Alvira Nicomedeus
Habang hinihintay na matapos ang last subject, napaisip naman ako sa pwede kong suotin para sa party sa weekend.
Ano kayang magandang suotin? Bibili din ako mamaya kasama ang mga baliw kong girls. Aym so eksayted na! Me is so..
"Ms. Nicomedeus, what are you smiling at?" natauhan ako at mabilis na napatayo. Dinig na dinig ko ang tawanan nila kaya medyo napahiya ako do'n.
Mukhang napalalim ang pagiisip ko sa suotin ko sa weekend. Pahamak, eh. Me is not listening, eh.
"I'm fine, ma'am," diretsong sagot ko with full of confident pa.
Aba, ako pa? Si Alvira Nicomedeus na may dala-dalang invented mirror ni daddy? Ang girl in pink na minsan ng pinagisipan ng iba na weirdo?
"What? Ms. Nicomedeus, kung hindi lang kilala ang pamilya mo sigurado akong sa principal's office ang bagsak mo," halatang galit na galit si ma'am dahil sa pagsagot ko. Ano naman ang mali sa sinagot ko?
Muling tumawa ang mga kaklase ko kaya hindi ko maiwasan ang magtaka. Ano nga ba ang tanong sa akin ni ma'am? Me is answered her right, 'di ba?
"Po?" mas lalo siyang nagalit dahil sa pagtanong ko. Gusto ko lang naman na ulitin ang tinanong niya sa akin. Siya pa ang galit. Me is want to punch her na. Argh!
Tapos kapag inulit niya ang tanong niya, makakapagsagot ako ng tama at hindi 'yung pagagalitan at pagtatawanan nila ako. Tse! Isumbong ko sila kay daddy na mahilig mag-invent ng salamin para sa 'kin, eh.
"Ms. Alvira Nicomedeus, warning!" galit na galit na sumigaw si ma'am with matching hampas pa ng kamay sa table.
Napayuko nalang ako at dahan-dahan at maingat na umupo sa upuan ko.
At dahil nasa tabi ko lang si Vanessa, bahagya akong lumapit sa kaniya tsaka bumulong. "Essa, ano nga pala ang tanong sa akin ni ma'am?"
Tahimik siyang tumawa sabay iling-iling. "Tinanong niya kung ba't ka ngumingiti."
Ahh.. 'yon pala? Napahiya ako kanina. Pinahiya ko ang sarili ko kanina. Argh! Sarap sampalin ang sarili kong mukha pero huwag nalang dahil baka magalit si daddy. Baka kasi mawalan siya ng magandang anak na si Alvira. Hihihi.
Mahirap pa naman hanapin ang kamukha ko sa mga bahay ampunan. Ang ganda-ganda ko kaya. Me is so pretty. Me is so ganda.
Nang may naalala ako, muli akong lumapit kay Vanessa tsaka bumulong. "Samahan mo nga pala ako sa mall. Bibili ako ng damit."
Tumango lang siya tsaka muling nakinig kay ma'am na nagpahiya sa akin.
Ay, ako pala ang nagpahiya sa sarili ko. Brr.
* * *
Riah Vallejo
Magkasama kami ni Irina na naglalakad sa gitna ng hallway sa locker area. Tapos na ang last subject namin pero nang mapadaan kami sa classroom ng lider namin na si Alvira, hindi pa tapos mag-discuss ang guro nila. Kaya dumiretso nalang kami sa locker dahil ayoko naman na maghintay pa kami sa labas.
"Riah, nauuhaw ako. Hintayin mo nalang ako dito, ha?" tumango lang ako kay Irina habang pinapasok ko ang mabibigat kong libro sa loob ng locker.
Nang mapalingon ako sa kinatayuan kanina ni Irina, wala na siya doon. Uhaw na uhaw talaga ata si madam. Si Irina na pinaliguan ng nanay niya ng asul dahil sa hilig niya sa kulay asul.
