Kabanata 5

1232 Words
Konnar "Kuya, tantanan mo na ako. Ilang bodyguard na ang pinadala mo. I'm done spraying pepper spray on the wrong faces," asik ni Khalila. I yawned before I poured myself a cup of coffee. "Hindi sa'kin galing 'yon. Tanungin mo sina Keios, Kreige saka si Klinn." Umirap siya sa kawalan. "Sabi ni kuya Keeno sayo galing 'yon." "Paninirang puri lang 'yan." I stretched my back before I settled on the high chair next to her. "Baka sa kanya pa galing 'yon." "Hindi ako padadalahan ni kuya Keeno ng bodyguard na magtataboy kay kuya Halley at Agrain so for the last time, please, tigilan mo na." "Hindi nga ako. Baka si Daddy." Inirapan niya ako saka siya nag-walk out. Ngumisi naman ako bago ko tinawagan ang bodyguard na nabiktima ni Khalila ng pepper spray. "Sir, nagka-sore eyes na yata ako." "Bakit ka kasi nagpakita?" "Nakabuntot lang naman ako, Sir habang may kasama siya lalake. Magka-holding hands pa nga sila kaya akala ko hindi ako napansin." My brows furrowed. "Magka-holding hands? Sinong kasama? Was it Hall or Agrain?" "Hindi, Sir. Iba. Parang pintor yata." I sighed. "Find me an investigator and gather everything about that guy. Kina Hall at Agrain nga hindi na ako pumapayag, sa hindi ko pa kaya kilala?" "Sige po." I ended the call before I asked Cielle to transfer money to the bodyguard's account. Nang mag-reply si Cielle ay naligo na rin ako. Bago umalis, pinuntahan ko muna si Klinn sa kwarto niya. Naabutan ko si Keios na pinapahawak siya ng kutsara. "Oh? Umuwi ka na pala?" tanong ko. Keios stood straight and nodded. "Wala naman gagawin sa Madrid. Puro na lang party. Kakatamad na rin. Lagi pang nag-aalala si Mama dahil baka raw maaksidente ako." Naupo siya sa kama ni Klinn. "Baka mag-stay ako ng three months dito." I jerked my head. "Sabi ni Mama may girlfriend kang bago. Totoo ba?" "Not really. We only needed the publicity." Napabuntong hininga ako. "Matagal ka nang hindi pumapasok ng seryosong relasyon, Keios. Don't you think it's time to finally try again?" Umiwas siya ng tingin. "Kung hindi ko rin naman mabibigay 'yong binibigay ni Daddy kay Mama, anong silbi ng pagkakaroon ng seryosong relasyon?" Klinn sighed. "Is it still because of Denyse, Keios?" Hindi kumibo si Keios. Lumapit naman ako sa pader at sumandal doon. "She's married, Keios." "So? Si daddy rin naman noon ikinasal sa Mommy ni Klinn pero sila pa rin ni Mama." "Mommy mo, ah," balik ni Klinn. Keios smirked. "Mommy ni Kreige." I shook my head. "Marinig ka na naman ni Krei. Away na naman 'yan. Mapipingot na naman kayo ni Daddy." Keios scoffed. "Pagalitan naman siya ni Mama. Anyway, yeah. I heard she's married, pero wala pa naman anak, ah? Saka ko susukuan kung may anak na." "So hindi mo na pala tatanggapin kung may anak na?" Klinn asked. "I guess not everyone is like Mama, bro. Hindi ko alam kung paano tayo natitignan ni Mama na hindi niya naaalalang nagkaanak si Daddy sa ibang babae. I mean, I'm sure we can somehow inflict her pain just by existing." Keios sighed. "I don't really like it when Mama gets hurt." Napangiti ako. They all loved my mom like their own. Kahit anong kumbinsi ni Mama na mas mahalin nila si Tita Lia, hindi talaga sila nakikinig. Sa paningin nilang apat, si Mama ang nanay nila kahit na matagal namin silang hindi nakasama. "Basta huwag ka lang gagawa ng ikakasira ng relasyon nina Denyse at ng asawa niya. Alam kong mahal mo pa, Keios, pero huwag," Klinn warned. "He's right. Iba ang case nina Daddy, at iba rin ang kina Denyse." Lumapit ako sa kanila at tinapik silang pareho sa balikat. "Alis na ko. Mag-a-apply pa ko ng insurance." My brothers' foreheads wrinkled. "Insurance?" puno ng pagtatakang tanong ni Keios. "Yeah. 