Chapter 40 Kamari’s Pov LASING na lasing na kaming dalawa ni Rosalie. Kung ano-ano ba naman ang ininom namin dalawa kaya tinamaan talaga ako ng kalasingan. Ang lakas pala makahilo ng redhorse. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang katawan ko dahil sa kalasingan. Yung kaibigan ko ay papikit pikit na sa sahig. Nakahiga na siya doon habang ako ay nakaupo lang sa upuan at pilit na hinihilot ang sintido upang mawala ang nararamdaman kong hilo. Balak ko sanang ligpitin muna ang pinag inuman namin ni Rosalie. Baka kasi dumating si tita at makita niya ang kalat. Nakakahiya naman. Sinubukan kong idilat ang mata ko at kumurap kurap pa ng ilang beses upang mawala lang ang kalasingan ko. Hindi pa ako nakuntento at kinurot ko pa ang binti ko baka sakalint magising ako. Sinubukan kong tumayo mul

