Chapter 5: Pustahan sa Isang Linggo

2249 Words
-=Alexander's Point of View=- "Anong akala nang Slater na iyon hindi ako makakahanap nang taong magkakagusto sa akin, nagkakamali siya, walang problema sa akin at wala akong babaguhin sa sarili ko." I said habang naglalakad pauwi sa amin finally natapos na din ang klase namin at finally pumayag ako sa pustahan na hinamon sa akin ng binata at dahil pumayag ako ay pumayag din ito sa kundisyon na hinihingi ko na hinding hindi niya ako guguluhin sa loob ng isang linggo. At sa loob nga ng Linggo na iyon at hindi niya ako ginulo hanggang mag Friday at walang pasok bukas hanggang Linggo. Saktong dumaan ako sa isang tindahan at napatigil ako at napatingin sa isang malaking salamin na nasa tindahan. "May mali ba talaga ang itsura ko?" bigla kong tanong sa sarili ko hindi ko namalayan na medyo napalakas ang salita ko. "Oo may mali kasi nakaharang ka sa tindahan namin." inis na sabi ng isang babae na marahil ay disi sais anyos ang edad at halatang galing probinsya dahil sa punto nito. "Ay sorry." hingi ko nang pa umanhin at dali dali akong umalis sa naturang lugar. Dahil malapit lang naman ang sa amin ay naglakad na lang ako pauwi, patuloy na nasa isip ang mga sinabing bagay ni Slater kanina sa Jollibee. "Hi anak!" bati sa akin ng aking pinakamamahal na Mom, alam nito ang tungkol sa preference ko at suportado naman ako nito ngunit conservative pa din ito. "Hi Mommy." ang sabi ko sabay halik sa pisngi nito, dalawa na lang kaming magkasama sa buhay dahil maaga kaming iniwan ni Daddy. "Hintay ka na lang malapit nang maluto tong ulam natin, how was school?" tanong nito na patuloy sa paghalo sa nilulutong adobong baboy. "Ok naman, kaya lang...." I said ngunit hindi ko alam kung paano itatanong sa Mom ko kung anong tingin ba nito sa akin. Marahil ay naramdaman nito na may pinagdadaanan ako kaya sandali itong tumigil sa niluluto at tinignan ako. "May problema ba ang pinakamamahal kong anak?" tanong nito sa akin at parang nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. "Wala naman po...." I said ngunit minabuti ko nang tanungin ito, since sabi nila mothers' knows best. "Well actually, ano pong tingin niyo sa akin?" nag aalangan kong tanong dito at nakita kong bigla itong ngumiti. "Tinatanong pa ba yan Alex, ikaw kaya ang pinakamabait na anak sa buong mundo at ,maliban pa doon ay pinakaguwapong anak din." she said ngunit bakit ganoon, parang mas nagduda ako kesa napanatag ang loob ko. Looking at my mom ay makikita kung saan ako nagmana ng fashion, naisip ko tuloy ang sinabi ng iba na ang lahat ng magulang ay maganda at guwapo ang tingin sa mga anak, maaring ganoon din ba ang sitwasyon ko. Agad kong binura ang nasa isip ko dahil hindi naman ito makakatulong sa akin at dahil gagawin ko ang lahat para mapakain ko sa Slater na iyon ang lahat ng sinabi nito. "Ako nerd jologs?" I said. "Ano iyon anak?" tanong ni Mommy ko habang sabay kaming kumakain ng hapunan, hindi ko napansin na napalakas pala ang pagsasalita ko sa isip. "Wala po." maikli kong sinabi at biglang lumakas ang kumpiyansa ko na mananalo ako sa pustahang ito. Si Biyernes naman ay nagdecide akong mag open ng f*******: at simula nga nang makita ako ni Ruke ay hindi na ito nag memessage sa akin sa f*******: or sa text, hindi ko mapagilang hindi tignan ang Profile nito, may nabasa akong post nito na medyo kinainis ko. "Still not able to find the right person who will complete me." ang message nito at nakita ko ang mga kaclan ko na naglike sa post nito. Sa inis ko ay tinurn off ko na lang ang computer ko at sa isip isip ko ay sinasabi ko na nakita na niya ang dapat na taong kukumpleto sa kanya ngunit pinakawalan niya lang. Aminin ko man o hindi ay gusto kong makabawi kay Ruke sa ginawa niyang iyon sa akin dahil parang pinaasa niya lang ako at basta basta na lang kakalimutan. Nagdecide akong kalimutan na muna ang bagay na iyon upang makapagfocus ako sa kailangan kong gawin simula Lunes. At iyon ang makahanap ng taong magkakagusto sa akin. "I mean how hard can it be, right?" tanong ko sa sarili ko. At sa loob ng dalawang araw na walang pasok ay hinanda ko ang sarili ko both mind and body, sa dalawang araw na iyon ay nagjog ako sa loob ng village namin kahit naman hindi ako mataba parang mas ma feel ko ang gagawin ko. Finally nagising ako at ito na ang araw nang sisimulan ko nang ipahiya si Slater sa sinabi nito para malaman nito na nagkakamali siya, kahit na sobrang guwapo siya mukhang hindi niya alam ang definition ng Nerd sa Hot Nerd type of guy. I checked my phone nang papunta na ako sa school at nakita kong nagtext ang damuhong si Slater. "Handa ka na bang matalo." Slater texted. "Ihanda mo na ang sarili mo at ikaw ang matatalo." I said habang galit na galit na tinatype ang message ko sa binata. ~MONDAY~ Unang araw ng pustahan namin, gaya ng dati ay pumasok ako at kitang kita ko ang malapad na ngiti sa mukha ni Slater habang hinihintay ako nitong maupo sa puwesto namin. Habang papalapit ako sa puwesto namin ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga sinasabi ng mga ibang kaklase naming babae kasama na din ang mga bakla nitong mga kaibigan. "Ano ba yan, hindi ko talaga maintindihan kung paanong ang guwapong si Slater ay makikipaglapit sa isang nerd na katulad niyan." one girl said na halatang pinaparinig nito sa akin. Ending deadma na lang ako sa mga pinagsasabi nila since hindi naman ako ang may gustong makipag close sa binata. Ilang minuto lang ay dumating na ang Professor namin, hinanda ko na ang binder ko para sa binigay nitong assignment namin lasft Friday. "Maganda ito, handa ka na ba?" bulong nito sa akin at kahit hindi ako tumingin ay alam kong nakangisi ito sa akin. "Bring it!" madiin kong sinabi dito na tutok lang ang mata sa harap kung saan nag aattendance ang Professor namin. Finally lunch hour at sinamahan ako ni Slater hanggang magawi kami sa quadrangle ng campus at nakita ko na agad ang gusto kong lalaki sa campus. "May prospect ka na ba sa first try mo?" tanong nito sa akin habang sinusundan ng tingin ang tinitignan ko. "Yep and you are actually looking at him right now." I said and heard him gasped. "You got to be kidding me him!" he said at alam kong magugulat talaga to dahil ang napili ko lang naman ay ang star player ng basketball team and to be honest hindi nga ako sigurado kung straight ba ito o hindi pero sa mga naririnig ko kasi parang may chance eh. "Are you sure gagawin mo to?" tanong sa akin nito at binigyan ko lang siya ng isang malapad na ngiti. Ilang minuto lang naglalakad na ako papunta sa kinauupuan nito at nakita kong nakatingin sa akin si Brian. "Hi!" bati nito sa akin nang makalapit na ako at parang lalo akong nabuhayan ng loob sa pinakikitang saya sa mukha nito. "s**t crush din yata niya ako." sa isip isip ko. "Hi Brian just want to say ang galing mo sa game niyo last week and I'm just wonde......" tuloy tuloy kong sinabi dito ngunit naputol nang bigla itong nagsalita. "Kaibigan mo ba iyon?" tanong nito sa akin at nang sundan ko ng tingin ang tinitignan nito ay nakita ko si Slater na nag aantay lang sa isang tabi. "Ah oo si Slater." matabang kong sinabi dito dahil parang nararamdaman ko na kung saan patungo ito. "Puwede bang makilala siya." nakangising nitong sinabi. "Sige next time, sige punta na muna kami sa cafeteria." I said at agad agad kong iniwanan ang binata. "Kakabadtrip tama nga ang hinala kong bi siya ngunit iba naman gusto..... hays buhay." napabuntung hininga kong nasabi sa sarili ko. "Don't asked!" asar kong sinabi dito nang mapalapit na ako dito at kitang kita ko ang kislap sa mga mata nito dala ng natutuwa ito sa nangyayari. Dumiretso na kami sa canteen ng school namin at gigil kong kinain ang inorder kong Lasagna habang tahimik lang na nakatingin sa akin si Slater. Ilang minuto lang ay dalawa mukhang Freshman na babae ang lumapit sa mesa namin at parang naiihing hindi mo alam ang dalawa habang nakatingin kay Slater. "Hi Slater, just like to say ang guwapo mo." sabay na sinabi nang dalawa at parang mga timang na bigla na lang lumayo. "Wow ang guwapo mo ah." tuya ko dito dahil totoo naman pero naiinis lang kasi ako na parang ang dali dito ang lahat. "I know right, thank you." he said at natawa lang ito nang tinawag ko siyang conceited. Lumipas ang buong araw na walang nangyari sa paghahanap ko ng taong magkakagusto sa akin, pero pinangako ko sa sarili ko na sa Tuesday sigurado na. ~TUESDAY~ Lunch time uli, nagdecide akong huwag nang isama si Slater dahil parang piling ko kapag nasa paligid ang binata kahit na anong pagpapacute ko kahit na kanino ay walang mangyayari Next target ko is the cute student council president na si Ivan Chan, isa sa mga kahinaan ko ay mga chinito guys and according fromm what I've heard ay open gay siya kaya malakas ang kumpiyansa kong may chance ako dito. Dali dali akong lumapit dito at nakita ko naman na nakangiti ito sa akin. "Hi Ivan!" bati ko sa binata at parang naghihina ang tuhod kosa ngiti niyang iyon. "Hi din Alex." bati nito sa akin at nagulat ako kung paano nito nalaman ang pangalan ko. "Kilala mo ako?" takang tanong ko dito. "Oo naman kilala ko halos lahat ng estudyante sa school natin." nakangiting paliwanag nito sa akin at bahagya akong nadisappoint dahil akala ko pa naman na kaya kilala ako nito ay may gusto din ito sa akin. "Ahh ganoon ba." ang sabi ko at pinilit tumawa. "Anong maipaglilingkod ko sayo?" nakangiti nitong tanong sa akin. "Well I'm just wondering kung gusto mong lumabas, alam mo na gumala." nahihiya kong sinabi dito at nakita kong nawala ang ngiti nito. "Ah pasensya na Alex hindi kasi ako mahilig gumala alam mo na dahil sa posisyon ko." malungkot na paliwang nito sa akin at naintindihan ko naman kaya malungkot akong umalis sa lugar na iyon. Uwian dumiretso ako sandali Trinoma at hulaan niyo kung sino nakita ko, Student Council President Ivan nakikipag date! "Hindi pala mahilig gumala, hinding hindi na kita iboboto!" inis kong sinabi sa sarili ko at kaya umuwi na lang ako. ~WEDNESDAY~ Third day at wala pa din akong nakikitang taong magkakagusto sa akin at bawat araw ay kita ko kung paanong lumapad ng lumapad ang ngiti ng mokong kong katabi. "I'm tired of the nice approach mukhang kailangan ko na nag tackless approach." I said to myself and saw my third target which is Lucho a really cute cosplayer. "Hi Lucho, I like you, do you like me too." I said nang nagkalakas ng loob ako nang makita kong nag iisa na ito. "Uhm no sorry." he said at nang marinig iyon ay dali dali na akong patakbong umalis habang pulang pula ang mukha. ~THURSDAY~ Next target Red na mahilig magbasa ng libro at katulad nang mga nakaraang araw ay nganga pa din. "Ready to give up?" nakangising tanong sa akin ni Slater nang dumaan ito sa harap ko. "Never!" galit kong sinabi dito ngunit aminin ko man o hindi ay nawawala na din ako ng pag-asa ngunit isipin ko pa lang ang nakakalokong ngiti ni Slater ay naasar ako kaya't gagawin ko ang lahat upang manalo sa pustahang ito. ~FRIDAY~ Last day parang nauubusan na ako ng prospect at naglalakad lakad ako sa buong campus para makahanap habang lunch break pa namin nang mapadaan ako sa isang tambayan sa isang puno na malapit sa student council office and saw Nat na medyo may pagkabadboy sa school namin napaisip ako ngunit bigla naman akong natakot baka may gawin itong hindi maganda sa akin. Habang sa paglalakad ko ay nakita ko si Herman at aminin ko man o hindi ay pangit niya ngunit gustong gusto ko talagang manalo at ipamukha kay Slater na mali siya. "Hi Herman gusto mong kumain sa Jollibee nakakasawa na kasi pagkain sa canteen." nakangiti kong aya dito. At nahiya naman ako sa itsura nito nang bigla akong tignan nito mula ulo hanggang paa. "Excuse me? Ang lakas naman ng loob mo na ayain ako." he said at napansin kong nilalakas pa nito ang pagsasalita ng saktong dumaan ang isang grupo na magkakaklase na mukhang galing sa gym galing sa P.E "Wow hiyang hiya naman ako sa kasing itim na kulay na batok mo, at sa mukha mong parang p***t ng kawali." inis kong sinabi dito at nakita ko na mas napahiya ito sa sinabi ko. Agad akong umalis sa lugar na iyon at nainis ako sa sarili ko sa pagiging desperado ko na kahit na sino ay papatusin ko na. Naubos ang oras ko sa paghahanap ng prospect ngunit wala pa din kaya bumalik na lang ako sa kuwarto namin at sinubukan ifocus ang isip sa lecture sa harap. Natapos ang klase at nakikita ko na ang ngiti ng tagumpay sa mukha ni Slater nang mabasa ko ang text message nito na maghihintay ito sa Jollibee. "s**t nauubusan na ako nang oras." I said at nakita ko na naman si Nat na nakatambay pa din sa kaninang puwesto nakita ko kaninang lunch. "s**t it's now or never!" I said to myself. "Hi Nat, I like you puwede bang maging tayo?" nakangiti kong sinabi dito nakita kong nagulat pa ito sa pagsulpot ko. Parang nawalan ako ng pag asa ng ilang minuto na ang nakakalipas, ngunit hindi pa din ito nagsasalita. Ngunit ilang minuto lang ay nakakita kong bigla itong ngumiti. Parang nagliwanag ang mukha ko sa nakita ko. "Patay kang Slater ka, sinong nerd ngayon." I said to myself at ramdam ko na ang tagumpay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD