-=Slater's Point of View=- "Bawas bawas nang ngiti pag may time, may bukas pa huwag mag-aksaya." narinig kong biro nang Mommy ko na nakapikit na. Hindi ko tuloy mapigilan mas mangiti sa sinabi nito, siguro mukha na akong tanga dahil nangingiti ako nang walang dahilan pero hindi ko maiwasan sobrang saya kasi nang nararamdaman ko dahil sa isang tao na sobrang mahal ko at alam kong mahal na mahal din ako. Dapat nga magkasama kami ngayon kaso kinailangan kong samahan ang Mommy ko para dalawin ang mga kamag anak namin sa Batangas at kahit kanina lang magkasama kami sa school ay miss na miss ko na agad ang mahal ko. Ito nga nakasakay na kami sa bus papuntang Batangas naligo lang ako at nagpalit nang damit at matapos non ay dumiretso na kaming umalis. "Kung ako sayo anak, matulog ka na muna,

