Chapter 39 Kamari’s Pov NANDITO parin ako sa bahay ng kaibigan kong si Rosalie. Nagsimula na din kaming mag inuman. Gin na may juice ang iniinom namin. May pulutan kami dahil sa lumpiang shanghai na inorder ko sa kinainan namin na restaurant kanina. Nakabihis na din ako ng damit. Pinahiram ako ng malaking tshirt at short niya para daw komportable ako sa tagay namin. Kami lang din dalawa ang nandito sa bahay nila. Umalis ang nanay niya dahil makikipag chikahan na muna daw siya sa mga kapitbahay niya. Hinayaan na lang siya ni Rosalie dahil mag iinuman din naman kami. Kaagad kong inilapag ang baso na wala ng lamang alak. “Naisip ko lang..” sabi ko at ngumuso ng bahadya. “Bakit kaya hindi ka mag apply ng work ulit sa company kung saan ako nag wo-work.” Sabi ko kay Rosalie. “Tangek! Sa

