at papa. Fighter ako, 'no. Kahit na takutin nila ako, hindi ako matatakot sa kanila.
"About pala sa problema niya sa mukha ko, pangit ba ako? Bakit kinaiinisan niya ang mukha ko?" kailangan ko talagang ibahin ang topic dahil baka tuluyan na akong mag-back out dahil sa kanila.
Kumunot naman ang noo ko nang sabay-sabay silang napabuntong hininga.
"First time I saw you, Vanessa. Akala ko ikaw siya," sagot ni Keir na hindi ko man lang alam kung sinong siya ang tinutukoy niya.
"Oo nga. Kahit noong bago pa lang kita makilala, akala ko ikaw siya. Akala ko nagbalik na siya," sabi naman ni Alvira na diretso lang na nakatingin sa harapan.
"Us neither," sabay na sagot nung dalawa.
Naguguluhan na ako sa kanilang dalawa kaya napatayo ako at tiningnan sila isa-isa.
"Ano ba pinagsasabi niyo? Sinong siya ang tinutukoy niyo? Ewan ko sa inyo!"
Tinalikuran ko sila at gaya ni Kraig, nagwalk-out ako. Bumungad tuloy sa akin ang maingay at crowded na lugar. Tinakpan ko ang tenga ko at pinatong ang red cup sa lamesa na nakita ko.
Lumabas ako ng gate pero dinig na dinig ko pa din ang mga hiyawan, tawanan at malakas na tugtog na nagmula sa loob ng bahay.
Umupo ako sa gilid at dinedma ang mga ingay na nagmumula sa loob.
Habang nilalaro ko ang sapatos ko, may nakita akong pares ng sapatos. Tapos paglingon ko sa gilid, meron ding pares ng sapatos ang nakikita ko. Madami sila.
Pag-angat ko naman ng tingin, may mga lalake at babae na nakatitig sa 'kin. Mapupula ang mga mata nila at nakalabas ang mga pangil. Kumunot ang noo ko at tumayo tsaka pinagpagan ang pwetan ko.
"Pasok kayo. Huwag kayong mahiya kahit na medyo crowded na ang loob," nakangiting sabi ko pero hindi sila ngumiti o kumilos man lang. Nanatili silang nakatitig sa akin.
"Taga-Vlad High ka?" tanong ng isa.
"Malamang, Kris. Taga-Vlad High 'yan," sagot sa tanong sa akin sa nagngangalang Kris sa isa pang lalake.
Ngumiti naman ako at tumango.
"Taga Vlad High nga ako. Bakit niyo natanong? Kaklase ko ba kayo? O schoolmate? Pasok na kayo bago pa kayo maubusan ng inumin at pagkain," tumawa pa ako pero nang mapansin kong hindi sila ngumiti o nakitawa, tumahimik ako.
"Vanessa tara kain tayo sa loob--Holy shark," nilingon ko si Alvira na parang nagulat sa mga bampira na nasa harap ko. "Vanessa, pasok na tayo."
Dali-dali niya akong pinasok sa loob at naiwan akong naguguluhan dahil ni-lock pa niya ang gate.
Bakit niya sinarado ang gate? Hindi ba niya papapasukin ang mga bisita? Tsaka, bakit parang nanginginig ang kamay niya?
"Dyan ka lang, Vanessa. Huwag kang aalis o lalabas," dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at sa isang iglap, nakarinig kami na parang tunog ng microphone.
"Everyone, may taga-Kozani sa labas!" sabi no'ng nag-announce gamit ang microphone. Alam kong boses iyon ni Alvira.
Mas lalo akong naguluhan nang maglaho ang tugtog ng musika at parang nagising ang mga lasing, mga natutulog at parang may dumaan na isang santo ng mga bampira at natahimik bigla.
Tapos biglang may sumigaw na, "V-War!"
Nagkagulo sila bigla kaya napaatras ako at napadpad sa pinakasulok. Isa-isa silang nagpatulis ng kuko at pangil. Namumula na din ang mga mata nila at ang iba naman ay umakyat sa dingding, sa mga puno at bubong.
Ang iba pa ay tumalon sa labas.
Hindi ko na alam ang nangyayari kaya dahan-dahan akong kumilos at bubuksan sana ang gate para maki-usiyuso pero may biglang pumigil sa kamay ko.
"Dito ka lang. Huwag kang lalabas," seryoso ang mukha niya na para bang may magaganap na hindi maganda.
Napalunok ako.
"K--Kraig," hindi ko magawang makahinga ng maayos dahil pakiramdam ko may mangyayari. May mangyayaring hindi maganda.
Bakit sila nagkakagulo bigla? Tapos no'ng inanunsyo ni Alvira na may taga-Kozani High, parang nagising ang diwa nila. Parang nabuhusan sila ng tubig at nahimasmasan ang mga lasing at ang mga natutulog sa gilid.
Ano ang koneksyon ng Kozani at Vlad? Anong meron sa Kozani? At ba't nanindig ang balahibo ko nang marinig kong may sumigaw na V-War?
"Dito ka lang at huwag kang lalabas," ulit niya na hindi man lang ako tiningnan dahil nakatitig siya sa butas ng gate.
