-=Slater's Point of View=- "Slater may problema ba?" ang nakangiting sinabi sa akin ni Slater, pati ang mata nito ay parang nakangiti habang nakatingin sa akin. Gulong g**o ang isip ko habang pabalik balik ang tingin ko kay Alex at sa larawan na nasa cellphone ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. "Huy Slater, anong nangyari sayo?" nag-aalala nang tanong ni Alex sa akin. "Wala Alex, tumawag sa akin ang mommy ko pinapauwi ako ng maaga, sige una na ako." ang sinabi ko at dali dali na akong lumayo sa lugar na iyon, naiwan si Alex na kitang kita ko ang pagtataka sa mukha. Sobrang tuliro ang isip ko hindi ko man lang alam ang dapat kong maramdaman ng oras na iyon ang gusto ko lamang gawin ay lumayo, malayong malayo sa taong pinakamamahal ko, hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan

