-=Alexander's Point of View=- "Saan ka galing?" tanong sa akin ni Mary Anne ng bumalik na ako sa puwesto ko. "Nag cr lang ako." pagkaila ko at matapos noon ay nagpaalam na akong uuwi na din, pagkalabas ko ng motel ay parang wala pa din ako sa sarili ko habang naglalakad papuntang sakayan ng bus dahil hindi ko malubos maisip na si Mark pala ang gumawa sa akin non ngunit bakit niya gagawin sa akin iyon at bakit gugustuhin niyang masira kami ni Slater unless... "Unless may gusto siya sa akin." ang bigla kong naisip considering na unang kita palang namin sa gym ay parang he is hitting with me. Ngunit kung iyon lang ang dahilan ay grabe naman ang ginawa nito at hinding hindi ko ito mapapatawad sa ginawa niya sa akin, lintik lang ang walang ganti. Umuwi ako sa bahay na kahit paano ay nasago