Dahan-dahan akong tumango kaya binitawan niya ako at binuksan niya ang gate. Bago pa siya lumabas, tiningnan niya muna ako.
"Dito lang ako," sabi ko sa kaniya tsaka siya lumabas.
At dahil sinabi kong hindi ako lalabas, nanatili ako na nakatayo sa loob. Pinanood ko lang sila sa butas. Nakita ko doon si Kraig na siyang kaharap ng lalake na nagngangalang Kris. Tapos katabi niya si Jael at Idris.
Pansin ko, yung si Kris ay may kulay puting buhok at ang putla-putla ng balat niya. Kalmado lang ang mukha niya hindi 'gaya ng mga kasama niyang kulang nalang ay susugod sa giyera. Kagaya din ni Kris ay kalmado lamang si Kraig, Jael at Idris.
Nandoon din sa labas ang tatlong weirdo na mga kaibigan ko. Gusto kong lumabas at magtanong kung anong nangyayari.
"Essa, anong nangyayari?" may kumalabit sa akin at nakinood din sa maliliit na butas. Si kuya Vann.
"Ewan ko kuya."
Hindi ko na siya nagawang pagsabihan na dito lang kami dahil lumabas na siya. Naiwang nakabukas ang gate kaya kitang-kita ko kung paano sila tumingin sa isa't-isa. Ang tatalim ng mga tingin nila. Parang galit na galit.
"What do you want, Kris?" malamig na tanong ni Kraig.
"We want V-War," nakangisi namang sagot ng kaharap niya. Nakita kong naging bola ang kamao ni Kraig kaya napatakip nalang ako ng bibig.
Kung kanina ay ang sama ng tingin niya sa akin doon sa garden, mas masama pa ang tingin niya sa lalakeng nasa harap niya.
"Wish granted," sabi ni Kraig at sa isang iglap, bigla niyang sinuntok si Kris. Nagkagulo bigla ang mga nasa labas at nagsimula silang magrambulan.
Todo takip lang ako sa bibig ko dahil sa nakikita ko. Nagaaway sila na para bang galit na galit. Kitang-kita ko kung paano sila magsuntukan, magkagatan at magrambulan.
Sa may tapat ng gate ay may tumalsik na bampira kaya napatili ako't napatalon. Medyo nakikita ko ang nasa labas kaya sinilip ko ang labas na siyang pinagsisisihan ko.
May nakahandusay sa lupa habang may isang bampira naman ang nakaupo sa may tiyan niya at paulit-ulit niyang sinaksak ang kuko niya sa may dibdib nito.
Gusto kong lumabas at tumulong pero hindi ko magawa. Hindi magawa ng paa ko na lumabas upang tumulong man lang.
Para silang may sariling mundo. Kahit na madami ng nanonood at sumisita sa kanila, wala pa rin silang pakielam. Andaming mga dugong tumalsik sa paligid.
"Kuya!" tumili ako nang makitang sinuntok si kuya sa likod ng isang lalake. Napaubo siya ng dugo kaya tuluyan na akong lumabas at tinulungan si kuya.
Umupo ako sa sahig at pinahiga si kuya sa hita ko. Iyak lang ako ng iyak habang pinanood si kuya na umuubo ng dugo. Sigaw naman ako ng sigaw ng tulong pero walang lumapit sa akin kahit isa sa mga nanonood.
"Kuya, bakit ka kasi lumabas. Lagot tayo kay papa," nanginginig na ang labi ko dahil sa kakaiyak. Napipiyok na din ang boses ko.
May tumatawag sa pangalan ko mula sa likod pero hindi ako lumingon. Titig lang ako ng titig kay kuya habang humahagulgol at humihingi ng tulong.
We need to go to hospital. Kailangan ko ding tawagan si mama--
"UGLY!" napahinto ako sa paghagulgol at nakitang tumatakbo papunta sa akin si Kraig. Bigla niya akong yinakap. Parang slowmotion ang pagyakap niya sa akin.
"I told you to stay inside.."
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko nang makitang bigla siyang nanghina. Ngumiti siya sa akin at sa pagngiti niya, may lumabas na dugo sa bibig niya. Tsaka ko lang nalaman na sinuntok siya sa likod na sa akin dapat mapunta.
"K--Kraig.."
Huminto ang lahat at nakatingin lang sa amin. Para akong nabingi habang yakap-yakap ako ni Kraig.
Tsaka lang sila nagtakbuhan dahil sa malakas na sirena ng police car.
"Hoy mga bata!"
"Mga kasama, habulin niyo sila!"
"May kailangan ng tulong!"
May kumuha kay kuya at kinarga papasok sa isang ambulance. Pati din si Kraig ay binuhat at pinasok sa isa pang ambulance. Wala na akong magawa kundi ang humihikbing sumunod sa kanila. Nagdadalawang isip ako kung saan ako sasakay. Sa ambulansya ba ni kuya o kay Kraig.
Pero mas pinili ko kay Kraig at tinawagan si mama. My voice cracked habang kinakausap ko si mama at sinabing pumunta sa hospital. Alam kong sa oras na malaman niyang sangkot kami sa kaguluhan, magagalit ng sobra si papa.