Chapter 33 Kamari’s Pov BALIK NA NAMAN kami sa opisina dahil may work na naman. Kailangan kong pumasok ng work hindi dahil sa sahod kundi ang bantayan ang my love ko. May magandang babae pa naman sa opisina. Baka akitin niya ang Evander ko. Dapat lang ay bantayan ko ang my love ko. Sa inis ko nga ay nagsuot ako ng sexy na damit. Nainis ako dahil naalala ko na naman ang pagtataray niya sa akin kahapon. Ang kapal talaga ng mukha ng baliw na babaeng yun. Pero bibigyan ko pa siya ng chance dahil nga sa bago pa lang siya. Kapag talaga tinarayan pa niya ako ulit ay isusumbong ko na siya kay Evander. Nang matapos akong magbihis ay ang Evander ko ay nasa banyo pa. Hindi niya tuloy nakita ang suot kong damit. Naka dress kasi ako at hapit na hapit ito sa katawan ko. Ang ikli din nito at medyo

