-=Alexander's Point of View=- Parang wala ako sa sarili ko habang palayo ako sa bahay nila Slater, sobrang sakit pala kapag nakita mo ang pait at sakit sa mga mata ng taong mahal lalo na ikaw ang dahilan non, parang ilang dinudurog ang puso ko nang makita ko ang ganoong kalagayan ni Slater. Only one thing to do, ang alamin ang katotohanan at pagbayarin ang lalaki sa larawan. "He is going to regret that he did this to us." yan ang pangako ko sa sarili nang makalayo na ako sa bahay ng mga De la Cruz. Sumakay ako ng bus papuntang Cubao para puntahan ang pinagdalhan sa akin na motel, habang sakay ako ng bus ay hindi pa din mawaglit sa akin ang naging itsura ni Slater, hindi ko magawang isipin ang pinagdadaanan nito ngayon lalo na't nag-iisa ito sa bahay mabuti na lang at alam kong wala nam

