Simula
Sadie
Robert Kiyosaki once said that money may not be the most important thing in the world, but it affects everything that is. I never understood what he meant when I first heard that line, but the moment my mother suffered from a terminal disease and no one was there to offer a hand, I learned the lesson in the most painful way.
"Tita Glory, parang awa ninyo na po, kahit magkano lang. Wala nang gamot si Mama," halos lumuhod ko nang pakiusap sa kapatid ni Mama.
"Wala na nga, Sadie! Hanapin mo 'yong tatay mong hapon at doon ka manghingi!" asik niya bago ako pinagsarhan ng pinto ng bahay.
Ng mismong bahay na hindi naman matatayo kung hindi siya tinulungan ni Mama noong nagtatrabaho pa si Mama bilang housekeeper sa isang hotel sa Japan.
Pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagkulog. Bakit gano'n? Noong nasa abroad pa si Mama, palagi naman silang tinutulungan. Noong umuwi si Mama dahil ipinagbuntis niya ako, parang nawalan na rin siya ng kamag-anak.
She delivered me alone. Wala siyang naging bantay at wala ring nagsundo sa kanya noong ipinanganak ako. Iniisip ko tuloy na ako ang malas sa buhay ng Mama ko, dahil magmula nang dumating ako sa buhay niya, halos nawala na ang lahat sa kanya.
Bigo akong umuwi sa aming bahay. Nang makapasok ako na basang-basa ng ulan dahil kinailangan ko lang maglakad para matipid ang singkwenta pesos na dala ko kanina, gumuhit ang awa sa mukha ng nanghihina kong ina.
"Sadie, anak! Bakit naman nagpaulan ka!"
I sniffed and tried to smile. "M--Masarap kasing maligo sa ulan, Ma. Okay lang naman ako kaya lang..." Bumagsak ang mga balikat ko. "Walang mapahiram si Tita Glory..."
My heart broke when I saw how my mother's eyes softened as if the news made her disappointed. Humugot kaagad ako ng hininga at pilit muling ngumiti.
"Ano raw kasi, Ma, hindi pa dumating ang sahod ni Tita kaya wala pa... pero nagsabi naman sila na magti-text kung meron na. Mag... magpagaling ka raw, Ma."
I lied, and I hated it. Ayaw ni Mama na nagsisinungaling ako sa kanya, pero kung sa ganitong paraan ko mababawasan ang sama ng loob niya, ihihingi ko na lang ng tawad ang sinabi ko.
"Bibili muna ako ng pandesal, Ma. Masarap magsawsaw ng pandesal sa mainit na kape ngayon," dahilan ko kahit na gusto ko lang lumabas para iiyak ang bigat sa dibdib ko.
Umubo nang paulit-ulit si Mama nang makalabas ako ng pinto. I pursed my lips together and tried to hold back my tears as I listened to her. Ang sakit-sakit pakinggan kasi alam kong wala akong kakayahan na pawiin ang sakit na nararamdaman niya.
I'm only seventeen. Puro part-time lang ang nakukuha kong trabaho dahil hindi pa ako legal age. Kahit gusto ko siyang tulungan, wala rin akong makukuhanan ng pera.
I sniffed and wiped my tears. Dinampot ko ang payong sa labas ng bahay saka ako nagtungo sa malapit na bakery. The usual guy was busy attending to the other customers. Nakatago ang kalahati ng mukha niya sa suot na mask, at ang ulo ay may suot na nakabaliktad na sumbrero.
People started flooding their bakery since he became a staff. Siguro ay dahil mahilig siyang makipagbiruan sa mga bumibili. Ako lang naman ang walang panahong mag-aksaya ng oras para makipagkwentuhan sa kanya.
Hindi ko rin sinasalubong ang tingin niya. Basta nagbabayad ako at kinukuha ang binili ko pagkatapos ay umaalis na rin kaagad.
"Kumusta na ang Mama mo, pogi? Balita ko isinugod ninyo ulit kagabi sa ospital?" tanong ng may edad na lalake sa kanya.
"Oo nga ho, eh. Nawalan ho kasi ng malay, pero malakas 'yon si Mama. Matatag 'yon. Singkwenta pesos ho ba ulit na spanish bread?" tanong niya sa bumibili.
Tumango ang lalake. Nang mabayaran ang tinapay ay ako na ang sumunod. As always, I kept my gaze on the trays of bread in their glass cabinet.
"Pandesal ulit, ganda?" he asked.
I kept my head low and nodded as I handed him my last fifty pesos. Nanatili ang titig ko sa egg pie na matagal ko nang gustong matikman, kaya lang ay masyadong mahal. Dalawang ganoon pa lang, ubos na ang singkwenta ko. Hindi katulad kung pandesal, kaya naming paabutin ni nanay ng dalawa hanggang tatlong araw basta iinitin ang tinapay.
As if he noticed how much I was craving for the pie, I saw him grabbed two slices, put it in the same paperbag, and handed it to me.
Sa unang pagkakataon ay nasalubong ko ang kanyang tingin. "W--Wala akong pambayad doon sa egg pie."
His obsidian eyes slightly became smaller as if he was smiling behind his mask. "Libre ko na."
I swallowed and hesitated to accept it, but my tummy growled as if my body was telling me to swallow my pride and just accept it.
Sa huli ay bumuntong hininga ako at tinanggap ang paperbag. "Babayaran kita sa sahod ko."
The guy leaned on the glass cabinet. He was about to tell me something when I heard my neighbor screamed on top of her lungs. Napabaling ako sa aming bahay na nasa kabilang kanto lamang, at nang makita kong inilalabas nila si Mama, nabitiwan ko ang payong pati ang paperbag na hawak ko.
"M--Mama!"
I ran as fast as I could. Halos madulas pa ako sa daan nang ilang beses ngunit mas inintindi ko ang Mama ko na isinasakay nila sa tricycle nina Aleng Azon. Puro dugo ang gilid ng mukha ni Mama pati na ang damit niya. Nagsisi tuloy ako na iniwanan ko siya kaagad habang paulit-ulit siyang umuubo kanina.
"Teka lang, Aleng Azon! Parang wala nang pulso si Hadie!"
Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa narinig. Ano raw ang sabi? Wala nang pulso ang Mama ko?
Aleng Azon checked my mother's pulse. Mayamaya ay tumingin siya sa akin nang namumula ang mga mata, at nang tuluyan niyang iniling ang kanyang ulo, nanghina ang aking mga tuhod. Kung hindi lamang ako nahawakan sa braso ng kung sino, baka bumagsak na ako sa basang kalsada.
"M--Mama!" Pumalahaw ako ng iyak. "Mama ko!"
My tears fell heavily on my cheeks, and as the guy holding me pulled me for a comforting hug, my head began to spin.
Nandilim ang aking paningin. The next thing I knew, I was already laying in my bed with a sticky note on the wall.
Condolence. Kapit lang, ganda.
- Kon