Sadie
I slapped my leg and cursed when another God-forsaken mosquito had the audacity to suck my blood. Nang marinig ng best friend kong si Jelyne ang pagmumura ko ay kaagad niya akong siniko.
"Nasa simbahan tayo, ano ka ba!" pabulong niyang sita.
I rolled my eyes and crossed my legs. "Then it's better to curse here. He's right there to forgive me."
Napabuntong hininga siya. "You know that's not how it works." Tumayo siya at nagpaalam nang magtitirik na muna ng kandila.
Umirap akong muli nang makaalis siya saka ko pinakatitigan ang poon sa harap. Mayamaya ay umayos ako ng upo at sinubukang mag-sign of the cross, pero dahil hindi naman talaga ako lumaking aktibong katoliko, hindi ko alam kung pakanan ba muna o pakaliwa ang dapat maging gawi ng kamay ko.
I just sighed and entwined my fingers. "Lord, anue na? Matagal pa ba? Nakailang sessions na ako sa derma. Ubos na ubos na ang sahod ko sa pagpapaganda. When ba 'yang dating ng asukal de Ducani ko?"
Yes, I specifically asked for a Ducani. I wanted to be rich, but I want to marry someone, too who is pretty relevant in the society.
Who else would be a better family to belong to other than the powerful clan of Ducanis? They literally dominated almost every line of business... at may pambato pa sila sa sports!
I sighed. "Pa-bente singko na ako, Lord. Ilang taon mo nang ipinatitikim sa akin ang pagiging dukha. Hindi naman pwedeng binigyan mo ko ng ganitong ganda tapos hanggang dito lang din ako? Aba, that's not fair. Hindi pwedeng ganito lang, Lord, okay? Kasi kung hindi mo man lang ako bibigyan ng chance mag-level up sa buhay, makikipag-deal talaga ako kay Satanas. Magre-recruit pa ako. Huh. Mamaniin ko lang 'yon, akala mo, ha? Member kaya ako ng networking!" I prayed, or at least that's how I view it.
Napatingin sa akin ang nagnonovena. Mayamaya ay tila dismayado siyang umiling at nagpatuloy. "Patawarin mo, Ama, ang mga naliligaw mong anak gaya ng babaeng iyon. Iligtas mo siya sa apoy ng impyerno sapagkat hindi niya alam ang kanyang ginagawa.
"Pakielamera. Impyerno, impyerno ka diyan? Ako pa? Si Sadie? Magpapatusta sa impyerno? Anong akala mo sa'kin? Lumaklak ng Myra E at gluta para lang maging barbeque?" Umirap akong muli. "Lord, oh—punyeta naman talaga, oo."
Inis na inis kong sinipat ang binti kong napapak na naman ng lamok. Mayamaya ay bumaling ako uli sa poon nang dismayado.
"Lord, sige na kasi. Ducani lang naman. Huwag ka namang madamot. Deserve na deserve ko naman 'yon." Pinagsalikop ko ulit ang mga palad ko. "Kapag naging Mrs. Ducani ako, promise ko Lord, pabobombahan ko talaga lahat ng simbahan mo ng pantaboy ng lamok. Magdo-donate pa ako ng katol. Gusto mo 'yon? Kasi I swear, kung hindi mo talaga ako babagsakan ng Ducani sa harap ko, baka magwelga talaga ako sa harap ng mga simbahan mo. Maglalagay pa ako ng lumang gulong sa labas nang dumami ang lamok dito. Ewan ko lang kung hindi ka ulanin ng prayers ng mga na-dengue. Na-stress ka na sa rami ng ligtas prayers, overtime ka pa sa pagbabantay sa mga anak mo."
"Huy! Ano ba 'yang pinagsasabi mo diyan?" sita ni Jelyne nang makabalik.
"Huwag kabg magulo, I'm praying," pagmamalaki ko pa.
Halos masapo niya ang kanyang noo. "Ano ka ba naman, Sadie hindi ganyan magdasal! Para mo namang bina-blackmail si Lord!"
"Sabi ng adik sa Bible kong katrabaho, dapat personal prayer kapag nagdarasal. Well, this is my personal prayer kaya walang basagan ng prayer—"
Napapitlag kaming pareho nang biglang dumagundong ang langit. Napalunok tuloy ako at alanganing tumingin sa poon saka nag-peace sign.
"Si Lord talaga hindi na mabiro. Oo na, aaralin ko na 'yong favorite mong Ama Namin—"
Muling kumulog kaya inis na inis akong napatayo. "Bigyan mo na kasi ako ng Ducani nang tumahimik na lahat ng simbahan mo!"
"Loka-loka ka, mukha kang baliw!" hiyang-hiyang sita sa akin ni Jelyne. Ni hindi niya alam kung matatawa siya sa akin o matatakot na manatiling kaibigan ko. "Tara na nga lang. Susunduin ko pa si Saharah. Baka mamaya may bigla na lang dumampot sayong taga-mental dahil sa mga pinagsasabi mo."
I flipped my hair when I realized that the thunder had already stopped. Napangisi ako at tinaasan ng kilay ang poon. "Oh, Lord nag-usap na tayo, ah? Pang fifteen nang simbahan 'to. Kapag ako talaga hindi pa nakapangasawa ng Ducani sinasabi ko talaga sayo, Lord."
Kinaladkad na ako ni Jelyne palabas nang pagtinginan ako ng ibang mga tao sa loob ng simbahan sa lakas ng boses ko. Halos siya pa ang nahihiya, kaya nang makarating kami sa sakayan ng jeep, bumira na naman ang bibig niya.
