-=Alexander's Point of View=- Bakit nga ba ganoon kung kailan ayaw mong dumating ang araw na iyon saka naman parang nanadya ang panahon at parang kisapmata lang ay dadating agad. Ganito ang nararamdaman ko nang magising ako lunes nang umaga, wala naman akong kasalanan pero bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko na para bang may ginawa akong malaking kasalanan kay Slater. "Well naglihim ka kay Slater." parang narinig kong sagot nang isang bahagi ng utak ko at tama nga siya nagsinungaling ako kay Slater ngunit ano bang mangyayari kung sabihin ko pa sa kanya maguguluhan lang din naman si Slater gaya ng gulong nangyayari sa isip ko ngayon, hindi ko pa din kasi lubos maisip kung sino at bakit may gagawa sa akin ng ganoon samantalang wala naman ginawa sa akin na masama, "Tama na nga!" galit