Wala akong magawa kundi ang maghintay sa kaniya. Umupo ako sa sahig since wala pa namang masyadong estudyante dito. Mukhang napaaga ang pagpauwi sa amin ng last subject teacher namin. Kadalasan kasi madilim na kami pinapauwi. May emergency ata sa kanila. Ewan.
"Oh, Odile. Nakainom ka na ba ng gamot mo?" natatawang tanong ko nang makitang dumaan sa harap ko si Odile the emo weirdo girl. Tiningnan niya lang ako at inirapan.
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Lumapit ako bahagya sa kaniya at nakita ko ang locker niya na punong-puno ng mga libro--libro na hindi naman namin ginagamit sa skwelahan. Tinitigan ko ng maigi ito at sinubukang basahin ang title ng libro na nakita ko.
"Personal na gamit 'to," malamig na sabi ni Odile na masama pala ang titig sa akin kaya kunyari akong umubo at sumandal sa mga lockers.
Minsan ko ng na-bully 'to. At dahil sa palagi kaming binubully at sinabihang weirdo, kami naman ay nambubully sa mas mababa pa sa amin. Katulad nalang ni Odile Romana. Are we that bad?
Pero wala, eh. Gusto lang namin maranasan kung ano ang feeling ng nambully. And it felt like a revenge, actually.
Napangisi nalang ako nang maalala ko na nagyaya pala si Alvira na mag-shopping kami para sa party ngayong weekend. Imbitado kaming lahat sa Vlad High kaya panigurado na maraming students ang dadalo. Kahit na senior high, imbitado din.
Gano'n kayaman ang mga Sangria. Kung mayaman ang Sangria, mas mayaman naman ang mga Luthor. Lalo na ang pamilya ni Kraig Luthor.
"Nga pala, Odile. Imbitado ka ba sa party this weekend?" napahinto siya sa tanong ko at tiningnan ako gamit ang malamig niyang titig.
Hindi ako takot sa kaniya. 'Diba nga binubully namin 'to? Tsk. Walang epekto ang titig niya sa 'kin. Kahit pa na bantaan niya ako, hinding-hindi ako matatakot sa kaniya. She's a complete weirdo with a bangs, eh.
"H'wag kayong pumunta doon. Susugod ang mga taga-Kozani High," seryoso niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko habang titig na titig sa kaniya.
"Kailan ka pa naging manghuhula? Pft. Nakakatawa ka," umiling-iling ako habang tumatawa.
Grabe, epic ang mukha ni Odile the emo girl. Akala siguro niya sasakyan ko ang jokes niya. Hah.
"Sige, sabihin na natin na hindi ka naniwala sa akin. Pero binalaan na kita. Maraming mapapahamak sa party na 'yan," natulala nalang ako nang tumalikod sa akin si Odile at tahimik na tinahak ang daan palabas ng locker room.
Kumurap-kurap ako tsaka napailing.
Baliw 'yang si Odile. Hindi dapat 'yan pinaniwalaan. Taga Kozani High, susugod sa isang party? Eh mga mahihina 'yon, eh. Palaging natatalo sa tuwing labanan ng Kozani at Vlad.
Noon pa man, magkalaban na ang Kozani High at Vlad High. Hindi ko alam ang buong estorya pero 'yon ang sabi sa akin. Ang Kozani High ay hindi na sakop ng Vlad City. Medyo malayo-layo ito pero kung bampira ka, tyak na mabilis ka lang na makakapunta dito.
Limang minuto lang ay mararating mo na ang Kozani High.
Kung magbibyahe ka, aabot ka ng limang oras bago ka makarating dito sa Vlad City. Aish! Ba't ba ako nagkukwento tungkol sa Kozani at Vlad? Basta ay hindi na 'yon sakop ng Vlad City. Period. No erase.
"Riah, natulala ka dyan?" nilingon ko si Irina na sumisipsip ng juice na binili niya sa cafeteria.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Sakto, nag-ring na ang bell kaya inaya ko siya na puntahan na si Alvira.