'Yong may investment sa halagang two five," I bragged. "May I remind you, kuya that you earn two five per half mili-second," si Klinn. "Well, I'm into my financial advisor so..." Inilabas ko ang two five na nasa bulsa ko. "Nag-advance ako kay bossing Keeno." Natawa silang pareho. "Reklamo na ng reklamo si kuya Keeno. Mag-aasawa na raw siya nang maaga kung papasakitin mo palagi ang ulo niya," ani Klinn. "Pinagbibintangan pa akong nakakakita na at nagpapanggap na lang dahil ayaw kong pumalit sa pwesto niya." I shook my head, grinning. "Pabayaan mo si Keeno. Happy pill ko 'yon kapag na-s-stress na siya lalo kapag humihingi ako ng pang-load." Natawa na lang silang pareho. Mayamaya ay nagpaalam na rin ako. I hopped inside my black Lexus NX and left. Nang makarating ako ng Ducani Empire, sinigurado muna ng guard na nakakikilala sa akin na patay na ang CCTV cameras. I exited the place and waited for Sadie in our meeting place. Nang dumating siya sa café, umayos kaagad ako ng upo at ngumiti. Naupo siya sa katapat na silya saka niya inilapag ang folder na dala. Dinukot ko naman ang two five sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. "May sahod na ko sabi ko sayo, eh," I bragged. Her foxy eyes rolled at me. "Hindi ako bulag, Kanor." Binuksan niya ang folder saka ihinarap sa akin. "Sagutan mo lahat." Tinanggap ko ang ballpen at nagsulat, pero nang muntik ko nang malagay ang Ducani sa last name ko, tumikhim ako sandali at nagtawag ng waiter. "Libre ko na, Sadie. Order ka." Kumunot ang noo niya. "Kaya mo naman palang manlibre rito sa lugawan mo pa ako dinala?" "Masarap naman ang lugaw. May libreng tubig pa." Umirap na naman siya sa kawalan. "Pa-order na lang ng pinakamura ninyong breakfast meal at kape." "Dalawang gano'n," dagdag ko. Nang makaalis ang waiter, ginawa kong B-A and D-U na una kong naisulat. I continued filling out the form eventhough I lied about most of the whole thing. Nang marating ko ang siblings, napansin ni Sadie na parang natatagalan akong magsulat. "Huwag mong sabihing hindi mo kabisado ang details ng mga kapatid mo?" "Kabisado ko naman." Keeno's birthday is December 14th, Klinn is June 6th, si Kreige May 20th, si Keios October 7th, at si Lila April 12th. Ang problema ko lang ay ang pangalan nila na ilalagay ko. I sighed and started writing fake names for them. Keano ang inilagay ko kay Keeno, Klint ang nilagay ko kay Klinn, Krei ang kay Kreige, Keis ang kay Keios, at Lily ang kay Lila. I put on their correct birthdays and gave back the folder to Sadie. I watched her scan the details, but when she noticed my siblings' names ang birthdays, I saw her brows furrowed. "May mali ba?" tanong ko. "Wala pero... halos kaparehas ng pangalan ng mga kapatid mo ang pangalan ng mga Ducani tapos parehas naman ng birthdays. Kabisado ko lahat 'yon dahil favorite family ko ang mga Ducani." I smirked. "Ah, idol kasi ng nanay at tatay ko ang mga Ducani kaya kung kailan nanganganak si Ma'am Khallisa, sinasabayan ng nanay ko ng ire." Nangiwi ang mukha ni Sadie. "Ginawa mo namang tae ang mga kapatid mo." I laughed. "Seryoso nga." She sighed and rolled her eyes. "Hindi ka lang siraulo. Napaka-weird mo pang tao." Ngumisi na lamang ako. "May ano pa diyan, space para sa spouse. Pwede ka diyan. Bagay ka naman sa pamilya ko." Umirap siya ulit. "Sa Ducani lang bagay ang ganda ko, Kanor." My smirk slowly turned into a meaningful smile. "Kaya nga..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD