Chapter 32 Kamari’s Pov TAHIMIK akong naliligo sa shower room. Si Evander kasi ay nasa kusina. Nauna na akong umakyat dahil sabi naman niya ay siya na daw ang bahalang maghugas ng plato. Naligo nalang kaagad ako upang siya naman ang susunod na maligo pagkatapos ko. Binabalnawan ko lang ang buhok ko at laking gulat ko ng may humawak sa bewang ko. Mabilis kong pinatay ang shower at hinaplos ang mukha ko upang mawala ang tubig at maidilat ko ang mata ko. Kaagad akong humarap sa kanya at nanlaki ang mata mo ng makita kong wala ng saplot si Evander. Mukhang makikisabay na naman siya ng ligo sa akin. “Tapos ka ng maghugas ng plato, my love?” Tanong ko pa sa kanya. Niyakap naman niya ako mula sa likod at pinatakan ng halik ang balikat ko. “Yes, agapi mou. Sasabay na ako sayo maligo par

