-=Slater's Point of View=-
Kanina pa ako naghihintay sa Jollibee ngunit ang tagal naman dumating ni Alex, hindi ko tuloy mapigilan isipin na baka nakahanap nga ito nang magkakagusto sa kanya.
"No! I doubt it, malabong mangyari iyon." I said to myself thinking about Alex because I know for a fact he is good looking behind those nerd look and I swear to myself na tutulungan ko siya pero bakit ganoon ang tagal naman dumating nang lalaking iyon.
Ilang beses ko na din siyang sinusubukang tawagan ngunit hindi naman ito sumasagot nagdecide akong maghintay ng thirty minutes at kung hindi pa din ito dumating ay babalik ako sa school upang hanapin ito.
Sampung minuto na ngunit wala pa din, twenty minutes na wala pa din, finally thirty minutes.
"What the hell Alex nasan ka na ba?" bulong ko sa sarili ko at kahit paano ay nag aalala na din ako sa kalagayan nito kaya naisipan ko nang bumalik sa UE parang tignan kung nandun pa ang binata ngunit nang akma akong tatayo ay nakita ko si Alex na papasok sa store at nagtaka ako kung bakit takip takipd nito ng kamay ang kaliwang salamin nito.
"About time that showed up.......what the hell happened to you?!" gulat kong tanong dito nang makita ko ang basag na salamin nito sa kaliwa at medyo may bruise sa paligid ng kaliwang mata nito.
Dinala ko ito sa pinakadulo ng store kung saan ko siya kinausap nang masinsinan.
"Ok so tell me what happened?" seryoso kong tanong dito.
-=Alexander's Point of View=-
Huminga na muna ako nang malalim bago ako magsimulang magsalita.
"Do you know Nat?" tanong ko dito at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.
"You mean Nathaniel the troublemaker?" maang nitong tanong at tumango na lamang ako upang sagutin ang tanong nito.
"Yes that's him, I approached him earlier at dahil may crush ako sa kanya ay nilakasan ko ang loob kong lapitan siya kanina." paliwanag ko dito at hindi ko mapigilang hindi maalala ang nangyari kani kanina lang.
One hour ago...
"s**t nauubusan na ako nang oras." I said at nakita ko na naman si Nat na nakatambay pa din sa kaninang puwesto nakita ko kaninang lunch.
"s**t! it's now or never!" I said to myself.
"Hi Nat, I like you puwede bangh maging tayo?" nakangiti kong sinabi dito, nakita ko ang pagkagulat nito sa pagsulpot ko.
Parang nawalan ako ng pag asa ng ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa din ito nagsasalita.
Ngunit ilang minuto lang ay nakita kong bigla itong ngumiti.
Parang nagliwanag ang mukha ko sa nakitang reaskyon mula dito.
"Patay kang Slater ka, sinong nerd ngayon." I said to myself at ramdan ko na ang tagumpay ko.
Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatingin ako kay Nat, ngunit laking gulat ko nang biglang tumama ang matigas na kamao ng binata sa kaliwang mata ko.
"Anong....." ang nasabi ko na lamang nang bigla akong bumagsak sa may damuhan, hindi makapaniwalang nakatingin kay Nat.
"Leche ka anong akala mo sa akin bakla, binabalaan na kita huwag na huwag mo nang ipapakita yang pagmumukha mo sa akin!" galit nitong turan at agad agad ding naglakad palayo.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari akala ko pa naman ay papayag na ito iyon pala ay napainit ko lang ang ulo nito.
"What happened to you?" gulat na tanong sa akin nang nasa likuran ko at nang lingunin ko ay nakita ko si Ivan Chan na tinangka kong ayain lumabas last tuesday.
"Wala ito naout of balance lang ako." pagkakaila ko dito ngunit kita ko sa mga mata nito na hindi ito kumbinsido.
"Ok pero paano mo mapapaliwanag ang blackeye mo sa kaliwang mata mo?" tanong sa akin nito.
"Basta wala ito sige una na ako sa yo." ang sinabi ko na lang dito, hindi ko na hinintay na mag usisa pa ito at dali dali akong pumunta ng comfort room nang school at mabuti na lang wala masyadong tao sa loob.
Pagtingin ko sa salamin ay kita ko agad ang basag sa salamin ko at maliban pa doon ay kitang kita ang medyo nangingitim na paligid sa mata ko marahil dahil na din sa frame ng salamin ko.
"Damn!" I said to myself nang makita kong tumatawag na si Slater, at alam kong wala na akong magagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nito.
Kaya kahit mabigat ay naglakad ako papunta sa Jollibee kung saan naghihintay ang binata medyo binagalan ko ang paglalakad hoping na mainip na si Slater at magdecide nang umuwi, I can't afford to be seen like this, ngunit hindi yata ako malakas kay Bro pagbukas ko palang ng pinto sa Jollibee ay nakita ko na agad siya na mukhang paalis na.
"About time that showed up.......what the hell happened to you?!" nang makita nito ang kaliwang mata ko.
~BACK TO THE PRESENT TIME~
"Kaya ayun nga ang nangyari." ang sinabi ko sa kanya, habang seryoso ito sa pakikinig sa nangyari sa akin, hinihintay ko naman na maawa ito.
Nagulat ako sa naging reaskyon nito.
Bigla itong tumawa nang sobrang lakas na halos lahat ng tao sa store ay mapatingin dito, bigla naman akong nagtaka kung bakit ito tumatawa.
"What the hell, bakit ka tumatawa?!" inis kong tanong dito na pinilit pigilan ang pagtawa at sinubukan magsalita ngunit hirap na hirap itong magsalita dahil sa pagtawa nito.
Ilang minuto din nito pinakalma ang sarili bago tumingin sa akin ng diretso at kitang kita ko sa mata nito na naaamuse ito.
"Well natatawa ako dahil of all people pa si Nat pa, I mean kaw na nga may sabi the guy is a troublemaker at hindi nga ako sigurado kung bi ba iyon or straight at sa nangyari sayo I can safely say na straight siya." he said still stopping himself from laughing.
"Well nawalan na ako ng options eh." I said sabay inom ng binili nitong pineapple juice.
"So I guess ako ang nanalo sa pustahan natin?" he said and judging from the way he looks at me ay nakikita ko nang nag iisip itong kung paanong makeover ang gagawin nito sa akin.
"Oo na, so ano nang plano mo sa akin?" tanong ko dito, ngayon palang ay kinakabahan na ako sa mga gagawin nito sa akin at parang gusto ko na tuloy umurong ngunit may isang salita ang isang Alexander Villanueva.
"Well first bukas na bukas ay sasamahan kita sa Bench Fixed, I mean saan ka ba nagpapagupit you need style, at bukas na bukas natin sisimulan ang pagbabagong anyo ng isang nerd to a gorgeous handsome guy." he said still all smile in his annoyingly handsome face.
"So kung ganoon ay mauuna na akong umuwi at kailangan ko pang lagyan ng yelo itong blackeye ko." I said to him at akma na akong tatayo nang tawagin ako nito.
"Wait Alex!" pigil nito sa akin sabay hawak sa braso ko at sa hindi ko mawari ngunit nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa pagkakahawak niyang iyon at parang may nakita akong dumaan sa mga mata nito ngunit nang tignan ko ulit ay wala na at inisip ko na lang na baka namamalikmata lang ako.
"Ano iyon?" tanong ko dito at simple kong hinatak ang kamay ko sa pagkakahawak nito.
"Oh yeah, your name is Alexander right?" tanong nito sa akin na parang hindi naman nito narinig ang pangalan ko nung first day.
"Oo ang buong pangalan ko ay Alexander Villanueva." I said still clueless kung bakit nito natanong ang bagay na iyon.
"Well from now on, you will drop the nickname Alex, ang gagamitin mo nang nickname ay Xander." nakangisi nitong sinabi.
Nanlaki naman ako sa sinabi nito. "You're kidding right?" nananantiya kong tanong dito expecting him to burst into laughter ngunit ialng minuto na ang lumipas ngunit hindi nangyari ang inaasahan ko.
"What rights do you have to decide the nickname that I'm going to use?!" galit kong sinabi dito ngunit hindi man lang ito natinag sa inis ko bagkus ay ngumiti pa itong nang malapad.
"Well kanina lang nang nanalo ako, pumayag ka na gagawin mo ang lahat nang papagawa ko sayo kapag nanalo ako." he said.
"Yes I know pero hindi ko naman expected na pati pala nickname ko papakialaman mo pa, what do you have against my name?" nalilito kong tanong dito.
"Well Alex is such a common name and quite boring to tell you frankly and for you to be more interesting kailangan mong gumamit ng mas interesting na pangalan and I think Xander is quite good sa magiging bagong image mo." he said at napatingin na lang ako sa langit sabay bilang hanggang sampu dahil piling ko ay mauubusan ako ng dugo sa binata.
"Well kung iyon na lang ang sasabihin mo ay mabuting umalis na ako." I said.
"Mabuti na nga at buka ihanda mo ang sarili mo sa pagbabagong mangyayari sayo." pahabol na sinabi ni Slater nang nasa bandang pintuan na ako ng Jollibeee.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong mangyayari sa akin bukas. Kung ngayon palang ay pinakielaman na niya ang pangalan ko ano pa kaya bukas.
"God help me." I muttered sabay tingin sa langit hoping I can find an answer para malusutan ang napasukan kong kalokohan.