* * *
Vanessa Wolfe
Minsan, iniisip ko, do I need to be sociable sa mga tao sa paligid ko? I don't want to be noticed. Ayokong sa pagtapak ng school na 'to, ako agad ang paguusapan nila.
Kaya as much as possible, gusto kong maging invisible sa kanila. Gusto ko na sa tuwing dadaan ako, para lang akong hangin sa kanila na hindi napapansin. Gusto kong maging normal student kagaya sa previous school namin ni kuya. Gusto kong hindi napapansin at hindi sumasali sa kahit anong parties kahit imbitado lahat.
Pero anong ginagawa ko ngayon? Nakikisali sa paghahanap ng pwedeng isuot sa party this weekend. Sabado na bukas kaya ngayon pa lang, dapat raw prepared na kami ayon kay Alvira.
Ilang ulit kong sinabi sa kaniya na hindi ako pupunta pero pilit niya akong kinaladkad papunta sa mall na 'to. Tsaka, naisip ko bigla si Jael na ilang ulit pa akong pinaalala na pupunta sa party. Kaya, nakonsensya ako at hinayaan nalang sina Alvira na dalhin ako sa mall.
"Essa, maganda 'to sa 'yo! Since matangkad ka at bagay sa 'yo ang off shoulder dress!" tinapat sa katawan ko ni Alvira ang isang dress na kulay itim with laces pa. Tiningnan ko ang ibaba nito at halos malaglag ang panga ko nang makita na above the knee ito.
Mabilis kong tinanggal ang damit sa tapat ko. "Hindi ako nagsusuot ng above the knee, Alvira."
Umiling lang siya at muling tinapat sa akin ang damit kaya wala akong magawa kundi ang hayaan siya sa ginagawa niya. May mga damit naman ako kaya kapag bilhan niya ako nito, itatambak ko lang 'yon sa kabinet.
"Tara mga pretty girls! Ipa-cash na natin 'to," excited na lumapit si Alvira na may dala-dalang mga damit na ewan ko kung ilan na 'yon.
Aanhin naman niya ang madaming damit kung isang birthday party lang naman ang dadaluhan namin? Hindi naman namin kailangan na magbihis ng magbihis.
Bumuntong hininga nalang ako at sunod nalang ng sunod sa kanila. Sinabihan ko na si Alvira na hindi ako bibili ng damit. Pero ang sabi niya, siya nalang daw ang bibili ng damit para sa akin. Kaya heto, andaming pinamili niya. Libre na daw niya sa 'kin yung off shoulder.
Bahala siya dyan. Hindi ko susuotin 'yan dahil hindi ako mahilig sa mga dresses lalo na ang mga off shoulder. O yung mga damit na nagpapakita ng dibdib o balikat.
Matapos nilang ipa-cash ang pinamili nila, binigay sa akin ni Alvira ang isang paper bag.
"You should wear this, Essa. Kita nalang tayo sa bahay ni Janet sa Sunday. Bye!" right. Iniwan nila ako sa tapat ng malaking mall.
Kumakaway naman na naglakad palayo sina Irina at Riah na may hawak din na paper bag na pinamili nila kanina.
Napailing nalang ako at tahimik na naglalakad pauwi. Sana pala hindi nalang ako sumama sa kanila. Tsaka hindi ako sanay makipag-sociable sa ibang tao.
Bihira lang na may kumakausap sa akin pero sa school na 'to, andaming pumapansin sa akin. Lalo na 'yang Kraig na 'yan na sa tingin ko 'e siya ang tulay para mapalipat ulit kami. And I don't want that to happen.
Mahal na mahal ni kuya Vann ang Vlad High dahil nga sa sikat ito. I will prove that Kraig Luthor na hindi ako basta-basta babae kundi isa akong bampira na pwedeng lumaban sa kahit anong gyera o laban.
"Ba't ngayon ka lang?" napahinto ako sa pagsara ng gate at nilingon si kuya Vann.
Sumalubong na ang mga kilay niya at naka-cross arms pa. Gumaya naman si Vinn sa ginawa ni kuya Vann. Tsk. Magkapatid nga sila. Ako lang ata ang ampon--o sila ang ampon? Pft.
"May kumaladkad sa akin sa mall," pinakita ko sa kaniya ang paper bag tsaka tuluyang sinarado ang gate.
"Pupunta ka sa party?" umayos siya ng tayo at nagtatakang tiningnan ako. Dahan-dahan akong tumango dahil hindi naman ako pwedeng hindi pumunta doon dahil lagot ako kay Jael. "Hala! Isusumbong kita kay mama!"
"Eh nakahanda na nga yung suot mo, kuya. Edi pupunta ka rin!" singit naman ni bunso na nakaayos na pala ng tayo at nakatingala kay kuya Vann. Tiningnan ko ng masama si kuya pero nag-peace sign ang siya sa 'kin.
Tsk. Saan ba 'to nagmana si kuya? Matino naman sina mama at papa, ah.
* * *
Sabado ng umaga, napagutusan ako ni mama na bumili ng isang pack ng fresh blood sa tindahan. Nakakainis nga dahil naistorbo ako sa pagbabasa. Whole night ko ata binasa 'yon pero nasa gitna pa ako ng libro.
Dahil nga pulos si Kraig ang laman ng utak ko noon, bumalik ako sa pinakaunang pahina sa pagbabasa at ngayon ay naiintindihan ko na ang storya.
"Pera," inilahad ko ang kamay ko at binigyan naman niya ako. Lumabas ako ng bahay na naka-pajamas at maluwang na T-shirt lang.
Habang naglalakad-lakad ako para maghanap ng tindahan, marami akong nakakasabay. Ang iba ay nagja-jogging. May iba naman na umagang-umaga, naglalaro na sa may park.
Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang lalake na naglalakad at mukhang makakasalubong ko.
Titig ako ng titig sa mukha niya at inalala kung saan ko siya nakita at kung ano ang pangalan niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, ngumiti siya sa 'kin at kumaway pa.
Leshe. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang hindi sinasaulo ang mga pangalan. I told you hindi ako sanay makipag-salamuha. Mabilis kong nakakalimutan ang mga pangalan.
"Hi, Vanessa! Taga-rito ka rin pala?" tanong niya sa akin nang makalapit siya sa 'kin.
Nakakahiya naman dahil naka-pajamas pa ako't T-shirt na maluwang. Samantalang siya, bihis na bihis. Mukhang may pupuntahan ata.
"O--Oo. Ilang araw pa lang kami dito," tuma-tawa pa ako para itago na hindi ko alam ang pangalan niya.
Pero walangya, mukhang napansin niya dahil nakakunot ang noo niya. Nababasa niya ba ang iniisip ko?
"Oo, Vanessa. Nababasa ko ang nasa isip mo. Tsaka kung hindi mo ako matandaan, ako si Keir Morgan, remember?"
Sabi ko nga nakakabasa siya ng isipan. Hay. Kung pwede sana na makabasa ako ng isipan..
"Pasensya na. Hindi kasi ako madaling nakaka-memorize ng pangalan," natatawa kong saad tsaka napayuko nalang. Nakakahiya.
Siya nga pala si Keir Morgan, 'yung lalake na nagpakilala sa akin sa locker area. Nung may isang emo girl na biglang nagtanong kung ako ba si Vanessa Wolfe. Sino nga ulit ang emo girl na 'yon?
"No worries. Saan ba punta mo?" inangat ko ang tingin ko at parang may bell na biglang lumitaw sa ulo ko. Since baguhan pa lang ako dito, magpapasama nalang kaya ako?
"May alam ka ba na malapit na tindahan dito?" medyo nahihiyang tanong ko. Una, hindi kami close ni Keir. Kaya ang kapal ng mukha ko na magtanong sa kaniya ng diretsahan.
"Hmm.. Oo. Pero medyo malayolayong lakaran, eh. Samahan nalang kita?" mabilis naman akong tumango. Nagsimula na kaming maglakad. Nakakailang nga dahil mukha akong yaya dahil sa suot ko samantalang siya, parang amo ko.
Nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan. Tsaka nalaman ko na magkatabi lang pala kami ng bahay. Hindi ko man lang siya napansin do'n dahil busy ako sa buhay ko. Patuloy lang kami sa pagkukwento. Nagkukwento pa nga siya ng mga embarrassing moments niya noon do'n sa Vlad High--no'ng baguhan pa lang siya.
Tapos nagkwento din siya kung anong klaseng paaralan ang Vlad High. Ayon raw sa history book na nabasa niya sa library, ang Vlad High ay pagmamayari ng pumanaw na bampira na si Vladimir Dupree.
Sa Vlad City, si Vladimir Dupree din ang mayari nito. Maraming nangyari noon at uso pa ang mga digmaan. Uso pa ang pagpapalakihan ng territoryo. Uso ang pagsasakop. Tsaka hindi pa uso sa kanila ang teknolohiya.
Noong nasa gitna ng labanan si Vladimir Dupree, nakilala niya si Viktoria Creighton--ang may-ari ng Viktoria Elementary School kung saan nag-aaral si Vinn na bunsong kapatid ko. Maganda si Viktoria. Tinitingalahan ng mga kalalakihan. Maraming nahuhumaling sa kagandahan niya kaya marami din ang nanliligaw nito.
Noon raw, muntik ng tamaan si Viktoria sa pana at si Vladimir ang nagligtas nito sa gitna ng labanan. Sinangga niya ang sarili niya para hindi matamaan si Viktoria. Para hindi masaktan ang magandang babae na galing pala sa pag-hahanap ng gamot para kaniyang ina na may sakit.
Matapos ang labanan, nagwagi ang kampo ni Vladimir. Tinulungan siya ni Viktoria at ginamot ang sugat. Marami silang love story na naganap. Naging sila, nagpakasal at nagkaroon ng mga anak at mga apo.
Sabay silang namatay noong may pumasok na kalaban--ang taga Borgia City. Pinatay ni Bryce Borgia ang mag-asawa dahil akala niya ay 'yon ang daan para masakop niya ang buong Vlad City. Pero hindi siya nagtagumpay dahil napatay siya ng anak ni Vladimir.
Their family grew bigger hanggang sa iba-iba na ang mga pangalan nito. Wala ng Dupree ang last name dahil karamihan raw sa mga kamag-anak nila ay babae. Kumbaga, umabot sa maraming sanga ang kanilang family tree.
"And did you know? May dugo akong Dupree," natigilan ako at agad na napalingon kay Keir.
Nakangiti siya na para bang proud na proud siya na isa siyang Dupree. Na may lahi siyang Dupree. Na may dugo siyang Dupree.
And I was like..
"Anak ng pusa--" napatikom ako ng bibig ko dahil hindi ako makapaniwala na may kamag-anak ni Vladimir Dupree at Viktoria Creighton akong kasama ngayon.
The family that rules for hundreds of years in Vlad City.
"May dugo akong Dupree pero hindi one half o one fourth. Siguro mga isang patak lang ng dugo," tumawa-tawa pa siya kaya pabiro ko siyang hinampas sa balikat.
Patuloy lang siya sa pagkukwento hanggang sa makarating kami sa isang convenient store. Pumasok kami sa loob at hinanap ang pinabili ni mama.
"Nga pala, Keir. Sino pa ang may dugong Dupree dito?" tanong ko kay Keir habang naghahanap ng fresh blood. Maraming brand nito kaya medyo nalilito ako kung alin ang pipiliin ko. Kung alin ang mas magandang brand.
"Actually, ang may one fourth na Dupree ay ang mga--" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong kinalabit ng isang babae.
Nagtanong lang pala kung saan dito ang pinakamalapit na mall. Pero hindi ako ang sumagot at si Keir na dahil nga baguhan ako dito.
"Doon sa ikalawang kanto po."
Pina-cash ko na ang fresh blood na napili ko. Hindi naman sinabi ni mama kung anong brand kaya limang magkaibang brand ang pinili ko. Bahala siya diyan.