"Lima pa!" sigaw ng barker.
My brow shot up. Ang natural na singkit kong mga mata ay lalo pang naningkit. "Lima? Hoy! Jeep 'to, hindi lata ng sardinas!"
Masama niya akong tinignan. "Jeep 'to, miss hindi taxi. Kung ayaw mo palang makipagsiksikan, sumakay ka ng taxi at doon ka mag-upong mayaman. Ganda-ganda, ang arte-arte naman."
"Maganda talaga ako, gago!" Gigil na gigil ko siyang dinuro, ngunit bago pa man bumira ang bibig ko, sinipat na ni Jelyne ang aking hita saka pilit akong pinakalma.
I sighed and just murmured curses. Kung hindi ko lang talaga alam na chismoso si Lord at palagi siyang nakikinig, baka namura ko na mula ulo hanggang gulugod ang mukhang tinapang lalakeng iyon.
"Kumalma ka na, ha? Bawas-bawasan mo na 'yang katarayan mo."
Hindi ko na lamang siya kinibo. I pulled my phone out and busied myself by stalking my favorite family in the world. Syempre, sinampal na naman ako ni Khalil Ducani ng katotohanang wala pa ring Ducani'ng nagpa-pamper sa akin.
He posted a stolen photo of his wife who's trying out the dress she'll wear for a charity event. Inggit na inggit tuloy ako lalo na nang mabasa ko ang caption na, "still wonder how my whole world could fit in a tiny dress".
Ang lakas talagang magpakilig ng future byenan ko. Eh, 'di sana all.
I sighed and just reacted to his IG post. Nag-comment pa ako ng "daddy, pamudmod naman ng isang anak mo".
I smirked to myself. Maybe Jelyne was right. Loka-loka talaga ako.
"Mauna na ako, ah?" paalam ni Jelyne nang makababa kami ng jeep.
I fixed my hair and said goodbye. Nang makasakay siya ng isa pang jeep patungo naman sa eskwelahan ng anak niya, nilakad ko ang daan hanggang sa harap ng Ducani Empire. The Ducanis have several businesses, but their main offices are here, in their building.
Alam kong dito lang tinatago ni Lord ang Ducani na para sa akin.
I stood outside and looked up. The tall building made me smile, and when my crazy side kicked in again, I shouted.
"Hoy, mga Ducani! Pinagdasal ko na sa labinlimang simbahang makapangasawa ako ng isa sa inyo! Baba na diyan at dala ko na ang CENOMAR, barangay clearance at birth certificate ko!"
I laughed to myself and shook my head. Mayamaya ay na-distract ako ng ingay ng nagwawalis. Nang makitang malapit na ang may katangkarang lalake sa akin ay bahagya akong umusog. He was in a janitorial uniform, his midnight black hair was hiding under his cap, and his lower face was covered with a cheap surgical mask.
Pasipol-sipol pa ang lalake habang nagwawalis, at dahil nakayuko nang bahagya ay hindi ko masyadong makita ang mukha.
Muli akong umusog, ngunit nang mapansing tila pinagti-trip-an na ako ng gago ay bwisit na bwisit kong ibinara ang sarili ko sa winawalisan niya. He towered over me as he refrained from sweeping, and when I saw his magnetic pair of obsidian eyes, my knees almost gave up.
"Tabi pa konti, Miss. Nakabara ka sa winawalisan," he said, and oh good Lord, por Diyos por Santo, mekeni meketong, bakit ganoon kasarap sa tainga ang boses ng pobreng ito?!
I swallowed the pool of saliva in my mouth and tried to remind myself that I am not allowed to admire men who don't carry the Ducani surname. Nang kahit papaano ay nagbalik ako sa sarili ay tinaasan ko ng kilay ang lalake.
"Ikaw mag-adjust. May inaabangan ako rito kaya umikot ka kung gusto mo."
The guy sighed. Mayamaya ay ganoon na lamang ang gulat ko nang bitiwan niya ang walis at dust pan saka niya ako biglang binuhat. Impit akong napatili nang ilipat niya ako ng pwesto. He even adjusted my skirt before he grabbed his broom once more.
Uminit nang husto ang aking mukha sa galit. "Bwiset ka! Manyak! Kapag nakapangasawa talaga ako ng Ducani, palalayasin kita sa Pilipinas!"
Mahina siyang humalakhak. "So gusto mo pala ng Ducani, hmm?"
"At sino ang hindi, aber?"
His eyes slightly quenched as if he was grinning behind his mask. "Ipakilala kita sa Ducani, gusto mo?"
Parang biglang kumalma ang kanina lang ay nasa boiling point ko nang dugo. "T—Talaga? Kaya mong... gawin 'yon?" I cleared my throat. "S—Sige nga? Ipakilala mo nga ako sa Ducani?"
"Sure!" he said, almost laughing.
He put his cleaning stuff on the side before he took his mask off. Halos bumigay ang mga tuhod ko nang bumalandra sa akin ang mukha ng janitor, at nang unti-unti siyang ngumiti sa akin, pakiramdam ko ay nagkaroon ng riot ng mga paru-paro sa aking tiyan.
Ang... gwapo!
The man offered his hand with slim, long fingers and evident veins on the back of his palm.
"Kanor."
I gulped and tried to ignore his effect on my system. "S—Sabi ko sa Ducani mo ko ipakilala, hindi sayo."
He laughed softly. "Kaya nga." He licked his lower lip and smiled wider as his eyes flickered with interest. "Ipinakikilala na kita sa Ducani..."